Pagkarating nila sa bahay ay tinapon nila ang mga katawan nila sa sofa. Buti na lang talaga at malaki ang sofa nila Dino at may dalawa pang sofa na kasya dalawang tao.
"Nakakapagod tangina," sabi naman ni Hoshi.
"Sinabi mo pa," pagsang-ayon naman ni Woozi.
"Chan, nugu aegi?" tanong ni Jeonghan at ngumiti nang pagkatamis-tamis kay Jeonghan.
(2020 na pero para sa akin 'aegi' pa rin ni Jeonghan si Dino hihi)
"Ngayon pa talaga Jeonghan-hyung?" naiirita tanong ni Dino.
"Dali na sagutin mo na para mawala pagod ko." Ngumuso naman si Jeonghan sa kaniya kaya napabuntong hininga naman si Dino.
"Jeonghan-hyung's aegi." Ngumiti pa nang pilit si Dino at napangiti naman si Jeonghan.
"That's my boy. Sige magdedeliver na ako ng pagkain nakakatamad magluto," sabi naman ni Jeonghan at kinuha na ang cellphone niya. "Ihanda niyo na lang mga pera niyo," dagdag pa nito.
"Akyat muna tayo sa kuwarto para magpalit," sabi naman ni Seungcheol at sumang-ayon naman ang lahat. Umakyat sila sa kani-kaniya nilang kuwarto at siyempre hindi muna sila magpapalit, hihiga muna sila sa mga kama nila bago sila magpalit.
Matapos lang ng ilang minuto ay isa-isa na silang bumaba at pumunta sa sala para intayin ang pina-deliver ni Jeonghan na pagkain.
"Kuwento kayo sa first day niyo," nakangiting sabi ni Seungcheol.
"Woah appa na appa," nakangiting sabi ni Seokmin.
"Nagpapakuwento lang eh 'di huwag na." Sumandal naman siya sa sofa at sumimangot.
"Wala naman nangyari Seungcheol-hyung puro kineme lang ang boring," sabi naman ni Seungkwan.
"Kineme?!" gulat na tanong ni Hoshi at napakunot-noo naman si Seungkwan.
"Bakit ano mayroon sa 'kineme'?" takang tanong ni Seungkwan.
"Bakla ka?" tanong ulit ni Hoshi at dahil sa pagtanong niya na iyon ay nasipa siya ni Seungkwan kaya nahulog siya sa sofa. "Aray ko pota!" hiyaw ni Hoshi sa sakit.
"Porket nagsabi lang ng 'kineme' bakla na agad?!" sigaw ni Seungkwan at natawa naman ang lahat dahil sa nangyaring bangayan nila.
"Oo na tangina!" Napahawak pa si Hoshi sa puwet niya. "Ang sakit gago!" sigaw ni Hoshi at sinamaan lang siya ng tingin ni Seungkwan.
"Masakit ba Hosh?" natatawang tanong ni Woozi.
"Oo kaya!" pasigaw na sagot ni Hoshi at natawa naman ulit sila.
Bigla naman may nagdoorbell. "Ihanda niyo na mga pera niyo," sabi ni Jeonghan at siya na ang nagbukas ng pinto. "Pakitulungan naman po ako oh," sigaw naman ni Jeonghan at agad naman tumayo si Joshua para tulungan siya.
"Himala Seoks hindi ka nag-vavlog," sabi naman ni Hoshi.
"Nagvlog na ako kanina pa. Ieedit ko na lang mamaya pero kakain muna ako," sagot naman ni Seokmin.
"Saan tayo kakain?" tanong naman ni Jeonghan.
"Dito na lang Jeonghan-hyung nakakatamad pumunta sa dining room," sagot naman ni Mingyu. "Minghao samahan mo ko kunin natin ang folding table." Tumayo naman si Mingyu at tumayo rin si Minghao.
"Teka marami ang kailangan nating folding table, sasama ako." Tumayo rin naman si Junhui at sumama kila Minghao at Mingyu, seloso.
Inintay naman nila Jeonghan at Joshua iyong tatlong kumuha ng folding table. Si Vernon naman ay agad na tumayo para buhatin muna iyong maliit na lamesa sa gitna. Inusog din ng iba iyong magkatapat na mini sofa.

YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)