Maaga ngang nag-alarm si Mingyu para magluto ng breakfast, 4:30 pa lang ay gising na siya. Kasi marami ang lulutuin niya para sa kanila na mga patay gutom. Nag-inat-inat muna siya at tuluyan ng bumaba.
Binuksan niya iyong switch. "Good morning~"
"Ay kabayo!" Napatingin si Mingyu sa may sofa at nakita niya roon si Seokmin na nakasimangot.
"Kabayo talaga?" nakapout na sabi ni Seokmin.
"Bakit ka kasi nandiyan? Tangi--Bad, kauma-umaga nagmumura." Pinalo-palo ni Mingyu ang bibig niya. Tumayo naman si Seokmin at lumapit sa kaniya.
"Tutulungan kita magluto," nakangiting sabi ni Seokmin.
"Marunong ka?" kunot-noong tanong ni Mingyu.
"Oo naman parang ano ka naman." Mahinang hinampas ni Seokmin sa braso si Mingyu. "Naalimpungatan kasi ako kagabi at nakita ko na magluluto ka kaya nagising na rin ako ng maaga kasi baka hindi mo kayanin magluto para sa ating trese," sabi naman ni Seokmin at napatango-tango na lang si Mingyu.
"Okay tara na," sabi ni Mingyu at pumasok na sila sa kusina. Naghugas muna silang dalawa at naglagay ng apron.
"Ikaw bahala magtanggal ng ramyeon tapos ako na bahala magpainit ng tubig," sabi ni Mingyu.
"Yes Sir!" Sumaludo pa si Seokmin at pumunta sa cabinet para kumuha ng labing lima na ramyeon. Nilagay ni Seokmin sa lamesa iyong mga ramyeon at sinimulan niya na itanggal sa supot iyong ramyeon.
"Akalain mo nga naman pasukan na ngayon." Napabuntong hininga pa si Seokmin.
"Kaya nga eh, kung puwede lang pakiusapan si Mr. Park ginawa ko na eh pero siyempre nakakahiya rin naman kasi tito iyon ni Chan," sabi pa ni Mingyu.
"Nyemat naman talaga," sabi naman ni Seokmin at tinapos na ang pagtatangal ng ramyeon sa supot.
Masama talaga ang mga loob nila kasi pasukan na, sino bang estudyante ang hindi sasama ang loob kapag pasukan na? Wala siyempre kasi kung hindi masama ang loob mo kapag pasukan na eh 'di sana all sa iyo, isa kang masipag na mag-aaral. Kasi halos lahat ng estudaynte ay masama ang loob kapag pasukan na.
Katulad na lang nitong mga lalaking ito na tinatamad at masama ang mga loob kasi pasukan na. Kasi kapag pasukan na ayan na naman ang reportings, thesis, groupings, oral recitation, exams at marami pang iba. Kapag pasukan na, umpisa na para sumakit na naman ang ulo.
Matapos ang isang oras ay nakarinig sila ng mga yabag pababa. Inintay nila kung sino iyon at nakita nila sila Wonwoo the early bird, Jeonghan eomma at si Seungcheol appa.
"Good morning!" Bati ni Seungcheol at pungay-pungay pa ang mga mata. Naupo naman silang tatlo sa high chair.
"Anong oras kayo nagising?" takang tanong ni Jeonghan.
"Mga 4:30 ako nagising pero mas nauna si Seokmin sa akin," sagot naman ni Mingyu.
"Mga 4:15 ako nagising Jeonghan-hyung," sagot naman ni Seokmin.
"Weh halos isang oras na pala kayo nagluluto?" tanong naman ni Wonwoo at tumango-tango naman si Mingyu at Seokmin.
"Ilan ba lulutuin niyo?" takang tanong ni Seungcheol.
"May dalawa pa pagkatapos nitong kimchi pancake," sagot ni Mingyu.
"Ano naman iyon?" takang tanong ulit ni Wonwoo.
"ddukbokki at bibimbap," sagot naman ni Seokmin.
Napatango-tango na lang iyong tatlo at nagcellphone na lang sila.

YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)