Nagising si Junhui sa alarm clock niya at papatayin niya na sana pero may sumigaw sa harapan niya. "HAPPY BIRTHDAY JUNHUI!" Nagulat siya sa sigaw pero agad din siyang napaupo at napangiti sa kanila.
Nandito silang lahat sa kuwarto ni Junhui. Nakita niya na may mga lobong na sa sahig at halos mapuno na ng lobo ang kuwarto niya. "Xiexie." Nakangiting sabi niya sa kanila.
"Tara na bangon ka na birthday boy!" Lumapit naman sa kaniya si Mingyu at hinatak siya para bumangon.
"Oo na, oo na." Natawa naman si Junhui kay Mingyu at bumangon na sila.
"Mamaya na lang tayo magcelebrate pagkauwi," sabi naman ni Jeonghan at tumango-tango naman ang lahat.
"Susunod na lang ako hihilamos lang ako saglit," sabi naman ni Junhui at tumango-tango na lang sila. Isa-isa na silang lumabas ng kuwarto pero nakita niya na hindi pa rin lumalabas si Minghao at silang dalawa na lang ang na sa kuwarto.
"Minghao bakit nandito ka pa?"
"Ah ano kasi. . . " Lumapit naman si Minghao kay Junhui. Nahihiya siya, ang cute niya.
"Happy birthday Junhui." Ngumiti naman si Minghao sa kaniya. I missed those smiles.
"Mas maganda kasi na i-greet kita in person--" Napatigil sa pagsasalita si Minghao kasi niyakap siya bigla ni Junhui. "G-ge?"
"Don't call me ge j-just this day please?" tanong ni Junhui habang nakayakap pa rin siya kay Minghao.
"O-Okay." Nararamdaman ni Junhui na gusto ng makaalis si Minghao sa yakap pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Minghao.
"Huwag ka muna kumalas kahit ito na lang ang iregalo mo sa akin ngayon basta huwag ka muna kumalas please." Puno ng pagmamakaawa ang boses ni Junhui. Simula mangyari iyong dati ay ngayon na lang nayakap ni Junhui si Minghao nang ganito.
Malipas lang ng ilang minuto ay dahan-dahan na kumalas si Junhui. Tumingin siya kay Minghao at ngumiti kay Minghao. "C-Can you do me a f-favor?" Nauutal man pero nanatiling nakangiti si Junhui.
"Ano iyon?" takang tanong ni Minghao.
"Please be with me until the end of my birthday, u-until the end of this day," sabi naman ni Minghao. "Kahit wala ka ng regalo sa akin basta makasama lang kita ngayong araw na ito," dagdag pa ni Junhui. Say yes, please.
"Hindi tayo papasok?" takang tanong ulit ni Minghao.
"Puwede?" sagot naman ni Junhui. Napaisip naman si Minghao. "Pangatlong araw pa lang naman ng klase ngayon wala pa masyadong gagawin baka mga second we--"
"Sige," tipid na sagot ni Minghao na ikinatigil ni Junhui.
"Anong sige?" tanong ni Junhui pero narealize niya na rin agad. "Sasama ka sa akin? Hindi tayo papasok? Mamasyal tayo?" sunod-sunod na tanong ni Junhui sa kaniya.
Ngumiti naman si Minghao sa kaniya at tumango-tango. "Birthday mo naman," sabi pa ni Minghao at mas lalong napangiti si Junhui.
"Salamat Hao!" Napayakap ulit si Junhui kay Minghao pero ilang segundo lang at kumalas na siya sa yakap. "Maghahanda na ako," sabi niya pa at tumango-tango naman si Minghao sa kaniya.
"Ikaw na lang magsabi sa kanila. Pupunta na rin muna ako ng kuwarto ko," sabi pa ni Minghao at ngumiting tumango-tango naman si Junhui.
Lumabas na si Minghao at agad na pumunta sa CR si Junhui. Sabihin na siyang baliw o tanga pero nakangiti siya ngayon. Kahit habang naghihilamos siya ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.
YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)