💵19

141 67 27
                                    

The Man I Never Knew
Lolita's Pov

"MARAMING SALAMAT Mr.Nolan Nam at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon, Matagal na namin gusto malaman ang iyong saloobin sa biglaang engagement ni Ms.Eilidh Moon sa anak ng Ambassador na si Mr.Yanis Kim. Kung handa ka na sisimulan ko na ang aking mga katanungan." Kinuha ang video camera sa bag at ipinatong sa table ni Nolan.

"Okay Mr.Nolan, Kailan pa kayo nagdesisyong maghiwalay ni Ms.Eilidh?" tanong ng lalaki. Habang ako naman ay nakatayo lang sa gilid at nakatingin sa seryosong mukha ni Nolan.

"I just want to clear na we have never been in a Romantic Relationship."

"Pero ilang beses kayong nakitang magkasamang dalawa sa condo niya?"

"Yes, that's right. I just want her to get home safely. Nothing more, Nothing less."

Bakit parang ako ang kinakabahan kay Nolan? Feeling ko ako iyong nasa hot seat.

"Medyo naguguluhan kami Mr.Nolan, bakit kayo kamuntikan ng ikasal kung wala naman pala kayong relasyon ni Ms.Eilidh?"

"Pamilya namin ang may kagustuhan, pero hindi naman ako tumututol doon."

'Yung singsing, 'yong nasa wallpaper ng phone ni Nolan. Alam ko na ngayon, kay Eilidh iyon.

"Minahal mo ba talaga si Ms.Eilidh? O dahil lang sa estado niya at ng pamilya niya sa buhay?"

"I don't care about her status, but I did love her and still loving her."

May biglang kumirot sa puso ko nang marinig ang mga salitang 'yon kay Nolan. Bakit parang nasasaktan ako, hindi mo dapat maramdaman 'to Lolita.

"Totoo bang si Ms.Eilidh ang dahilan kung bakit ka naglasing at naaksidente?"

"Yes, but she had nothing to do with it."

"Anong masasabi mo ngayon engaged na siya kay Mr.Yanis Kim?"

"I don't fucking care."

"Ilang beses ka na ding nakitang nakikipagdate sa mga kilalang babae, meron ka na bang napupusuan?"

"Yes. Of course."

"Who's that lucky woman?"

"My Personal Assistant."

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa aking narinig. Totoo ba talaga 'yung narinig ko O katang-isip ko lang iyon?

Ako daw? Ako daw ang lucky? Kung alam niyo lang ang paghihirap ko sa Mafia boss ko. Pero sa totoo lang, medyo tinamaan ako ng kilig sa sinabi niya. Pero hindi! Bawal maging marupok, alam ko namang hindi totoo iyon pero bakit nga ba niya nasabi iyon.

Natapos na ang interview ni Nolan pero hanggang ngayon iniisip ko pa din lahat ng mga sinabi niya kanina.

Sino ba talaga si Eilidh bakit ganito na lang ang pagkainterest kong makilala ang totoong pagkatao ni Eilidh. Sino ba talaga siya sa buhay mo Nolan? Bakit kayo humantong sa ganito.

Hindi ka ba talaga niya minahal?

Halatang mahal na mahal mo pa din siya hanggang ngayon.

Nasasaktan ako kapag nakikita ka ng ganito, hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan sa buhay mo. Kailangan kong I-focus ang sarili ko sa goal ko, kung bakit talaga ako nagtatrabaho para sayo. Wala akong dapat intindihin kundi ang sarili ko.

Pero wala akong kaalam-alam na ito na pala ang araw na magpapabago sa tahimik kong buhay.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now