Nag-aayos na ng gamit si Seungkwan kasi kakatapos lang ng klase niya at itong klase niya pala na iyon ay kaklase niya si Moon Bin. "Seungkwan?" Napaangat naman siya ng tingin at nakita niya si Moon Bin na nakatingin sa kaniya.
"Moon Bin." Napangiti rin siya at sinukbit niya na iyong bag niya sa likod.
"Uuwi ka na ba?" tanong naman ni Moon Bin.
"Oo eh bakit?" tanong naman ni Seungkwan.
"Ah wala naman," natatawang sabi ni Moon Bin at napahawak pa sa batok niya.
"Hmm sige alis na ako ah," nakangiting sabi ni Seungkwan at nagwave siya kay Moon Bin.
"Sige ingat ka." Nagwave din si Moon Bin sa kaniya at lumabas na ng classrom si Seungkwan.
Pagkalabas naman ni Seungkwan ay biglang may umakbay sa kaniya at humawak sa braso niya. "Ay pota—Ano ba mga hyung?" iritadong tanong ni Seungkwan at tinawanan lang siya ni Seokmin at Hoshi.
"Paano kayo naging close ni Moon Bin ah?" nakangiting tanong ni Seokmin.
"May paselca pa si Mayor at pinost pa nga sa twitter," nakangiting sabi ni Hoshi at ngumiting umiling-iling pa si Seungkwan dahil sa kabaliwan ng dalawa niyang hyung.
"Ano nga paano nga kayo naging close? Dali." Niyugyog naman nilang dalawa si Seungkwan.
"Huminto muna kayo bwisit." Agad naman huminto iyong dalawa at tumahimik. Umakbay ulit si Hoshi kay Seungkwan at humawak ulit si Seokmin sa braso ni Seungkwan.
"Umpisa hindi ko alam na kaklase ko pala siya roon sa last class ko ngayon, nagkita lang kami noong kanina papasok ako tapos papasok din siya. Nagulat nga siya ng makita ako tapos ako rin siyempre nagulat then ayon nagpakilala siya, nagpakilala rin ako.
"'Di ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ko at niyaya siya na magselca. Napansin ko nga na namula siya pero hindi ko na sinabi sa kaniya kasi ang cute niya lang—" Natigil siya sa pagkukuwento kasi pinaghahampas-hampas siya ni Seokmin at Hoshi.
"Shiship ko talaga kayo," nakangiting sabi ni Hoshi at huminto rin sila sa paghahampas kay Seungkwan.
"Puwede ko na ba ipagpatuloy ulit?" seryosong tanong ni Seungkwan at tumango-tango naman iyong dalawa.
"Ayon nagpakilala siya sa akin at ganoon din naman ako, nagpakilala rin ako sa kaniya kasi wala pa kaming professor. Totoo nga na isa siyang Journalist at isa rin siyang photographer. Nalaman ko rin na kasing edadan ko lang din siya. Tapos ayon dumating na professor namin pero napapansin ko na napapatingin siya sa akin." Bigla naman napangiti iyong dalawa at kinurot pa ni Seokmin si Seungkwan sa tagiliran.
"Potek ang sakit." Sinamaan naman ng tingin ni Seungkwan si Seokmin pero ngumiti lang ito nang nakakaloko.
Bigla naman humarang si Hoshi sa daan nila at napakunot noo naman si Seokmin at Seungkwan kay Hoshi. "Ano meron Hoshi-hyung?" takang tanong ni Seokmin.
"Oo nga Hoshi-hyung ano meron?" tanong rin ni Seungkwan.
"Ah ano kasi." Napahawak naman sa batok si Hoshi na parang nag-iisip ng dahilan—hindi lang pala 'parang' nag-iisip pala talaga siya ng idadahilan. "Huwag tayo rito dumaan, doon tayo sa gate 2 dumaan." Agad niya naman tinulak iyong dalawa.
"Ano ba meron?" tanong ulit ni Seungkwan at tiningnan ang hinaharangan ni Hoshi. Hindi naman siya tanga (maliban kay Hansol na nagpapakatanga pa rin) para hindi agad maintindihan ni Seungkwan na may tinatago si Hoshi.
"Seung—" Hindi na napigilan ni Hoshi kasi nakita na ni Seungkwan ang tinatago ni Hoshi.
Nakita niya si Hansol na nakikipagtawanan kay Hei-Ran pero hindi lang kasi basta nagtatawanan parang kinocorner ni Hansol si Hei-Ran kasi nakasandal si Hei-Ran sa may pader at iyong kamay ni Hansol ay nakalagay sa gilid ni Hei-Ran.
Napakagat naman ng labi si Seungkwan at pigil na pigil siya sa pag-iyak. Gusto niya na lumihis ng tingin pero hindi niya alam kung ayaw lumihis ng mata niya. Ang saya-saya ni Hansol pati ni Hei-Ran samantala siya heto unti-unti nadudurog ang puso.
Naramdaman niya na lang na yakap-yakap na pala siya ng dalawa at doon niya na hindi napigilan ang mga luha niya. "Shh, tahan na."
Pinigilan niya muna ang luha niya kasi na sa loob pa sila ng campus kaya agad siyang nagpunas ng luha at inayos ang sarili niya saglit. "Tara na hyung." Tipid naman siyang ngumiti sa dalawa at naglakad na.
Malilimutan mo rin itong nararamdaman mo sa kaniya Kwan, magiging ayos din ang lahat. Hindi man ngayon pero sa susunod. Iyak ka na lang mamaya sa kuwarto.
~~~
Nasasad talaga ako kapag nasasad si Kwan :<
Sorry short and late update pa :<
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)