SVT Home 1.4: Wonwoo

78 3 0
                                    

Hindi na dapat mag-aabala si Wonwoo na lilipat kasi kahit papano ay medyo malapit na medyo malayo ang bahay nila sa pinapasukan niyang university. Pero dahil nakita niya iyong na sa twitter at napakalapit nito sa pinapasukan niyang university

Napag-isipan niya na magrerent na lang siya. Pinayagan din naman siya ng parents niya kaya heto siya ngayon nag-aayos na kasi malapit na iyong sinabing oras na susunduin siya. Ang dami niyang dalahin, 2 suitcases tapos isang backpack then mayroon pa siyang isang mini bag kung saan nakalagay iyong cellphone, wallet at iba pa.

Iyong isang backpack ay para sa mga libro niya na dadalhin. Wonwoo loves book and he can't live without books. Dahil din sa pagbabasa niya ng libro ay agad din lumabo ang mata niya pero hindi niya sinisi ang libro kasi kasalanan niya rin naman talaga. 

Habang nagsasapatos siya ay pumasok naman ang mama niya sa kuwarto. 

"Wonwoo, son." Lumapit naman ang mama niya sa kaniya. 

Nag-angat naman ng tingin si Wonwoo at tumingin sa mama niya. 

"Nadouble check mo na ba ang mga gamit mo?" tanong naman ng mama niya at tumayo naman si Wonwoo. Mas matangkad siya kaysa sa mama niya kaya bahagya naman siyang yumuko. 

Ngumiti naman si Wonwoo. "Opo tapos na po," sagot naman ni Wonwoo.

"First time pa lang na aalis ka," malungkot na sabi ng mama niya at napangiti naman lalo si Wonwoo. Niyakap niya naman ito at yumakap din pabalik ang mama niya.

"Ma, hindi naman ako ganoon kalayo puwede niyo ako bisitahin doon o puntahan ko kayo rito. Halos tatlong oras lang naman ang layo natin sa isa't isa," sabi niya naman at maya-maya lang ay bumitaw na siya sa yakap. 

"Kahit na," sabi pa ng mama niya at natawa naman si Wonwoo. "Wala na akong kasama rito sa bahay," dagdag pa nito. Si Wonwoo kasi only child lang at wala talagang kasama ang mama niya rito except sa papa niya. Pero madalas naman kasi na sa trabaho ang mama at papa niya. 

"Ma huwag ka na maging malungkot diyan hindi naman ako pupunta sa ibang bansa. Tsaka halos tatlong oras lang naman ang layo puwede kitang puntahan ano mang oras," sabi naman ni Wonwoo. 

"Uuwi ka rito kapag christmas break at summer ah," sabi naman ng kaniyang mama at napatango-tango naman si Wonwoo. Tiningnan niya ang suot niyang relo at nakita niya na 3 minutes ay 2:00 na. 

"Ma kailangan ko ng bumaba," sabi naman ni Wonwoo at napatango-tango naman ang mama niya. Iyong mama niya ang nagbuhat ng isang maleta at siya naman sa isang maleta pati iyong backpack at mini bag. 

Lumabas na silang dalawa at ilang minuto lang may huminto ng bus sa tapat ng bahay nila. Lumabas iyong driver at lumapit sa kaniya. 

"Kayo po ba si Jeon Wonwoo?" Agad naman siya napatango-tango.

"Ako nga po," nakangiting sagot niya.

"Sakay na po kayo," sabi naman ng driver pero bago siya sumakay ay niyakap niya muna iyong mama niya at nagpaalam na rito. Pagkatapos ay sumakay na siya sa bus. Pagkasakay niya ay nakita niya ang apat na co-tenants niya.

Nagpakilala siya sa mga ito at ganoon din sa kaniya maliban iyong isang lalaki na sa bandang likod na mukhang tulog na ata at may nakapasak na headphones sa tenga niya. 

Napili niyang maupo malapit sa may bintana. 



Seventeen's homeWhere stories live. Discover now