Nag-aayos ng gamit si Seungcheol na may biglang tumawag sa kaniya. "Seungcheol-hyung." Napalingon naman si Seungcheol sa likuran niya at nakita niya ang kapatid niya na si Soomi.
"Bakit Soomi?" nakangiting tanong niya sa kapatid.
"Bakit pa po kasi kailangan na umalis kayo eh?" malungkot na tanong ni Soomi at napangiti naman lalo si Seungcheol. Pinalapit niya naman si Soomi at pinaupo tabi niya.
"Alam mo 16 years old ka na pero para ka pa rin baby pagdating sa akin," natatawang sabi ni Seungcheol.
"Hyung naman, porket malungkot lang ako na aalis ka baby na agad?" tanong naman ni Soomi at mas lalong natawa si Seungcheol.
"Kasi naman Soomi ilang kilometro lang naman ang layo natin sa isa't isa," nakangiting sabi ni Seungcheol.
"Oo nga hyung pero nasanay lang ako na palagi kang nandito." Nilagay naman ni Soomi ang ulo niya sa balikat ni Seungcheol.
"Soomi hindi naman ako pupunta sa ibang bansa rito lang din ako sa South Korea," sabi naman ni Seungcheol.
"Oo na nga minsan lang ako maging clingy sa iyo eh." Tumayo na si Soomi at natawa naman si Seungcheol.
"Sige na muna Soomi, intayin mo na lang ako sa baba," sabi naman ni Seungcheol at tumango-tango na lang si Soomi.
Pagkalabas ni Soomi ay binalik niya ang tingin sa pag-aayos ng gamit. Tiniklop niya naman iyong mga damit niya na kakatuyo lang. Pagkatapos ay inilagay niya naman sa maleta niya.
Tiningnan niya ang suot niyang relo, 4 minutes before 3:30 . Tiningnan niya lahat ang gamit niya at pagkatapos ay bumaba na siya. Pagkababa niya ay tinawag niya ang mama niya at si Soomi
"Ma, Soomi aalis na ako." Lumapit naman agad sa kaniya ang mama niya at si Soomi. Bigla naman siyang niyakap ni Soomi.
"Mamiss kita hyung," sabi naman ni Soomi at yumakap naman siya pabalik.
"Sabi ko nga sa iyo ilang oras lang ang layo natin," sabi naman ni Seungcheol. Pagkatapos ay kumalas na siya sa yakap.
"Ma kahit wala man ako rito, lagyan mo pa rin iyong credit card ko para sa monthly allowance ko ah," nakangiting sabi naman ni Seungcheol.
"Malamang paano ka makakabayad kung hindi ko lalagyan ang credit card mo," sabi naman nang mama niya kaya natawa si Seungcheol.
"Tara na labas na tayo," sabi naman ni Seungcheol. Pagkalabas niya naman ay may huminto na isang bus. Bumaba iyong driver at lumapit sa kaniya.
"Kayo po si Choi Seungcheol?" tanong nang driver at ngumiting tumango-tango naman siya.
"Ako nga po," nakangiting sagot niya.
"Sakay na po," sabi naman nito. Niyakap niya muna ulit si Soomi at ang mama niya bago siya sumakay sa bus.
Pagkasakay niya ay nadatnan niya na sa loob iyong mga co-tenants niya. Nagpakilala siya at nagpakilala rin sila. Nahagip ng mata niya ang pamilyar na mukha na kailanman ay hindi niya makakalimutan.
Agad siyang lumapit doon sa lalaki. "Wooshi?" gulat niya na tanong. Tinanggal naman ni Woozi ang suot niyang headphones at tumingin kay Seungcheol.
"Wooshi ikaw nga!" Napangiti lalo si Seungcheol. Napatayo naman si Woozi dahil nagulat din siya na nandito si Seungcheol.
"Seungcheol?" gulat na sabi ni Woozi at agad naman napatango si Seungcheol.
Agad naman siya niyakap ni Seungcheol. "Namiss kita nang sobra!" Yayakap na sana pabalik si Woozi pero napansin niya na pinagtitingnan sila ng mga co-tenants nila.
"S-Seungcheol p-pinagtitingnan nila tayo," pabulong na sabi ni Seungcheol. Agad naman kumalas si Seungcheol at yumuko sa mga co-tenants nila.
Naupo naman si Woozi at naupo naman si Seungcheol sa tabi ni Woozi. Nagkuwentuhan sila ng kung ano-ano habang na sa biyahe.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)
