Nag-aayos na si Seungkwan para sa bago niyang titirahan. Nakahanda na ang mga gamit niya at iniintay na lang niya ang magsusundo sa kaniya. Gulat nga itong si Seungkwan kasi may pasundo effect pa itong soon-to-be landlord niya. Which is nakakapagtaka kasi ito lang iyong landlord na sinusundo ang mga tenants niya.
"Kumpleto na lahat," sabi ni Seungkwan sa sarili niya. Aalis na siya rito sa tinitirahan niyang apartment kasi masyadong masungit ang landlord. Nalate lang siya ng isa o dalawang araw sa pagbayad sinusugod na agad siya at paalisin na siya agad.
Kaya buti na lang at may nagpost ng room for rent sa twitter para makalayas na siya rito sa apartment na tinitirahan niya.
At saka sakto naman kasi iyong bago niyang titirahan ay malapit-lapit sa university na balak niyang pasukan ngayong darating na school year. Kinuha niya na iyong suitcase niya at iyong backpack niya.
Pagkatapos makita ni Seungkwan na ayos na lahat ng gamit niya ay hinila niya na ang suitcase niya at tiningnan muna ang kabubuan ng apartment niya. Halos dalawang taon din siya tumira rito kaya kahit papano ay mamiss niya itong apartment niya.
Napabuntong hininga muna si Seungkwan at lumabas na ng apartment niya. Binuhat niya naman iyong suitcase niya at bumaba na sa hagdan.
Tiningnan niya naman ang cellphone niya at 10:45 am na. May isa namang bus ang huminto sa harapan niya. Napatingin naman siya sa kaliwa't kanan niya kung may sasakay pero siya lang naman ang nandoon.
Bigla naman bumaba iyong driver at lumapit sa kaniya. "Kayo po ba si Boo Seungkwan?" tanong nang driver at dahan-dahan naman tumango-tango si Seungkwan.
"Sakay na po kayo," nakangiting sabi ng driver at tinuro iyong bus.
"Kuya sure po kayo sa bus ako sasakay?" Isang tao lang naman si Seungkwan pero bakit sa bus pa siya sasakay? Hindi naman marami ang dalahin niya at kung marami man ay napakalaki pa rin ng bus para sa kaniya.
"Susunduin ko pa po kasi iyong ibang tenants," sagot naman nang driver at dahan-dahan naman napatango si Seungkwan.
Kinuha naman ng driver iyong suitcase niya at inilagay sa may baba ng bus. Sumakay na naman si Seungkwan at siya pa lang ang nasusundo nitong driver.
Napiling umupo ni Seungkwan sa may malapit sa bintana. Nilagay niya naman iyong back-pack niya sa may hita niya at tumingin sa labas. Pumasok na naman iyong driver at pinaandar na iyong bus.
Sinuot naman ni Seungkwan ang headset niya at nakinig ng kanta habang nakatingin sa labas.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfic13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)
