Pagkaout ni Junhui ay agad siyang lumabas ng kotse at dali-daling pumasok sa bahay. Umakyat siya at pumasok sa kuwarto nila Hoshi at Minghao. Napansin niya na medyo nakabukas iyong kuwarto ni Minghao.
Binuksan niya na iyong kuwarto ni Hoshi at sinunod iyong sinabi ni Hoshi sa kaniya kung saan nakalagay iyong folder. Binuksan niya iyong drawer at kinuha niya na iyong folder. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto.
Isasara niya na rin sana ang kuwarto ni Minghao pero may nakita siya na kumikinang sa may ilalim ng kama niya. "Hindi naman 'to trespassing 'di ba?" tanong ni Junhui sa sarili at napailing-iling na lang siya.
Dahan-dahan niyang binuksan iyong pinto na para bang may tao sa bahay pero siya lang naman ang nandoon. Dahan-dahan din siyang pumasok pero napahinto si Junhui. "Teka nga bakit pala ako nagdahan-dahan? Eh ako lang naman ang tao rito?" takang tanong ni Junhui sarili at napakamot pa sa batok.
Pumasok na siya nang tuluyan sa kuwarto ni Minghao at yumuko para kunin iyong kumikinang sa ilalim. Kinapa niya naman iyon at nang makuha niya ay tumayo na siya. Tiningnan niya iyon at nanlaki ang mata niya sa nakita niya.
Pumikit-pikit siya pero kahit ilang beses siyang pumikit at magmulat ay totoo itong nakikita niya. "Sh-t!" Ang naiisip ni Junhui ngayon ay makita si Minghao.
Kaya agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Nilock niya lang saglit iyong bahay at sumakay na sa kotse. Papaandarin niya na sana 'to pero kailangan niya pa pala ibigay kay Hoshi iyong folder.

YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)