Nagpalit lang si Seokmin ng pang-alis na damit at nagsuot ng rubber shoes. Kinuha niya iyong canon camera niya at tripod stand kasi siyempre magvavlog siya. Tapos iyong wallet at cellphone niya.
Nakita niya naman si Vernon na sa mini sala ng kuwarto nila at napansin naman siya ni Vernon. "Saan ka pupunta Seokmin-hyung?"
"Bibili lang ng gitara," nakangiting sagot ni Seokmin at dahan-dahan na lang napatango-tango sa kaniya si Vernon. Lumabas na si Seokmin ng kuwarto at dali-daling bumaba sa may sala. Nakita niya naman na nandoon sila Hoshi, Chan, Jeonghan at Seungcheol na busy sa mga cellphone nila.
"Eyo wassup!" Bungad ni Seokmin kaya napatingin ang apat sa kaniya.
"Saan punta mo Seok?" tanong ni Hoshi.
"Bibili ng gitara," nakangiting sagot ni Seokmin.
"With Joshua?" tanong naman ni Jeonghan at napatango-tango naman si Seokmin.
"Paano mo nalaman Jeonghan-hyung?" takang tanong ni Jeonghan at ngumuso naman si Jeonghan sa likuran ni Seokmin. Tumingin naman siya sa likod niya at nakita niya si Joshua na kakababa lang ng hagdan.
Agad naman inakbayan ni Seokmin si Joshua. "Tara na Shua-hyung." Ngumiti naman si Joshua sa kaniya.
"Teka sa labas na ba kayo maglulunch?" tanong naman ni Seungcheol at ngumiting tumango-tango naman silang dalawa.
"Alis na kami," nakangiting sabi ni Seokmin pero nakatingin lang naman ng diretso kay Jeonghan. Ngumiti rin naman pabalik sa kaniya si Jeonghan at umalis na sila Seokmin at Joshua.
"Selfie pala muna tayo." Napahinto silang dalawa sa labas at nagselfie saglit pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Habang naglalakad sila papalabas ng gate ay napahinto si Seokmin. "Teka magcocommute tayo?" takang tanong ni Seokmin at dahan-dahan naman napatango si Joshua.
"We don't have a car," sabi naman ni Joshua.
"Okay lang ba sa iyo?" tanong ulit ni Seokmin at napatango-tango naman si Joshua pero napangiti siya bigla.
"Bakit tinanong mo na okay lang sa akin?" nakangiting tanong ni Joshua.
"Hindi para kasing hindi ka sanay magcommute," sagot naman ni Seokmin at napahagigik naman si Joshua. "Kasi englishero ka tapos hindi halata sa iyo magcommute," dagdag pa ni Seokmin.
Hindi napigilan ni Joshua na guluhin ang buhok ni Seokmin. "Hindi naman porket englishero ako hindi ako sanay magcommute." Umakbay naman si Joshua kay Seokmin. "Tara na nga," sabi pa ni Joshua at lumabas na sila ng tuluyan.
Pumunta sila sa isang waiting shed. "Okay what do you prefer? Bus or train"
"Train!!" sigaw ni Seokmin at natawa naman si Joshua sa biglaang sigaw at ngiti ni Seokmin sa kaniya. Aware naman si Joshua na maingay kasama itong si Seokmin pero kahit maingay siyang kasama, masaya naman siya kasama. Hindi uso ang boring or dull moment kapag kasama si Seokmin.
Pumunta naman sila sa Train station at bumili sila ng ticket. Pagkatapos ay nag-intay lang sila ng ilang minuto at dumating na iyong train. Pinicturan muna saglit ni Seokmin iyong train para ipost siyempre sa twitter account niya at pagkatapos sumakay na sila ni Joshua.
Pagkasakay nila ay ilang minuto lang ay nagpicturan sila sa loob ng train at pinost sa twitter accounts nila. Pagkatapos ng ilang picturan ay umupo na sila nang maayos. Pero si Seokmin ay nagvlog naman sa loob ng train hindi naman ganoon karami ang tao kaya konti lang ang nakakapansin sa kaniya.
"Bakit mo pinost iyon Shua-hyung?" biglang tanong ni Seokmin.
"I told you, because I want to," nakangiting sabi ni Joshua at napapout naman si Seokmin. Nagpatuloy na ulit siya sa pagvavlog.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfikce13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)