SVT Home 17.0

47 4 0
                                        

Mumulat na sana si Hoshi pero naalala niya na baka surpresahin siya ng mga kaibigan niya. Birthday niya kasi ngayon baka may hinahanda ring sorpresa ang mga kaibigan niya kay nagpapanggap na lang siya na tulog.

Ang tagal nila maghanda ah.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin nagsusurpresa kay Hoshi. Pero biglang may tumatakip ng balikat niya. "Hoshi-hyung." Ayaw mamulat ni Hoshi baka kasi masira ang plano nila sayang naman kung ganoon.

"Hoshi-hyung gising na kakain na tayo," sabi pa ulit ni Minghao. "Hoshi-hyung." Niyugyog na ni Minghao pero dahil ayaw talaga mamulat ni Hoshi kaya nakapikit pa rin siya. "Nanood ka pa siguro ng k-drama kagabi aish. Bahala ka nga na malate basta ginising kita." Tumayo na si Minghao at narinig ni Hoshi na pabalang na sinarado ni Minghao iyong pinto para siguro ay magising siya pero gising na naman talaga siya.

Minulat konti ni Hoshi iyong mata niya at nagulat siya na walang tao sa loob ng kuwarto niya, wala ring mga lobo katulad ng ginawa nila no'ng birthday ni Junhui. Napabangon siya bigla at napaikot ng tingin sa kuwarto niya. Wala siyang makita na lobo o tao, tanging siya lang iyong na sa kuwarto ngayon.

Imposible na hindi nila alam lalo na sila Seungkwan at Seokmin na mas close sa lahat kasi sila ang gag trio at halos iisa lang ang mga braincells nila. Kung hindi man lahat nakakaalam ng birthday niya, siyempre ipapaalam nila katulad ng ginawa ni Mingyu. Gumawa pa ng GC para lang isruprise si Junhui.

Dali-dali naman bumaba si Hoshi ng kama at pumunta sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay dali-dali siyang bumaba. Iniisip niya na baka pinaprank lang siya ng mga ito pero naalala niya na ayaw ni Seokmin ang prank kasi masyado ng common.

Pagkababa niya ay dumiretso siya agad sa may dining room at nakita niya na kumpleto na ang lahat maliban na lang sa kaniya. "Buti gising ka na Hoshi-hyung." Bungad ni Seokmin sa kaniya. 

"Seoks alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong agad ni Hoshi sa kaniya at napakunot-noo naman silang lahat kay Hoshi.

"Monday pasukan na ulit," simpleng sagot ni Seokmin.

"Hindi lang monday ngayon Seoks." Tumingin naman si Hoshi kay Seungkwan. "Kwan alam mo kung ano meron ngayon." Lahat ay nakatingin pa rin kay Hoshi, wala silang mga ideya sa mga sinasabi ni Hoshi.

Napaisip naman si Seungkwan saglit at dahan-dahan na umiling-iling. "Ano bang mayroon Hoshi?" takang tanong naman ni Jeonghan. 

Napahawak naman si Hoshi sa ulo niya at ginulo-gulo. "Wala talaga kayong alam?" tanong ulit ni Hoshi at nagtinginan naman silang lahat pagkatapos ay umiling-iling silang lahat. "Makakain na nga lang tss." Naupo na si Hoshi sa tabi ni Seokmin at nagsimula ng sumandok ng pagkain.

"Ano ba mayroon ngayon Hoshi-hyung?" tanong pa ulit ni Seungkwan at nakatingin pa rin ang lahat kay Hoshi habang kumakain.

"'Wag na." Bakas sa boses ni Hoshi ang inis at nagsimula na rin siya kumain. 

"Ay bwiset naalala ko na!" Agad napatingin si Hoshi kay Seungkwan at napangiti siya bigla.

"Naalala mo na?" nakangiting tanong ni Hoshi.

"Oo Hoshi-hyung!" Tumango-tango naman si Seungkwan sa kaniya.

"Sabihin mo sa kanila dali!" nakangiting sabi ni Hoshi.

"Importante pa ba iyon?" takang tanong ni Seungkwan.

"Oo naman grabe ka naman," sagot naman ni Hoshi.

"Oh sige na nga." Tumingin naman siya sa iba at nakatingin din ang lahat kay Seungkwan. "Birthday ng aso kong si Bootiful ngayon! Kaya lang na sa Jeju siya ngayon sayang." Napapout naman ang lahat kay Seungkwan maliban kay Hoshi na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.

Seventeen's homeStories to obsess over. Discover now