Seventeen Home 24

36 2 0
                                    

Nagbibihis na si Minghao, nagreready pumasok. Binuksan niya iyong cabinet niya para kukuha sana ng panyo pero wala na pala. Kinuha niya naman iyong maleta niya sa ilalim ng kama, hindi niya kasi nilabas lahat ng panyo niya. Iyong iba ay na sa maleta niya pa.

Binuksan niya iyong maleta niya at kumuha ng panyo pero isasara niya na sana ay may makapa siya sa may bulsa ng maleta niya. Kinapa niya pa iyon nang maigi at pakiramdam niya ay isa iyong pa parihabang kahon na kasiya ang isang ballpen sa loob. 

"Ano 'to?" kunot-noo niyang tanong at binuksan iyong bulsa. Kinapa niya iyong kahon at nilabas ito. Mas lalong kumunot ang noo niya at binuksan niya na iyong kahon. Nagulat siya nang makita niya ang na sa loob nito. "Bakit nandito ito?" 

Nakita niya na may maliit na papel na nakaipit kaya agad niya rin itong kinuha. 

"You need to bring this, because this is so important to you. 

P.S. please huwag ka magalit ka sa akin.


-Mingming :) "


Napabuntong hininga naman si Minghao. Sinara niya na iyong maleta niya at nilagay sa ilalim. Pagkatapos ay naupo siya tapos tiningnan iyong na sa box. Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti. 

Kinuha niya iyong na sa box at tinitigan ito nang maigi. "MINGHAO! AALIS NA TAYO!" Dahil sa gulat ay nabitawan niya iyon. Hahanapin niya na sana pero biglang binukas ni Hoshi iyong pintuan niya. "Aalis na tayo," sabi naman ni Hoshi.

"Sige Hoshi hyung susunod ako may hahanapin lang saglit." Tumango-tango na lang si Hoshi at sinara na iyong pinto. Hinanap ni Hao iyon pero hindi niya mahanap kung saan. "Na saan na iyon?" Pero kahit ilang hanap pa ginawa niya, hindi niya makita iyon.

"Wala naman siguro makakita noon?" Pinagpagan niya na lang iyong damit niya at lumabas na siya ng kuwarto. Sinara niya na iyong pinto at dali-daling bumaba.

"Bakit tagal mo Hao?" tanong naman ni Mingyu. Na sa sala pa pala si Minghao, iniintay siya na bumaba. 

"May hinanap lang," nakangiti niyang sabi. "Tara na." Umakbay na si Minghao kay Mingyu at sabay na silang lumabas. Pagkalabas nila ay napansin niyang lalapitan sana siya ni Junhui pero napaatras ito dahil nakita niyang nakaakbay si Minghao kay Mingyu.





Seventeen's homeWhere stories live. Discover now