SVT Home 2

88 3 1
                                    

Matapos ang halos isang araw na pagsundo sa mga tenants ay nakumpleto rin ng mabutihing driver ni Dino ang mga tenants niya. Ngayon ay nakarating na sila sa bahay ni Dino. Huminto ang bus sa isang bahay. 

Nagulat naman sila dahil hindi ganoon kalakihan ang bahay na pinaghintuan nila. Hanggang 2nd floor lang ang bahay at mukhang maliit ito. Naisip nila bigla na baka nabudol na sila at kunyari lang na bus ang ginawang pagsundo sa kanila para mapaniwala sila. 

"N-Nandito na tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Seungkwan at lumingon naman si Joshua sa kaniya. 

"I don't know," sagot naman ni Joshua. 

"Baka nga nandito na tayo," sabi naman ni Seokmin at aktong baba na pero napatingin sa kaniya iyong driver. 

"Bakit po kayo baba?" takang tanong nang driver. Sa pagtanong niya naman ay parang kinalibutan sila kasi parang nakakatakot ang tanong ng driver sa kaniya. 

"E-Eh kasi h-hindi po ba n-nandito na t-tayo?" nauutal na tanong ni Seokmin at napakunot-noo naman iyong driver. 

"Hindi pa po tayo nandito. Nagstop lang po ako saglit kasi minessage po ba ako ni Sir Lee, iyong landlord niyo. Pero malapit na po tayo," sabi naman ni kuyang driver. 

"So hindi po talaga ito iyong bahay?" tanong naman ni Seungcheol. 

"Hindi po," iling-iling na sabi nang driver at kahit papano ay nakahinga sila nang maluwag. Muling umandar iyong bus. 

"Akala ko naman nabudol na ako," mahinang sabi ni Seungkwan pero sapat na para marinig ni Joshua na sa harapan niya lang. Kaya napatingin ulit si Joshua sa kaniya at natawa naman siya. 

Napatingin sila sa dinadaan nila kung wala sigurong streetlights dito ay paniguradong madilim. Kaya medyo nagtaka na naman sila ulit, parang wala halos dumadaang sasakyan dito. Ngayon ay ang bus na sinasakyan lang nila ang dumadaan dito. 

Kinutuban na naman sila nang masama. Napahinto naman sila sa isang gate at pinagbuksan naman sila ng mga guards na nandoon. Umandar ulit iyong bus at sa pag-andar ay napansin nila ang isang malaking bahay. 

Napatayo sila sa mga inuupuan nila kasi ang laki ng bahay, nope hindi lang siya basta bahay kasi MANSION! 

Huminto iyong bus sa tapat ng mansion. 

"K-Kuya diyan po kami titira?" tanong naman ni Wonwoo at tumayo naman iyong driver. 

"Opo riyan nga po," nakangiting sagot ng driver at bumaba na ito para kunin iyong mga maleta. Dahan-dahan naman silang bumaba sa bus.

Medyo pagabi na at nagniningning ngayon iyong mansion.

Medyo pagabi na at nagniningning ngayon iyong mansion

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Is this real?" hindi makapaniwalang tanong ni Woozi. Bumaba na silang dalawa ni Seungcheol. 

"Tangina hindi ako makapaniwala," sabi naman ni Hoshi. 

Seventeen's homeWhere stories live. Discover now