Pagkalabas nila sa mga kotse ay naghiwa-hiwalay na sila. Si Seungcheol, Jeonghan, Junhui at Minghao ay dumiretso na sa National Bookstore. Si Wonwoo naman ay nahiwalay dahil pupunta na lang siya sa isang bookstore na lagi niyang pinupuntahan kapag na sa mall, susunod na lang daw siya mamaya.
Then the rest ay pumunta sa arcade. "Okay kaninong pera?" tanong naman ni Mingyu.
"Ikaw nagtanong kaya sa iyo na lang," sabi naman ni Hoshi.
"Ayaw ko nga," sabi naman ni Mingyu.
"Ambagan na lang," sabi naman ni Woozi at sumang-ayon na rin naman silang lahat kaya nag-abutan na sila ng pera sa isa't isa. Nagvolunteer na si Mingyu na siya na lang ang kukuha ng mga tokens. Kaya inintay nila muna nila si Mingyu sa labas.
Nakasandal silang lahat parang mga siga sa kanto pero dahil guwapo sila ay para silang mga lalaking nagpophotoshoot. "Himala hindi ka nagvavlog ah." Napatingin ang iba kay Hoshi at Seokmin na magkatabi.
"Nag-intro na ako kanina bago umalis mamaya na lang ako magvavlog kapag na sa loob na tayo," sagot naman ni Seokmin.
Tuming naman ulit si Seungkwan sa cellphone niya. "Ang tagal naman ni Mingyu-hyung." Reklamo ni Dino.
"Kakapasok pa lang naman niya Dino," sabi naman ni Joshua. Nagpout na lang si Dino at kinuha niya na lang ang cellphone niya. Si Joshua at Woozi lang ang hindi nagcecellphone sa kanila, nagmamasid-masid lang silang dalawa.
Sa kalagitnaan naman ng pag-iiscroll ni Seungkwan ay biglang may pumindot ng ilong niya kaya agad naman siya napataas ng tingin at nakita siya si Vernon na sa harapan niya. Napakunot-noo naman si Seungkwan kasi hindi naman siya nakasimangot or nakapout ngayon.
"Bakit mo na naman pinindot ang ilong ko?" takang tanong ni Seungkwan at ngumiti lang si Hansol sa kaniya na kita gilagid.
"Ah because your nose is cute," nakangiting sagot ni Vernon. Napailing-iling na lang si Seungkwan at binalik ang tingin sa cellphone. Maya-maya lang ay dumating na si Mingyu dala-dala ang mga token.
"Yey!" Agad naman lumapit si Dino kay Mingyu at kumuha ng token.
"Gusto ko na magkaraoke," sabi naman ni Seungkwan at aakmang kukuha na dapat siya ng token pero nilayo ni Mingyu kay Seungkwan iyong token.
"Sabi nang babae kapag karaoke daw real pera raw ang gagamitin," sabi naman ni Mingyu. Napatango-tango naman si Seungkwan. Napatingin naman si Seungkwan sa isang claw machine at biglang nagningning ang mga mata niya kasi may nakita siyang We Bare Bears na plushies.
Agad naman siyang lumapit doon at lumingon din sa mga kasama niya. "Sino marunong magclaw machine?"Walang nagtaas ng kamay
"Ililibre ko." Pagkasabi naman ni Seungkwan ay agad naman nagsipuntahan sa kaniya except kay Woozi tumawa. Iyong tawa na walang nang bukas.
"Kapag nakuha niyo ang iyong plushy na si Grizz ililibre ko," sabi naman ni Seungkwan. "One try policy lang," dagdag pa ni Seungkwan.
Nauna si Joshua pero hindi niya nakuha, sumunod naman si Mingyu pero hindi niya rin nakuha. Sumunod naman si Dino pero hindi niya rin nakuha, sumunod naman si Hoshi at hindi niya rin nakuha.
"Ang liit kasi ng mata ni Hoshi-hyung kaya hindi niya makita." Pang-aasar pa ni Dino pero sumimangot lang si Hoshi sa kaniya. Sumunod naman si Seokmin pero hindi niya rin nakuha.
"Tama na nga," sabi naman ni Seungkwan at nagpout. Dahil si Vernon na ang sumunod kay Seokmin kaya lumapit siya kay Seungkwan at pinindot ang ilong ni Seungkwan.
"Kapag nakuha ko ito, ililibre mo ako?" tanong ni Vernon.
"Hindi mo rin naman makukuha eh." Mas lalong nagpout si Seungkwan.
"Sa wakas nakakita na rin ako ng baboy na nagpapout," sabi ni Hoshi kaya natawa naman silang lahat maliban kay Seungkwan na kanina lang ay nakapout, ngayon ay galit na galit ang mukha.
"Alam mo ang sama-sama mo!" Akmang susugurin niya na si Hoshi pero biglang may humarang sa kaniya na plushy. Nang magsalita kasi si Hoshi kanina ay hindi nila napansin na si Vernon ay na sa claw machine na at nakuha na iyong plushy na gusto ni Seungkwan.
Napahinto naman si Seungkwan at biglang nagningning ang mga mata. Kinuha niya naman ang plushy kay Vernon.
"Hala ang cute!" Tiningnan pa nang maigi ni Seungkwan iyong plushy. Tiningnan niya naman ulit si Hoshi. "Magpasalamat ka at buhay ka pa ngayon," sabi ni Seungkwan at naglakad na siya sa karaoke room.
"Ikaw kasi Hoshi eh," natatawang sabi ni Seokmin. Nilabas na ni Seokmin ang camera niya at nag-umpisa na siyang magvlog. Sila Dino, Mingyu, Hoshi at Joshua ay naglalaro ng arcade samantala sina Vernon, Seungkwan, Seokmin at Woozi ay na sa videoke.
Kinuha na agad ni Seungkwan ang mic at inabot naman niya kay Vernon iyong plushy niya. "Huwag mo dudumihan," sabi naman ni Seungkwan at ngumiting tumango-tango naman si Vernon.
"Ikaw muna kakanta Seungkwan?" tanong ni Seokmin at tumango-tango si Seungkwan. Nagpindot na si Seungkwan sa remote control at lumabas na iyong kanta.
"Makikita niyo ng kumanta ang isang Boo Seungkwan," sabi naman ni Seungkwan at nagpalakpakan naman silang tatlo. Nagsimula ng kumanta si Seungkwan at nakatingin lang silang lahat sa kaniya.
"Ang ganda pala ng boses ni Seungkwan, Sunnies," sabi ni Seokmin sa camera. Samantala si Vernon ay nakatingin lang kay Seungkwan habang kumakanta, he didn't expect that Seungkwan is a singer and damn his voice is so nice and smooth.
Ang ganda, ang ganda ng boses ni Boo.
Umabot naman sa part na birit at nagulat naman silang tatlo kasi naabot ni Seungkwan na walang kahirap-hirap kaya hindi nila maiwasan na pumalakpak at humiyaw. Sound proof naman kasi ang karaoke room kaya kahit sumigaw sila ay walang makakarinig.
"Galingggg!" sigaw ni Seokmin. Natapos na ang kanta at nakita nila ang score ni Seungkwan.
"99!" sabi naman ni Woozi. "Ang galing naman," nakangiting sabi ni Woozi at ngumiti lang din ng pagkatamis-tamis si Seungkwan. Naupo naman siya sa tabi ni Vernon at kinuha iyong plushy niya.
"Ano Hansol maganda ba boses ko?" nakangiting tanong ni Seungkwan at nagthumbs up si Vernon. Napangiti naman lalo si Seungkwan.
"Ako na next, hawakan mo ang camera ko Vernon." Pinahawak naman ni Seokmin ang camera kay Vernon at tinapat ni Vernon ang camera kay Seokmin. Binigay naman ni Seungkwan ang mic kay Seokmin.
Pumindot si Seokmin sa remote control at tumingin siya sa camera na hawak ni Vernon. "Sunnies maiinlove na naman kayo sa boses ko," nakangiting sabi niya pa sa camera at nacringre naman ang tatlo.
Nagsimula ng kumanta si Seokmin at nakatingin lang ulit sa kaniya. "Itaas ang mga kamay natin." Natawa naman sila pero sinunod din ng tatlo si Seokmin at itinaas din ang mga kamay nila.
Nagpatuloy lang din naman sila sa pagkanta at nagpatuloy rin sa paglalaro iyong apat. Si Wonwoo ay nakahiwalay at tahimik na nagbabasa sa bookstore.
On the other hand, busy naman iyong apat na naka-assign sa pagbili sa NBS. Kanina bago sila lahat umalis ng bahay ay nag-abot na sila ng 2K at kung sumobra man iyon ay ibabalik na lang ang sukli or gagamitin iyong sukli para sa ticket kasi nga pagkatapos nila bumili sa NBS ay manonood sila ng sine.
Tapos na sila bumili ng notebooks at nilagay muna sa baggage counter ang mga boxes. Ngayon naman ay iyong mga iba pang school materials. "Tapos na ba?" tanong naman ni Minghao.
"Wait kumpletuhin na natin para hindi na tayo bumili pa, may glue na ba?" tanong naman ni Jeonghan.
"Kailangan pa ba noon?" tanong naman ni Junhui.
"Siyempre naman kahit college na tayo hindi pa rin nawawala ang glue, gunting at kung ano-ano pa," sagot naman ni Seungcheol. Bumili pa sila ng kung ano-ano pa.
Pagkatapos ay nagpasiya na silang pumunta sa counter at nagbayad. May natira pa sa pera kaya iyon na lang din ang gagamitin nila para pangbayad sa sine.
![](https://img.wattpad.com/cover/224824439-288-k756658.jpg)
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)