Natapos na si Hoshi sa pag-aayos at tapos na rin siyang maglunch kaya heto siya nakaprenteng nakaupo sa tapat ng TV at nanonood ng k-drama. Iniintay niya na lang na 2:45 kasi iyon ang oras kung kailan siya susunduin. Lumapit naman ang kapatid niya na lalaki sa kaniya.
"Tapos ka na mag-ayos kuya?" tanong ng kapatid niya na si Seo-Jun
"Oo naman kaya nanonood na lang ako ng k-drama ngayon," sagot naman ni Hoshi.
"Talaga tapos ka na?" tanong ulit ni Seo-Jun
"Oo nga paulit-ulit," sagot ulit ni Hoshi. "Ginigulo mo lang ako rito, layo-layo ka nga at maglaro ka na lang ng Mobile Legends mo." Hindi kasi makapagconcentrate si Hoshi sa panonood.
"Hala putek niyaya na agad ni Lee Min Ho si Kim Go Eun na maging reyna!" kinikilig na sabi ni Hoshi. Nanonood siya ngayon ng 'The King Eternal'.
"Kuya iyong toothbrush mo na sa banyo pa, iyong mga damit mo na tuyo na sa terrace pa," sabi naman ng kapatid niya.
"Hayaan--Ano?!" Dali-dali siyang umakyat sa kuwarto niya. Muntik niya na makalimutan iyong toothbrush niya at mga damit niya na sa terrace. Agad niyang binalot sa plastik iyong toothbrush niya at sinalpak niya na lang sa backpack niya iyong mga damit niya.
Nakita niya naman ang orasan at 2:45 na kaya dali-dali niya ng binitbit ang mga dalahin niya at bumaba naman siya agad.
Hindi niya pala napause iyong pinapanood niya. "Seo-Jun saan ako natapos kanina? Ilang minutes? Papanoorin ko na lang mamaya sa cellphone ko," tanong niya sa kapatid niya.
Nagkibit-balikat naman ang kapatid niya. "Ewan ko Kuya sabi mo maglaro na lang ako ng Mobile Legends," kaswal na sagot ng kapatid niya at pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya dahil sa sagot ng kapatid niya.
"Alam mo hindi ko rin talaga alam minsan kung bakit kita naging kapatid?" inis na tanong ni Hoshi. Kinuha niya iyong remote control at pinatay iyong tv. Pero saktong pagkapatay niya ay may kumatok sa pinto.
Binuksan niya naman agad iyon at bumungad sa kaniya ang isang lalaki.
"Kayo po ba si Kwon Soonyong?" tanong ng lalaki. Dahan-dahan naman siya napatango.
"Kayo po ba iyong magsusundo sa akin?" tanong naman ni Hoshi.
"Ako nga po," sagot naman nito. Napatango-tango ulit si Hoshi at kinuha niya ang mga dalahin niya.
"Oy Seo-Jun aalis na ako hindi mo ba ako yayakapin diyan?" tanong niya sa kapatid.
"Ilang oras lang naman ang layo natin sa isa't isa bakit pa kita yayakapin? Hindi ka naman pupunta sa ibang bansa." Gusto niya man ito iwrestling pero wala na siyang oras kaya sa inis ay ginulo niya na lang ang buhok ng kapatid niya kasi iyon ang kinaiinisan ng kapatid niya, ayaw kasi ng kapatid niya na ginugulo ang buhok niya.
Nainis naman ang kapatid niya pero dali-dali rin siyang lumabas habang bitbit ang dalahin niya. Kinuha naman ng driver ang mga dalahin niya at pumasok na siya sa bus.
Pagkapasok niya ay nakita niya ang mga makakasama niyang co-tenants. Nagpakilala siya sa mga ito at nagpakilala rin siya. Napansin niya iyong isang lalaki sa sulok, tahimik lang ito pero gusto niyang makilala.
Kaya lumapit siya rito. "Hi," nakangiting sabi niya roon sa lalaki. Agad naman siya nitong napansin at tinanggal ang nakapasak na headphones sa tenga niya.
"Ah hello," sabi niya naman.
"I'm Kwon Soonyoung pero tawagin mo na lang akong Hoshi, ikaw?" nakangiting tanong niya. Halata sa lalaki na hindi siya sociable person pero gusto ni Hoshi na pati ito ay makilala niya kaya hindi na siya nag-atubili na lumapit.
"I'm Lee Jihoon but you can call me Woozi." Pagpapakilala nito at ngumiting tumango-tango si Hoshi. Naupo naman siya sa likuran nitong si Woozi.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfic13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)