13 guys
12 tenants
1 cute landlord
6 couples
Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay.
Start: May 24, 2020
Ending: ---- (On going)
Dalawang linggo sumakit ang ulo ni Seungkwan at Chan at limang araw na kulang sa tulog dahil paspasan ang review. Nagigising sila ng madaling araw kasi sa madaling araw sila nagrereview para fresh pa ang utak.
Pagkatapos ng dalawang linggo ay dumating na ang araw na mageentrance exam sila. Hindi sila magkaroom ni Dino. Focus na focus silang dalawa sa sinasagutan nila. Minsan ay napapangiti silang dalawa kasi iyong halos lahat ng mga tanong na nandoon ay napag-aralan nila.
Kalahating araw ang exam nila kasi lahat ng subject ay itetake nila. Napagdesisyunan naman nila, iyong labing-isa na surpresahin sila Seungkwan at Dino sa labas ng university, may dala silang flowers.
Ilang minuto na lang ay matatapos na sila pero natapos na ng maaga si Seungkwan kasi madali iyong last subject na tinake niya. Si Dino naman ay medyo nahirapan kasi nalimutan niya iyong iba pero ilang saglit lang din naman ay naalala niya na rin sana all naalala agad.
Saktong pagkaring ng bell ay natapos na si Dino kaya napabuga siya sa hangin dahil sa saya. Ganoon din si Seungkwan kasi matapos ang dalawang linggo na pagsakit ng mga ulo nila ay natapos na, babawiin nila ang mga kulang nilang tulog.
Naunang lumabas si Seungkwan sa classroom at napagdesisyuan nila na magkikita sila sa may main hallway. Nag-intay lang doon si Seungkwan hanggang sa ilang minuto ay dumating na rin si Dino.
Agad tumakbo si Dino sa kaniya at yumakap. "Whoo tapos na Seungkwan-hyung." Yumakap din pabalik si Seungkwan at kumalas din siya sa yakap.
"Makakatulog na rin tayo nang maayos," masayang sabi ni Seungkwan at ngumiting tumango-tango naman si Dino. "Teka picture tayo," sabi naman ni Seungkwan at nagpicture naman silang dalawa.
Agad niya naman iyon pinost sa IG account niya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bootany posted a picture
Bootany: Pahingaa naaa @yi_dino
Pagkatapos niya ipost iyon ay naglakad na sila papalabas ng university. Hindi nila alam na nandoon iyong labing-isang lalaki sa labas.
"Seungkwan-hyung alam mo ba napapangiti ako sa tuwing alam ko iyong sagot, iyong tipong hindi ko na mag-isip pa nang sobra-sobra kasi alam ko na agad ang sagot." Napangiti naman si Seungkwan kay Dino.
"Parehas lang din tayo Dino at saka ang dali noong last subject na tinake ko kaya hindi pa oras ay tapos na ako." Napangiti rin naman si Dino.
"Iyong last subject na tinake ko medyo nakalimutan ko pero naalala ko rin namana agad kaya saktong pagkatapos magbell ay natapos na rin ako," sabi naman ni Dino. "Sa calculus nahirapan ka Seungkwan-hyung?" tanong naman ni Dino.
"Medyo piniga ko iyong utak ko noon," sagot naman ni Seungkwan kaya napatango-tango si Dino. Nakalabas na sila ng university.
"Ang hirap--Hyungs!" sigaw ni Dino kasi saktong pagkalabas ay nakita niya agad iyong 11. Agad naman tumakbo si Dino sa kanila at naglakad lang nang mabilis si Seungkwan.