SVT Home 22

41 3 0
                                        

"Hyung let me explain," sabi naman ni Dino at agad nagtago sa likod ni Jeonghan. Nakauwi na silang lahat dito sa bahay at natatawa silang lahat sa nangyayari ngayon. Kakauwi lang kasi ni Seungcheol at Woozi tapos iyong iba ay nakauwi na kanina pa.

"Bakit kayo magkakilala ng kapatid ko?" tanong ni Seungcheol at dahan-dahan lumapit kay Dino pero hinatak ni Dino si Jeonghan. 

"Ano ba Chan?" natatawang tanong ni Jeonghan. "Mukhang hindi ka naman kakainin ni Seungcheol, kakagatin lang." Mas lalo naman natakot si Dino at natawa ang lahat sa naging expression niya.

"Explain Dino," madiing sabi naman ni Seungcheol at napalunok naman si Dino. Dahan-dahan naman umayos ng tayo si Dino.

"Kasi ganito iyon hyung, nagkakilala lang kami ni Soomi sa insta. Tapos nagagandahan ako sa mga shots niya then may nakita akong picture ko sa insta niya." Napakunot-noo naman si Seungcheol.

"Wala naman akong nakikitang post ni Soomi sa insta." Pagkatapos sabihin iyon ni Seungcheol ay bigla na lang may ng batok sa kaniya kaya inis niya iyon tiningnan pero agad din nawala iyong inis niya nang makita kung sino ang bumatok sa kaniya.

"Baliw ka ba? Hindi ka naman madalas nag-iinsta paano mo makikita?" inis na tanong ni Woozi sa kaniy at natawa naman ang iba sa kaniya. Nagpeace sign naman si Seungcheol at hinarap ulit si Dino. 

"Saan iyong picture?" seryosong tanong ni Seungcheol at agad nilabas  ni Dino iyong cellphone niya. Hinanap agad ni Dino sa instagram iyong pinost ni Soomi at pagkakita niya ay pinakita niya kay Seungcheol.

"Ito hyung." 

+++

choomi19: Hindi ko napigilan na kuhanan siya ng litrato, ang cute niya kasi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

choomi19: Hindi ko napigilan na kuhanan siya ng litrato, ang cute niya kasi.


Comment section:

yi_dino: Thank you sa pagstolen sa akin and oo ang cute ko nga.

+++

"Para pa lang si Soomi ang unang gumawa ng moves eh," nakangiting sabi ni Woozi at si Seungcheol naman ay hindi makapaniwala sa nakita niya. 

"Bakit sa IG pinost ni Soomi puwede naman sa twitter?" kunot-noong tanong ni Seungcheol.

"Malamang hyung ayaw niya na makita mo. Kasi sa IG puwede mong hindi makita kasi sabi nga lang ni Woozi hyung na hindi ka naman madalas mag IG kaya roon niya pinost," sabi naman ni Seungkwan at inakbayan naman siya ni Vernon.

"Talino mo talaga Boo," nakangiting sabi ni Vernon at ngumiti lang din si Seungkwan sa kaniya.

"Get a room guys," natatawang sabi ni Joshua at binalik na nila ang tingin kila Seungcheol at Dino.

"Kailan pa kayo nag-usap?" tanong ni Seungcheol.

"Simula po no'ng nagcomment ako mga June 11 po," sagot naman ni Dino at dahan-dahan namang tumango-tango si Seungcheol.

"Ngayon lang ang first meet niyo?" Kung titingnan ngayon si Seungcheol ay parang kinikilatis ang magiging jowa ng kapatid niya which is magiging jowa naman talaga. 

"O-Opo." Pigil na pigil sa pagtawa ang iba dahil takot na takot si Dino kay Seungcheol. Tumango lang si Seungcheol at naglakad na paakyat. "Wala ka ng sasabihin Hyung?" tanong naman ni Dino.

"Kilala na naman kita Dino, no need to ask some questions." Tumingin naman si Seungcheol kay Dino. "Just don't hurt my sister." Tipid naman na ngumiti si Seungcheol at ngumiting tumango-tango naman si Dino. Tuluyan ng umakyat si Seungcheol sa hagdanan. 

Agad naman niyakap ni Jeonghan si Dino. "Binata na bunso ko," sabi naman ni Jeonghan at pilit naman ni Dino umalis sa bisig ni Jeonghan pero mas lalo pa siyang niyayakap.

"Ayan nagkaroon ka na ng blessing sa Kuya puwede mo na ligawan si Soomi," nakangiting sabi ni Hoshi at tinapik-tapik pa ang balikat ni Dino.

"Gagi mga hyung 'di ko ineexpect akala ko isasalang ako ni Seungcheol hyung sa Question and answer potion," nakangiting sabi ni Dino at natawa naman sila.

"Gusto mo ba Q&A? Seungcheol---" Agad tinakpan ni Dino ang bibig ni Jeonghan at natawa na naman sila. 

"Huwag na naman Jeonghan hyung," sabi naman ni Dino at tumango-tango naman si Jeonghan kaya tinanggal na ni Dino ang kamay.

"Arasseo, arasseo," natatawang sabi ni Jeonghan. 




Seventeen's homeStories to obsess over. Discover now