SVT Home 5

62 4 1
                                    

Habang bumibili naman sila Seungkwan at Vernon ng ice cream ay naghihintay naman ang labing-isang lalaking na sa bahay. May sari-sarili silang ginagawa o may sari-sarili silang mundo. 

Si Seungcheol at Woozi ay na sa music room, si Wonwoo siyempre ay na sa library si Hoshi na sa entertainment room nanonood ng walang katapusang k-drama, si Seokmin naman ay nagvavlog sa kuwarto niya, si Mingyu na sa kusina nag-aaral ng bagong putahe. 

Si Jeonghan at Dino naman ay naglalaro ng arcade sa game room nila. Si Joshua ay na sa sala at naglalaro lang sa cellphone niya. Si Junhui ay na sa kuwarto niya at nagiiscroll lang sa instagram at twitter and si Minghao ay na sa garden, nagtatanim ng bagong halaman. 

Habang nagiiscroll si Junhui sa twitter niya ay naisipan niyang iistalk si Minghao sa twitter account nito. Nakita niya naman ang latest post ni Minghao na kakapost kani-kanina lang. 

Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti, itong pagkahilig ni Minghao sa mga halaman ay hindi pa rin nawawala sa kaniya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti, itong pagkahilig ni Minghao sa mga halaman ay hindi pa rin nawawala sa kaniya. 

Hilig niya pa rin magtanim ng mga halaman at bulaklak. 

Lumabas naman si Junhui ng kuwarto niya at bumaba sa may sala. Nakita niya naman si Joshua na naglalaro sa cellphone nito. Pumunta naman siya sa kusina kasi may roon para makalabas at makapunta sa garden. 

Pagkalabas niya naman ay napansin niya agad si Minghao na nakaupo malapit sa mga halaman. Narinig niya naman na kinakausap ni Minghao ang mga halaman. He can't help but to smile. Minghao became girly or childish when it comes to plants and Junhui found it cute. 

Siya pa rin si Minghao, hindi pa rin siya nagbabago. 

Unti-unti naman siya lumapit dito hanggang sa magkatabi na naman sila. Mukhang hindi siya napapansin ni Minghao kasi patuloy pa rin ito sa pagkausap sa mga halaman. Hindi napigilan ni Junhui na humagikgik. 

Kaya napatingin sa kaniya si Minghao mukhang nagulat pa si Minghao kaya agad din ito tumayo. Sumeryoso naman si Junhui at tumingin kay Minghao. 

"Akala mo siguro baliw ako?" tanong naman ni Minghao at napailing-iling naman si Junhui. 

"No huwag mo isipin iyan," iling-iling na sabi ni Junhui.

"Eh bakit ka tumatawa?" takang tanong ni Minghao.

"Because you are cute," seryosong sabi ni Junhui habang may ngiti sa labi. Bigla naman nasamid si Minghao, naintindihan niya ang sinabi ni Junhui dahil chinese din naman siya katulad ni Junhui. 

Bigla naman nag-alala si Junhui sa biglaang pagsamid ni Minghao. "Ayos ka lang?" alang-alang tanong ni Junhui. Pero sa loob-looban niya ay napangiti siya sa pagsamid ni Minghao.

Nasamid ka dahil kinilig ka. Hay, hindi ka pa rin talaga nagbabago. 

"A-Ayos lang ako," sabi naman ni Minghao at hindi na tumingin sa kaniya. 

Seventeen's homeWhere stories live. Discover now