SVT Home 16

39 3 0
                                    

"Next semester pipili ako na talaga ako ng maayos na professor," sabi naman ni Seokmin sa loob ng kotse. Papasok na sila ngayon at siyempre nakasakay siya sa kotse ni Jeonghan kasama sila Hoshi at Dino. 

"Bakit Seokmin-hyung?" tanong naman ni Dino at lumingon sa kaniya. 

"Nakakabadtrip halos lahat ng professor ko bwiset," sagot naman ni Seokmin. 

"Ay sa true lang sis," sabi naman ni Hoshi at nagboses na parang bakla pa kaya natawa ang lahat sa kotse pero nainis ulit si Seokmin.

"Lalo na iyong si Professor Lee Min Ho nakakagigil!" Puno nang panggigil ang boses ni Seokmin. "Hindi mo naman siguro kamag-anak iyon Dino?" tanong naman ni Seokmin. 

"Hindi naman Seokmin-hyung," iling-iling na sagot ni Dino. 

"Si Professor Lee? Siya 'di ba sa Calculus?" tanong naman ni Jeonghan.

"Oo Jeonghan-hyung nakakabwiset!" sigaw pa ni Seokmin. "Sino professor mo sa Calculus Hoshi-hyung?" tanong naman ni Seokmin. 

"Ay napakabait ng professor ko Calculus, walang iba kun'di si Professor Lee Jong Suk." Ngumiti naman si Hoshi na para bang binibida ang Professor niya.

"Lee din ang apelyido pero bakit ang bait sa'yo? Si Professor Min Ho lagi na lang badtrip, may away ata sila lagi ni Professor Kim!" sabi naman ni Seokmin. 

"Professor Kim?" tanong naman ni Dino.  

"Professor Kim Go Eun iyong professor sa literature?" Sumulyap naman sa rearview mirror si Jeonghan. 

"Oo si Professor Kim Go Eun," sagot naman ni Seokmin. 

"Ang ganda no'n," sabi naman ni Hoshi at ngumiti pa kaya halos wala na siyang makita. 

"Bakit ano meron kay Professor Go Eun at Professor Min Ho?" takang tanong ni Jeonghan. 

"Magkarelasyon ang dalawa na iyon!" Nagulat naman iyong tatlo sa kotse. 

(Sorry ship ko sila simula no'ng pinanood ko iyong The King Eternal hahaha)

"Weh? Paano mo nalaman?" gulat na tanong ni Jeonghan. 

"Siyet halata naman, sa tuwing nagkakasulubong silang dalawa nagngingitian sila tapos lagi silang magkasabay kumain sa canteen then kapag na sa labas na sila ng campus, magkaholding hands na sila." Hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Seokmin. 

"Gagi paano mo nalaman iyan kakasimula pa lang ng klase?" tanong naman ni Hoshi. 

"Matagal ko na 'tong alam last school year pa. Bakit hindi niyo alam?" Umiling-iling naman ang tatlo. 

"Ako siyempre 'di ko po alam kasi ngayon pa lang po ako pumasok sa university," sabi naman ni Dino. 

"Basta last school year ko pa nalaman," sabi naman ni Seokmin. "Nakikita ko sila lagi sa labas ng university. Ang lalaki nga ng ngiti sa labi kapag magkasama silang dalawa," dagdag pa ni Seokmin. 

"Tatlong taon na ako nag-aaral sa SNU pero ngayon ko lang iyan nalaman, iba talaga kapag chismoso." Natawa naman iyong dalawa sa sinabi ni Jeonghan. 

"Grabe ka naman Jeonghan-hyung." Nagpout naman si Seokmin. 

Natawa naman si Jeonghan. "Sorry, sorry." 


Kakatapos lang ng break time nila at pupunta na ulit sila sa mga klase nila. Pero nagtataka naman si Woozi kasi kasama niya pa rin ngayon si Seungcheol. "Bakit nandito ka pa?" tanong ni Woozi.

"Iba ang schedule ko ngayon at dito rin ang daan ko papunta sa next subject ko." Napatango-tango naman si Woozi sa kaniya. 

Habang naglalakad sila ay may nakita si Seungcheol na pamilyar na mukha at agad niya naman kinalabit si Woozi. "Si Jeongyeon iyon 'di ba?" Napatingin naman si Woozi sa tinitingnan ni Seungcheol na masigurado si Woozi na iyon si Jeongyeon ay agad siya nag-iwas ng tingin at naglakad na ulit.

Seventeen's homeWhere stories live. Discover now