"Hello sunnies! Welcome back to my channel, so sabi ko nga 'di ba sa last post kong video na lilipat ako ng bahay. Tapos na ako mag-ayos pero idodouble check ko na lang ngayon habang wala pa iyong magsusundo sa akin." Naupo naman si Seokmin at nilagay iyong camera sa may kama.
"Alam niyo ang yaman siguro ng not-so-soon-to-be landlord ko kasi tingnan niyo ipapasundo pa talaga ako o pati rin iyong mag not-so-soon-to-be co-tenants ko," sabi ni Seokmin sa camera habang dinodouble check ang mga dalahin niya.
Pagkatapos niya idouble check ang mga dalahin niya ay kinuha niya na ang camera. Pinatay niya na muna iyon at nagsapatos siya. Napatingin siya sa cellphone niya at ilang minuto na lang ay 4:15 na.
Kaya dinala niya na ang camera niya kasi panigurado ay magvavlog siya sa loob ng kotse. Sinuot niya na ang backpack niya at lumabas na siya. Siya lang ang namumuhay mag-isa, mayroon siyang lola at lolo. Only son lang siya at iyong parents niya ay matagal ng namayapa.
Bata pa lang siya ay nangulila na siya sa mga magulang niya at ang lolo at ang lola niya na ang nag-alaga sa kaniya. Iyong lolo ay lola niya ay na sa Gyeonggi-do, minsan lang siya umuuwi roon kapag summer break at christmas break.
Pero ngayon ay hindi siya nakauwi dahil abala siya sa lilipatan niyang apartment. Need niya na lumipat kasi ang taas ng renta, sa katunayan ay wala naman siyang problema roon kasi nakakatanggap naman siya ng pera dahil sa pagvavlog niya pero kasi itong lilipatan niya ay napakalapit sa pinapasukan niya at iyong renta ay mas mura kaysa rito sa apartment.
Lumabas na siya at ilang minuto lang siya nag-intay, may isang bus ang huminto. Bumaba iyong driver at lumapit sa kaniya.
"Kayo po si Lee Seokmin?" tanong ng driver at ngumiting tumango-tango naman siya. Napatingin naman siya sa bus at nakita niya na sa loob na ang mga co-tenant niya. Hindi na siya makapag-intay na makilala niya ang mga ito.
Kaya agad niya rin binigay sa driver ang dalahan niya at umakyat sa bus.
"Hello mga co-tenants!" sigaw niya naman kaya agad napatingin sa kaniya ang iba. Nagpakilala siya at nagpakilala rin sa kaniya ang lahat. Binuksan niya naman ang camera niya.
"Hi mga sunnies nandito na nga ako ngayon sa loob ng bus with my co-tenants." Habang nakaharap sa camera ay naupo siya sa pinakamalapit na upuan.
Habang na sa bus siya ay nagpatuloy lang siya sa pagvavlog. Kahit alam niya ay pinagtitinginan siya ng co-tenants niya pero ayos lang, nagpatuloy pa rin siya pagvavlog. Kinuhanan niya pa ng ibang pictures or shots habang nakasakay siya sa bus.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfic13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)