Pagkatapos magpicture at ipost sa instagram ang picture nilang dalawa ay nagsimula na silang mag-aral. Na sa kuwarto sila ni Dino ngayon at nakatutok sa tapat ng libro. Wala silang naririnig na ingay dahil nag-aaral sila. Na sa kama niya si Dino at si Seungkwan ay na sa study table ni Dino.
Binigyan sila ng mga reviewer ng mga hyungs nila at mamaya ay bibigyan sila ng nga isosolve ni Jeonghan at ni Seungcheol. Nakatutuok sila ngayon sa mga libro nila at nagmemorize pa sila. Halos tatlong oras na ang lumipas simula nang magsimula silang mag-aral.
"Aish ang sakit na ng ulo ko Seungkwan-hyung." Napahawak pa si Dino sa ulo niya. Napasandal si Dino sa headboard ng kama niya.
"Pakiramdam ko dumudugo na ulo ko." Napasandal din si Seungkwan sa upuan. "Nagugutom na ulit ako." Napahawak si Seungkwan sa tiyan niya.
"Anong oras na ba?" Napatingala naman si Dino para tingnan iyong wall clock. "3:00 , tara baba muna tayo Seungkwan-hyung." Tumango-tango naman si Seungkwan at pagkabukas nila ng pinto ay nagulat sila dahil may mga pagkain na nandoon.
May chichirya, cookies, brownies at chuckie. May mga sticky noted din na nakalagay kaya agad naman iyon binuhat nila iyon at sinara na iyong pinto.
"Woah," nakangiting sabi nila Dino at Seungkan. Binasa nila iyong mga nakalagay sa sticky notes. Puro iyon study well kaya napangiti naman sila parehas. "Bait naman pala," sabi naman ni Seungkwan.
"Tara na Seungkwan-hyung pahinga muna tayo at kainin natin ito," sabi naman ni Dino. "Then magpasalamat din tayo sa kanila." Ngumiting tumango-tango naman si Seungkwan.
~~~
Sorry shorttt update langgg! Bawi ako sa mg next chapters.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)