Napili na magcommute nila Seokmin, Seungkwan at Hoshi kasi maaga umalis si Vernon. Sumakay na ng bus ang tatlo at napili nila umupo sa pinakalikod para tabi-tabi sila.
Kinuha naman ni Seokmin ang cellphone niya at nagiscroll-iscroll lang sa twitter. Pero bigla na lang siya nagulat kaya napatingin sa kaniya ang dalawa. "Bakit ano meron?" takang tanong ni Hoshi at kumunot lang ang noo ni Seungkwan.
"In love na si Vernon kay Hei-Ran?" gulat na tanong ni Seokmin at napahawak pa siya sa bibig niya.
"Huh? Paano mo nasabi?" takang tanong ni Hoshi. Pinakita naman ni Seokmin ang magkasunod na tweet ni Vernon. Napatango-tango na lang si Seungkwan at agad na inalis ang tingin sa cellphone ni Seokmin.
Agad naman inambahan ni Hoshi si Seokmin at dinuro-duro si Seokmin. Nagkibit-balikat lang si Seokmin at binitawan na muna iyong cellphone niya. "Okay ka lang?" tanong naman ni Seokmin at agad siyang binatukan ni Hoshi dahil sa tanong niya.
"Aray ko!" reklamo naman ni Seokmin.
Pilit naman ngumiti si Seungkwan sa kanila. "Ayos lang ako mga hyung," tipid na sagot ni Seungkwan at tumingin na lang sa harapan.
Tatanungin ulit ni Hoshi pero umiling-iling na lang si Seokmin at dahan-dahan na lang tumango-tango sa kaniya si Hoshi. Nagcellphone na lang silang dalawa at si Seungkwan ay nakatingin lang sa harapan. Bakit pa ba ako umaasa na bisexual ka rin? Kahit napakaimposible naman.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa SNU at agad din silang bumaba. "Mamaya na lang mga hyung." Naunang maglakad si Seungkwan at wala ng nagawa iyong dalawa niyang hyung kaya hinayaan na lang siya.
Napayuko naman si Seungkwan habang naglalakad at napabuntong hininga. Ilang araw na siyang heartbroken kahit hindi niya pinapasin si Vernon mapa-GC o sa personal. Todo iwas siya kahit alam niya na si Vernon na ang gumagawa ng paraan para kausapin siya.
"Seungkwan?" Agad naman napataas ng tingin si Seungkwan at nakita niya si Moon Bin nakangiti sa kaniya. Kaya napangiti rin siya.
"Oh Good morning Moon Bin," nakangiti niyang bati.
"Good morning din Seungkwan," nakangiting bati rin sa kaniya ni Moon Bin. "Do you still have some time? Before your first subject?" Tiningnan muna ni Seungkwan ang relo niya bago niya sagutin ang tanong ni Moon Bin.
Nakita naman ni Seungkwan sa relo niya na may oras pa naman kaya napatingin na siya kay Moon Bin. "Meron pa naman, bakit?" tanong naman ni Seungkwan.
"May sasabihin lang ako." Napahawak pa sa batok si Moon Bin at ngumiting tumango-tango naman si Seungkwan sa kaniya. "Doon tayo." Turo ni Moon Bin sa may puno at naglakad na sila papunta roon.
No'ng makarating na sila sa may puno ay biglang natahimik si Moon Bin kaya napatingin si Seungkwan sa kaniya. "Ano ang sasabihin mo Bin?" nakangiting tanong ni Seungkwan.
"A-Ano k-kasi. . . " Huminga muna nang malalim si Moon Bin at tumayo ng diretso. "G-Gusto kita," nakangiting sabi ni Moon Bin. "Alam ko na naman na alam mo na iyon kasi halata naman sa mga tweets ko pero gusto ko pa rin magconfess."
Hindi na ganoon nagulat si Seungkwan kasi tama naman si Moon Bin alam niya na naman talaga. Bigla naman siya napayuko at napakagat ng labi. "H-Hey?" Agad hinawakan ni Moon Bin ang balikat niya.
"S-Sorry. k-kasi hindi k-kita m-magugustuhan p-pabalik." Nakokonsensiya siya kasi hindi niya magawang gustuhin pabalik si Moon Bin kasi hanggang ngayon si Vernon pa rin. Si Vernon at si Vernon pa rin, hindi niya alam kung kailan siya makakamove on.
"Seungkwan, nagconfess lang ako kasi gusto ko. Nagconfess ako kasi gusto ko lang sabihin sa iyo sa personal. Hindi ako nagconfess para gustuhin mo rin ako." Hinawakan naman ni Moon Bin ang baba niya at inangat ang ulo niya.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)