Pumunta na si Wonwoo kila Jeonghan. Tapos si Woozi ay natapos na rin kumanta kaya lumabas na silang apat sa karaoke. Nakita naman nila sa labas ng aracade nag-iintay iyong apat din.
"We're now complete, let's go," sabi naman ni Joshua kaya naglakad na sila papunta sa Cinema.
"Dadalhin mo iyan sa loob?" tanong naman ni Vernon kay Seungkwan kaya napatingin si Seungkwan kay Vernon.
Tumango-tango naman si Seungkwan. "Oo puwede naman ito dalhin." Tiningnan ni Seungkwan ang plushy. "Ang cute talaga nito," nakangiting sabi ni Seungkwan at tumingin ulit kay Vernon. "Thank you Hansol iyong libre mo sa susunod na wala ako ganoong dalang pera ngayon eh." Ngumiting tumango-tango naman si Vernon.
Pagkarating nila sa cinema 2 ay nakita na nila iyong lima. "Wooshi!" tawag ni Seungcheol kay Woozi.
"Makatawag ka naman parang matagal tayong naghiwalay," sabi naman ni Woozi at ngumiti lang sa kaniya si Seungcheol iyong ngiting kita na naman ang gilagid.
"Nakabili na kayo ng tickets Jeonghan-hyung?" tanong naman ni Dino.
"Yep pero hindi pa kami nakabili ng popcorns and drinks," sabi naman ni Jeonghan.
"Tara bili na tayo," sabi naman ni Mingyu. Pumunta na sila sa bilihan ng popcorns buti na lang at walang pila. "Wait isa-isa muna," sabi naman ni Mingyu.
"Sino rito ang barbecue flavor?" tanong ni Mingyu at nagtaas ng kamay si Hoshi, The8, Seungcheol at Dino. "Lima po na barbecue flavor," sabi naman ni Mingyu. Inabot naman agad sa kanila iyong lima na popcorns at binigay ni Mingyu sa apat.
"Dino pahawak nga muna ng akin," sabi ni Mingyu at inabot niya kay Dino iyong popcorns niya.
"Sino naman ang gusto ng cheese flavor?" tanong naman ni Mingyu at nagtaas ng kamay si Woozi, Jeonghan, Vernon, Jisoo, Wonwoo at Junhui. "Anim na cheese flavor po," sabi naman ni Mingyu. Inabot din agad iyong anim na popcorn at inabot niya agad sa anim iyong mga popcorn.
"Seokmin at Seungkwan ano gusto niyong dalawa?" tanong naman ni Mingyu.
"Classic Caramel," sagot ni Seokmin.
"Dalawa pong classic caramel," sabi naman ni Mingyu at inabot na sa kaniya iyong dalawang popcorn. Binigay niya naman iyon sa dalawa.
"Drinks pa," sabi naman ni Junhui.
"Ano bang gusto niyong drinks? Isa na lang ang hirap magtanong nang maraming beses," sabi naman ni Mingyu.
"Coca cola," sabi naman ni Woozi at tumango-tango na lang iyong iba.
"13 na coca cola nga po medium size," sabi naman ni Mingyu. Pagkatapos ay isa-isang inabot iyong 13 na coca-cola sa kanila.
"Okay na tapos na, halika na." Maglalakad na sana sila papasok sa cinema kaso bigla silang tinawang nang babae.
"Ah sir iyong bayad niyo po?" Napahinto naman silang lahat at nahihiyang umatras. Sa dami-dami pa naman na puwedeng makalimutan iyong pangbayad pa talaga.
"Lintek kayo iyong mga bayad niyo pala," sabi naman ni Mingyu at isa-isa nilang inabot kay Mingyu iyong mga bayad nila. Inabot niya naman ang bayad doon sa babae. "Pasensiya Miss," nahihiyang ngumiti naman si Mingyu.
"Ayos lang naman Sir ang guguwapo niyo naman eh," nahihiyang sabi nang babae at napangiti na lang din si Mingyu. Naglakad na sila papasok sa cinema pero biglang hinarang si Seungkwan.
"Ma'am puwede po ba ang stuff toy sa loob ng cinema?" tanong ng guard doon sa kasama niyang babaeng guard.
"Puwede naman," sagot naman ng babaeng guard kaya pinadaan na si Seungkwan at nakahinga naman nang maluwag si Seungkwan, palihim naman napangiti si Vernon sa kaniya.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)