Tahimik na nag-aantay si Junhui sa may tapat ng library. Ilang minuto lang ay dumating na si Hoshi.
"Junhui!" sigaw ni Hoshi at huminto muna saglit sa tapat ni Junhui para habulin ang hininga niya kasi tumakbo siya nang pagkabilis-bilis. "Salamat talaga Junhui." Inabot naman ni Hoshi iyong folder.
"Wala 'yon," nakangiting sabi ni Junhui.
"Basta mamaya ko na lang bigay iyong pangpa-gas mo ah," sabi naman ni Hoshi at ngumiting tumango-tango naman si Jun. "Sige alis na ako ah, mamaya na lang." Tumango-tango na lang ulit si Jun at umalis na si Hoshi.
Pagkaalis ni Hoshi ay lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa rooftop. Pagkarating niya naman doon ay wala pa si Minghao. Lumapit naman muna siya sa railings at kinuha sa bulsa niya iyong nakuha niya sa ilalim ng kama.
"Nagsisinungaling ka ba talaga Hao?" mahinang tanong ni Junhui. Nag-iintay lang siya ng ilang minuto at biglang narinig niya na bumukas at sumara iyong pintuan sa rooftop. Nilagay niya naman sa likod iyong hawak niya at lumingon.
Nakita niya naman si Minghao na papalapit sa kaniya at agad siyang napangiti. Hao, 'di ko talaga kayang magalit sa'yo.
"Hao." Tumango lang si Minghao at namulsa.
"Bakit?" Napabuntong hininga naman si Jun at napayuko saglit.
"Hindi mo ba talaga ako naalala?" mahinang tanong niya pero sapat na para marinig ni Minghao. Napataas naman siya ng tingin at malungkot na tiningnan si Minghao.
Napakunot-noo naman si Minghao at dahan-dahang umiling. Napalunok naman si Junhui at dahan-dahang tinaas iyong necklace ni Minghao na may pendant na promise ring nila. Nanlaki at nagulat naman si Minghao. "S-Saan mo nakuha iyan?"
"Sa kuwarto mo," sagot ni Junhui. "Ngayon Minghao paanong na sa sa'yo ito? 'Kala ko ba limot mo ako?" seryosong tanong ni Junhui.
"P-Porket na sa akin iyan ibig bang sabihin no'n naalala mo ako?" Pinilit ni Minghao na hindi mautal.
"Kasi Hao kilala kita, kung hindi sa'yo iyong bagay na iyon. Itatapon mo na lang kasi hindi naman sa'yo iyon eh bakit mo itatabi?" tanong naman ni Junhui at hindi na makasalita si Minghao. Napalunok naman si Junhui. "Naalala mo ako o hindi?" mahinang tanong ni Jun.
"Hindi na iyon importan--" Napatigil si Minghao dahil nagsalita bigla si Junhui.
"Importante iyon Minghao! Importante na malaman kong naalala mo ako, kasi Minghao mahal pa kita eh. Kung hindi mo na ako mahal, ayos lang paghihirapan ulit kita. Liligawan ulit kita kasi Minghao mahal na mahal kita." Inemphasize talaga ni Junhui iyong huling sinabi niya.
Lalapit sana si Junhui pero biglang napaatras si Minghao. "Diyan ka lang, huwag ka lalapit sa akin," madiing sabi ni Minghao. Nagtaka naman si Junhui at nanatiling nakatingin kay Minghao.
"Oo naalala nga kita," sabi ni Minghao. Napangiti naman si Junhui at gusto niya man yakapin si Minghao pero nakataas iyong dalawang kamay ni Minghao na para bang sinasabi na 'huwag siyang lumapit.'
"Pero hinihiling ko na sana hindi na lang kita naalala." Unti-unti nawala ang ngiti sa labi ni Junhui. "Kasi sinaktan mo ako Jun, sinaktan mo ko. Emotionally, physically at mentally, sinaktan mo ko." Hindi alam ni Junhui ang sasabihin niya.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit. Kasi oo Jun mahal kita eh, mahal kita. Pero grabeng sakit ang dinala mo sa akin noon. Grabe iyong binitawan mong salita dati na nagpawasak ng puso ko." Tinuro ni Minghao iyong puso niya at nakita ni Jun na may lumabas na luha sa mata niya.
"H-Hindi ko m-maintindihan," nauutal na sabi ni Jun.
"Hindi mo naman talaga maiintindihan kasi hindi ikaw, ako." Tinuro naman ni Minghao si Junhui. "Hindi ikaw iyong sinabihan ng masasakit ng salita ng mahal mo. Hindi ikaw iyong bigla na lang iniwan ng mahal mo, hindi ikaw." Patuloy pa rin umaagos iyong luha ni Minghao.
"Hao puwede pa naman tayo, Hao kahit hindi ko maintindi--"
"Hindi mo nga maiintidihan kasi wala ka sa puwesto ko!" biglang sigaw ni Minghao. "Kaya kung iniisip mo na babalik pa ako sa'yo." Mapakla naman ngumiti si Minghao at pinunasan iyong luha niya. "Hindi na ako babalik sa'yo, masyadong masakit ang binigay mo sa akin."
Pinunasan pa ni Minghao ang ilang luha niya at tumalikod na pero hindi pa siya naglakad. May sinabi pa siya kay Junhui na nagpaguho ng mundo ni Junhui.
"Wala ka ng babalikan kasi kami na ni Mingyu."
~~~
Hi sorry for the slow update! Kasi nalaman ko this week section ko then inasikaso ko requirements tapos Oct5 pa pala ang pasukan ayts.
Bawi ako tomorrow oki? Lab ko kayo!!

YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)