SVT Home 1.3: Minghao

95 4 2
                                    

Kapag nakaBOLD nagsasalita si Minghao(and Junhui) in chinese. 

~~

Naghahanda na si Minghao umalis pero bigla naman may tumawag sa cellphone niya kaya agad niya naman iyon sinagot. 

"Hello Ma," sabi naman ni Minghao. Nilagay niya iyong cellphone niya sa may balikat at inipit iyon gamit ang tenga niya. Inaayos niya pa kasi iyong mga iba niya pang dalahin. 

"Hello anak, hindi ba ngayon ka na lilipat?" tanong naman ng mama niya. 

"Opo ma ngayon na po," sagot naman ni Minghao. Pumunta naman siya sa banyo para kuhanin iyong toothbrush niya.

"Ayusin mo ang pag-aayos ng gamit mo, huwag ka magmadali baka may makalimutan ka riyan sa hotel." Tumango-tango naman si Minghao kahit hindi siya nakikita ng mama niya. Nanuluyan muna kasi si Minghao sa hotel sa loob ng 2 days bago dumating itong araw na ito na susunduin siya ng driver ng landlord niya.

Kasi na sa China si Minghao nang magDM siya sa landlord niya. Nang malaman niya na susunduin siya ay pumunta siya sa Korea kasi nakakahiya naman kung sa China pa siya susunduin. 

"Opo ma, konti na lang naman po ang inaayos ko ngayon. Kasi nakapag-ayos na rin naman po ako kagabi," sabi naman ni Minghao. 

"Mabuti naman kung ganoon para hindi ka na nagmamadali ngayon." Dinouble check ni Minghao ang laman ng suitcase niya. "Susunduin ka naman hindi ba ng driver ng landlord mo?" tanong naman ng mama niya. 

"Opo ma," sagot naman ni Minghao. Ayos na ang gamit niya kaya sinuot niya na iyong sapatos niya at kinuha na mga bag at suitcase niya. 

Lumabas na siya sa hotel at sumakay sa elevator. Hinawakan niya naman ang cellphone niya kasi nangalay na siya. "Ma aalis na po ako," sabi naman ni Minghao. 

"Sige anak mag-iingat ka riyan ah. Text mo ako kapag nakarating ka na sa bahay ng landlord mo." Tumango-tango naman si Mingahao. 

"Opo ma," sabi naman ni Minghao. 

"I love you 'nak." Napangiti naman si Minghao. 

"I love you 'ma." Pagkatapos niya sabihin iyon ay binaba niya na ang tawag at saktong bumukas na iyong elevator. Tiningnan niya ang suot niyang relo at saktong 1:15 na. 

Lumabas na siya sa hotel at saktong pagkalabas niya ay may humintong bus. Bumaba naman iyong driver at lumapit sa kaniya. 

"Kayo po ba si Xu Minghao?" tanong naman ng driver. 

"Yes po ako po iyon," sabi niya naman. Tumingin naman siya sa bus. 

"Kaya po bus ang sasakyan--" Nahinto sa pagsasalita iyong driver kasi nagsalita si Minghao.

"Kasi susunduin niyo pa po iyong co-tenants ko." Pagpapatuloy ni Minghao at napakunot-noo naman iyong driver. 

"Paano niyo po nalaman?" takang tanong ng driver. 

"Ah kasi marami pong bedspace ang pinaparenta nang lanlord, nakita ko po kasi sa picture." Dahan-dahan naman napatango iyong driver at kinuha rin ang suitcase ni Minghao. 

Sumakay na naman siya sa bus at nakita niya na sa loob iyong 3 co-tenants niya. Agad naman nag-hi iyong dalawang na sa bandang unahan. 

"Hello I'm Xu Minghao." Pagpapakilala niya at ngumiti naman iyong dalawang co-tenants niya. 

"I'm Hong Jisoo but you can call me Joshua," sabi naman nang lalaki na sa unahan. 

"I'm Boo Seungkwan," sabi naman nang lalaki na sa likod ni Joshua. Ngumiti naman si Minghao sa kanila.

"Chinese ka 'di ba? Halata lang kasi," tanong naman ni Joshua at tumango-tango siya. "Ano korean name mo?" tanong ulit nito.

"Seo Myeongho," sagot niya naman at napatango-tango naman silang dalawa. Naupo naman siya sa may bandang likod pero magpapakilala sana siya roon sa isa pang co-tenants niya. Pero naka-headphones ito at nahihiya siyang kausapin kaya naupo na lang siya. 

"Dadaan po muna tayo sa fast food chain para mag-order ng lunch ninyo at huwag po kayo mag-alala dahil libre po ito," sabi naman ng driver at napatango-tango naman silang apat. 

Seventeen's homeWhere stories live. Discover now