SVT Home 6

64 2 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula nang mabadtrip si Jeonghan kay Mingyu. Buti nga at hindi pa natutulog si Woozi no'n kasi kung hindi ay mahahampas niya ng gitara si Jeonghan. 

Joke lang baka mapaalis ako wala sa oras. 

Si Woozi ngayon ay as usual nakatambay sa music room. Wala ngayon si Seungcheol dahil umuwi muna sa bahay nila may nakalimutan kasi na mahalagang libro si Seungcheol kaya kailangan niyang umuwi. 

Pero pabalik na rin naman ngayon siguro si Seungcheol at iniintay na lang siya ni Woozi sa music room. Madalas sila nakatambay ni Seungcheol sa music room halos nga na silang dalawa na lang ang gumagamit noon. 

Hindi naboboring si Woozi dito dahil hilig niya ang musika at ito ang pinakacomfort zone niya rito sa loob ng bahay. Hindi talaga siya sociable person pero kahit papano ay kaclose niya na rin naman lahat dito sa bahay. 

Nakikipagtawanan siya sa kanila, nag-uusap sila pero talagang mas pinipili ni Woozi na mapag-isa o minsan ay makasama si Seungcheol. 

Matagal na silang magkaibigan ni Seungcheol, magkapitbahay lang sila dati noong mga bata pa sila pero lumipat ng bahay si Seungcheol at hindi na ulit sila nagkita. Nawalan na rin sila ng connections sa isa't isa pero ngayon ay nagkita ulit sila. 

Sa totoo lang ang nickaname na Woozi ay si Seungcheol ang nagbigay hindi niya alam kung saan galing ang 'Woozi' pero sabi ni Seungcheol ay cute daw at bagay kay Jihoon ang nickname na Woozi kaya ginawa niya na rin permanent nickname iyon.

Nakahiga lang ngayon si Woozi sa sofa habang hinihintay si Seungcheol. 

Maya-maya lang ay biglang bumukas na iyong pinto at binuksan iyong ilaw kaya bigla siyang tumayo. "Seung--Hoshi?" Akala niya si Seungcheol pero si Hoshi pala ang nagbukas. 

"Ay sorry natutulog ka ba?" alalang tanong ni Hoshi. 

"H-Hindi naman nakahiga lang ako," sagot niya naman. 

"Ah tatambay lang sana ako rito pero sige mamaya na lang." Lalabas na sana ulit si Hoshi pero bigla siyang pinigilan ni Woozi. 

"Ayos lang naman sige lang tambay ka lang hindi naman akin ito eh." Napalingon naman si Hoshi at ngumiti na lang siya kay Woozi. 

"Hindi mamaya na lang," nakangiting sabi ni Hoshi at tuluyan na umalis sa Music room. Napakunot-noo naman si Woozi. 

Bakit kaya ayaw pumasok ni Hoshi?

Naupo naman siya at pinindot iyong music pad. Dahil sa pagpindot-pindot niya sa music pad ay hindi niya inaasahan na nakakagawa siya ng beat. Pindot lang siya nang pindot at aminin niya man o hindi pero nasisiyahan siya sa ginagawa niya. 

"Woah aju nice." Napalingon naman siya sa likuran niya at nakita niya na nandoon na si Seungcheol kaya agad naman siya napangiti.

"Kakarating mo lang?" nakangiti niyang tanong. 

"Kanina pa, tinitingnan lang kita." Lumapit naman sa kaniya si Seungcheol. "Ganda ng nagawa mong beat." Ngumiti naman sa kaniya si Seungcheol.

"Ayos ba?" Naupo naman sa tabi niya si Seungcheol.

"Ayos na ayos." Mas lalo naman ngumiti si Seungcheol iyong ngiting kita na ang gums. 

"Nakalabas na naman ang gums mo." Dinuro pa ni Woozi ang gums ni Seungcheol. 

"Aish gums ko na naman." Natawa naman si Woozi. 

"Nakuha mo na ba iyong libro na sinasabi mo?" Pag-iiba ni Woozi sa usapan at dahan-dahan naman napatango si Seungcheol. 

Seventeen's homeWhere stories live. Discover now