Kagabi ay kumain lang sila at nagpasiya na rin matulog ang iba dahil din sa ang tagal ng biyahe nila. Pero si Hoshi ay mukhang hindi napagod kaya pinanood niya muna ang latest episodes ng 'The King Eternal' kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin siya.
Sikat na ang araw pero tulog pa rin sila except na lang kay Wonwoo na gising na dahil early bird ito. Dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto kasi tulog pa ang roomate niyang si Seungcheol. Bumaba naman siya at habang pababa siya ay nakaamoy siya na parang may nagluluto.
Agad naman siya bumaba at nakita niya sa lamesa si Mingyu. Napansin naman siya agad ni Mingyu kaya ngumiti sila sa isa't isa.
"Good morning." Nakangiting bati ni Mingyu.
"Good morning, Mingyu right?" nakangiting tanong ni Wonwoo.
"Yep and ikaw si Wonwoo?" Napatango-tango naman si Wonwoo. "Wonwoo-hyung pala kasi mas matanda ka sa akin ng isang taon," sabi naman ni Mingyu at ngumiti naman si Wonwoo sa kaniya.
Lumapit naman si Wonwoo kay Mingyu. "Hmm kanina ka pa gising?" tanong naman ni Wonwoo. He is trying to befriended with Mingyu. Wonwoo is like a nerd because of his round eyeglasses but he is not a shy type person.
"Hindi naman," sagot naman ni Mingyu.
"Mayroon bang toka-toka rito kung sino ang magluluto tuwing breakfast?" tanong ulit ni Wonwoo. "I'm sorry ang dami kong tanong sa iyo," sabi naman ni Wonwoo.
Ngumiti naman si Mingyu at umiling-iling. "Ayos lang at saka sa tanong mo kanina hindi ko alam kay Dino pero naisipan ko lang naman kasi magluto ng breakfast. Kasi ngayon ang unang araw niyo rito sa bahay ni Dino," sagot naman ni Mingyu.
Napatango-tango naman si Wonwoo. "Tapos ka na magluto?" tanong ulit ni Wonwoo.
"Nope hindi pa may niluluto pa akong omelette," sagot naman ni Mingyu. "And speaking of omelette sana hindi pa iyon sunog." Agad naman pumunta si Mingyu sa kusina at sumunod naman si Wonwoo.
"Whoo buti naman," nakangiting sabi ni Mingyu at napatingin kay Wonwoo na katabi niya na pala. Napangiti rin naman si Wonwoo. Napatigil naman si Mingyu at tumingin lang kay Wonwoo.
Ang lapit nito sa kaniya at mas matangkad lang siya ng konti kay Wonwoo. Ang linis ng mukha ni Wonwoo wala kang makikita na pimples or kung ano-ano. Ang linis ito ang sinasabi nilang clear skin.
Clear skin din naman si Mingyu pero kasi si Wonwoo ay mas maputi sa kaniya kaya nagandahan lang siya sa mukha ni Wonwoo.
"Mingyu!" Napatingin naman siya agad sa niluluto niya at muntik na ito masunog kaya pinatay niya na iyong stove.
"Saan ka ba kasi tumitingin?" takang tanong ni Wonwoo. Mukhang hindi aware si Wonwoo na nakatingin sa kaniya si Mingyu ng ilang segundo.
Hindi na lang sumagot si Mingyu at nilagay na sa plato iyong omelette.
"Punta na lang muna ako sa sala." Paalam ni Wonwoo at tumingin naman sa kaniya si Mingyu. Ngumiti at tumango-tango na lang si Mingyu sa kaniya.
Napansin naman ni Wonwoo na may pababa ng hagdan at sa pagkakatanda niya ay si Seungkwan ito.
"Good morning!" Bati agad sa kaniya ni Seungkwan.
"Good morning ikaw 'di ba si Seungkwan?" tanong ni Wonwoo at ngumiting tumango-tango naman si Seungkwan.
Lumapit naman sa kaniya si Seungkwan. "Kanina ka pa gising?" Umiling-iling naman si Wonwoo.
"Hindi naman kani-kanina lang." Dahan-dahan naman napatango si Seungkwan. Naupo naman sila sa sofa.

YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)