Tamad na tamad si Woozi na patayin iyong alarm clock niya. "5 min--Hala!" Nagising naman bigla ang diwa ni Woozi at dali-dali siyang bumangon sa kama niya. Hindi na siya nag-abala pa na ayusin iyong kama niya at dali-daling pumasok sa banyo.
12:00 pm na at mga 12:30 pm ay darating na ang magsusundo sa kaniya. Nagtataka rin siya kasi bakit pa siya susunduin ng driver ng magiging landlord niya, kaya niya naman pumunta mag-isa kung sasabihin lang ang address.
Pero libre lang naman daw ang pagsundo sa kaniya kaya pumayag na rin siya para hindi na rin gumastos pa si Woozi.
Medyo binilisan ni Woozi ang pagligo, buti na lang at naayos niya na ang gamit niya kahapon kasi kung hindi mapapamura talaga siya sa sarili niya. Ang lakas kasi magmovie marathon kagabi at mga 4:00 am na siya natulog kaya heto siya ngayon.
Pagkatapos niya maligo ay bumaba muna siya saglit para maglunch. Nakita niya sa lamesa na nakahanda na ang tanghalian niya na gawa ng mga kasambahay. Tanghalian na ito kasi tanghali na siya nagising. Naupo agad siya sa lamesa at dali-daling kumain.
Habang kumakain siya ay lumapit sa kaniya ang pinakamatandang kasambahay niya.
"Jihoon kailangan mo ba talaga umalis?" malungkot na sabi nito. Napangiti naman si Woozi.
"Yaya Lilia kailangan po kasi malayo-layo itong bahay roon sa pinapasukan kong university at saka lilipat din po rito si Jeongyeon," sabi naman ni Woozi.
"Mayroon ka naman sasakyan Jihoon, hindi mo kai--" Napahinto ito sa pagsasalita kasi nagsalita bigla si Woozi.
"Sorry to interrupt you Yaya Lilia but you knew that me and Jeongyeon are not close to each other, I can't stand if we are living in the same roof." Woozi returned his gaze to what he was eating.
Jeongyeon is the half-sister of Woozi and they are not so close to each oher. Woozi didn't treat her as a sister. They are like more strangers to each other. When he knew that Jeongyeon will live here, he immediately find an apartment and thank God he found a room for rent in twitter.
Pagkatapos niya kumain ay tumayo na siya at pumasok sa kuwarto niya. Dinouble check niya ang mga dalahin niya at na makita na ayos na ang lahat. Agad naman siya nagsapatos at binitbit ang mga dalahan niya.
Bumaba na siya at nagpaalam na sa mga maids na nandoon. He is not pretty sure if he will comeback here. If Jeongyeon will not stay here, he will comeback but if is not then he will never comeback here.
Lumabas na siya at inantay ang magsusundo sa kaniya. Nag-intay lang siya ng ilang minuto at may isang bus na huminto sa harapan niya. Lumabas ang driver nito at lumapit sa kaniya.
"Ikaw po ba si Lee Jihoon?" tanong nang driver at dahan-dahan naman siya napatango. Tumingin naman si Woozi sa bus.
"Bakit sa bus po ako sasakay?" takang tanong niya. Hindi naman marami ang dalahin niya para bus ang magsundo sa kaniya.
"Kasi susunduin ko rin po ang ibang tenants," sagot naman ng driver. Napatango-tango si Woozi at binigay niya na sa driver ang suitcases niya.
Sumakay na siya at nakita niya na may dalawang co-tenant niya na nandoon. Agad naman lumingon ang dalawa sa kaniya.
"Hi," bati nilang dalawa habang may ngiti sa labi.
"Hello," bati niya rin pabalik.
"I'm Hong Jisoo," sabi ng isang lalaki na Jisoo nga ang pangalan.
"And I'm Boo Seungkwan, you are?" tanong naman ni Seungkwan.
"I'm Lee Jihoon," sagot niya naman at ngumiting tumango-tango naman ang dalawa.
Naupo naman siya sa may pangalawa sa huli na row. Woozi is not a sociable person, madalas ay gusto niya lang mapag-isa. Sinuot naman ni Woozi ang headphones niya at tahimik na nakinig ng kanta.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfic13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)