A/N: Huwag po kayong magtaka puro pov pa lang po ito ni Lolita, next time na po si Nolan hihi. Enjoy reading!
---The Blind Dates
Lolita's Pov
MAAGA akong pumasok sa work para ayusin ang mga susuotin ni Nolan for blind dating. Kailangan guwapong-guwapo ang mafia boss ko. Pinaghanda ko na rin siya ng agahan.Huwag mag-panic hindi ako akyat condo Gang! May access na po ako sa room ni boss.
"Good morning, Nolan the great!" masigla kong bungad sa kaniya. Hindi talaga siya umalis sa sala.
Nakapikit pa rin ang mga mata niya ng bumangon siya sa pagkakadapa. "Where's my shades!" biglang sigaw niya. At magkasalubong na naman ang dalawang kilay niya.
Agad akong nag-panic na hanapin ang shades niya.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kuwarto niya at tsinek ko sa kaniyang drawer. Ayon, ang daming shades! Dumampot ako ng ilan 'di ko na nabilang kinakabahan na ako. Mabilis kong inabot sa kaniya lahat ng kinuha ko.
"Animal ka! Bakit mo kinuha lahat?" pagsigaw niya ulit sabay nag-suot ng isa.
Napangatngat ako sa akiing daliri sa sobrang nerbyos.
"Hindi ko naman kasi alam kung anong paborito mong shades kaya kinuha ko na lang 'yong madampot ko," paliwanag ko habang nangangatog ang kamay at paa ko.
"Next time nasa table ko lang ang shades ko, klaro?" aniya.
Ang guwapo-guwapo panay shades kulang na lang lagyan ko 'to ng latang walang laman sa harapan e.
"Okay Nolan, masusunod," tugon ko.
"Bring my foods here," utos ulit niya dali-dali ko namang kinuha sa kusina at dalhin sa table niya.
Nakatayo ako habang pinagmamasdan siyang kumakain.
"Kumain kana?" Kalmado niyang tanong while eating. Biglang bumait na 'tong drakulang Nolan na 'to. Ang moody pala niya.
"Tapos na," tipid kong sagot. Medyo nangangatog pa ako. Kakatakot kasi ang boses niya kapag galit para akong binabaon sa hukay.
"Kumain ka ulit," sambit niya. Parang galit na naman kaya kumain na lang ako sa kabilang mesa niya.
Umalis na kami agad para pumunta sa kaniyang blind dates. Guwapong-guwapo na ang drakulang mafia boss ko. Tama lang ang ganoong tawag dahil para siyang mangangain ng tao kanina.
Guwapo ni mafia boss kaso may tililing sa ulo bigla-bigla na lang nagagalit. Nakapustura akong dating five hundred habang pinagmamasdan ko si Nolan kausap niya ang kaniyang ka-blind date.
Tumayo agad si boss. Ay, anong nangyari? Mabilis niya akong sinenyasan na lumabas na ng restaurant. Paano na iyong ka-date niya? Ganda-ganda pa naman no'n.
Sumakay kami sa kotse niya. "Hindi ba pasado si Ms. Kim?" Pagtataka kong tanong at tinignan ko siya sa rear-view mirror ng kotse niya.
"Next," walang gana niyang tugon. Tinatanong ng maayos e, palihim ko na lang inirapan.
Kinuha ko ang folder sa tabi ko, "Ms. Rica, fashion designer ng mga artista. Wow! Sana all," wika ko. Napapahanga talaga ako sa mga babaeng nasa listahan.
Akala ko madali lang hanapan si Nolan ng magiging babae niya. Grabe 'tong lalaking 'to talagang pahirapan pa. Ang gaganda, sexy, sikat, anak pa ng mga dukesa pero tinatanggihan niya. Aba'y kala mo naman sinong guwapo. Drakula naman! Mababaliw na yata ako sa lalaking 'to. Million dollar ko!
"Next!"
"Next!"
"Next!"
Ang dami niyang hindi natipuhang babae.
"Huli na 'to Nolan for today. Si Ms. Shin, owner din siya ng isang sikat na resto bar," napapahikab na sabi ko. Sabay bumaba na ng kotse nandito na pala kami.
Pagpasok namin ay masaya kaming sinalubong ni Ms. Shin sa kaniyang resto bar, dito kasi ang gustong place ni Ms. Shin.
"Hello Nolan, It's nice to see you again," pagbati niya sabay kiss sa pisngi ni Nolan. Sana all nakakakiss. Joke!
Napatitig na lang ako sa kanila ng iwan nila ako sa pinto ng resto. Parang magkakilala na sila. Siguro dahil parehas sikat ang kanilang mga business.
Anyway, sana si Ms. Shin na ang magustuhan ni mafia boss. Inaantok na ako, kakapagod din pala maging P.A.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...