Ang daming narecieve na birthday greetings si Junhui sa lahat ng sns account niya. Hindi niya alam kung paano niya rereplayan iyon lahat pero naisipan niya na mamayang gabi na lang. Tapos kanina habang na sa kuwarto siya ay tumawag ang mga magulang niya pati ang kapatid niya.
Kanina pa umalis sila Jeonghan at silang dalawa pati iyong mga maids na kakarating lang ang na sa bahay. Naghahanda na si Junhui ngayon kasi 8:45 na, mga 9:00 or 9:15 daw sila aalis ni Minghao. Hindi na matago ni Junhui ang excitement kaya panay ngiti siya kahit nakaharap siya sa cellphone niya.
Panay lang ang scroll niya kasi ang na sa isip niya iyong lalabas sila ni Minghao ngayon. Inaantay niya na lang si Minghao, naghahanda na rin iyon panigurado. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin, nakita niya na wala na siyang aayusin kasi guwapo na ang mukha niya at bagay na bagay sa kaniya ang suot niya.
Lumabas na si Junhui ng kuwarto at napagdesisyunan niya na mag-iintay na lang siya sa sala. Pagkababa niya ay nakita niya iyong maids na naglilinis, yumuko pa sila kay Junhui at ngumiti naman si Junhui sa kaniya.
Naupo siya sa may sofa habang hinahantay si Minghao. Si Junhui ay ayaw niya sa lahat na pinag-aantay siya pero pagdating kay Minghao ay handa siya maghintay kahit napakatagal nito. Nag-antay nga siya na pagtagpuin ulit sila ni tadhana after 3 years tapos ngayon na ilang minuto lang ang iintayin niya, siyempre ayos na ayos lang sa kaniya.
Matapos din naman ang ilang minutong pag-iintay ay narinig niya na may pababa na ng hagdan. Napaangat naman si Junhui ng tingin at nakita niya si Minghao na pababa ng hagdan. Napatayo naman siya sa kinauupuan niya.
Minghao is JUST wearing a simple white shirt, brown pants and white converse. Plus, he is also wearing a eyeglasses. He is handsome indeed but wearing this kind of simple outfits makes him more handsome. Why he is so beautiful?
"I'm sorry kanina ka pa ba nag-iintay?" Hindi namalayan ni Junhui na sa harapan niya na pala si Minghao.
"Hindi naman kani-kanina lang," nakangiting sagot naman ni Junhui at dahan-dahan naman napatango si Minghao.
"Tara na?" takang tanong ni Minghao at ngumiting tumango-tango naman si Junhui. Nagpaalam na silang dalawa sa mga maids at lumabas na silang dalawa. Siyempre sasakyan ni Junhui ang gagamitin.
Ngayon ay nagpapasalamat na talaga si Junhui sa sarili niya kasi nakapag-ipon siya ng pera para makabili ng kotse at para may magamit sila ngayon ni Minghao. Pinagbuksan niya naman ng pinto si Minghao na ikinagulat nito pero agad din naman siya pumasok at pagkapasok ni Minghao ay pumasok na rin si Junhui sa driver seat. Pagkatapos ay pinaandar niya na ang kotse.
"Saan tayo magbebreakfast?" Sumulyap naman saglit si Junhui kay Minghao.
"Sa may Pyeong-on restaurant," sagot naman ni Minghao. "Ako na lang ba ang magtatype sa waze?" tanong naman ni Minghao kay Junhui. Sumulyap naman ulit si Junhui sa kaniya at ngumiting tumango-tango.
Kinuha naamn ni Minghao ang cellphone ni Junhui at tinaype sa Waze ang Pyeong-on Restaurant. Pagkatapos ay binalik na ulit ni Minghao ang cellphone ni Junhui. Tiningnan naman ni Junhui at nakita niya na medyo malapit lang naman ito.
Tahimik lang silang dalawa ni Minghao, hindi sanay si Junhui kasi dati kapag silang dalawa magkasama ay puro kuwentuhan sila sa loob ng kotse at puno ng tawanan pero ngayon ay iba na. Psh, lagi na lang bumabalik sa nakaraan. Nakalimutan niya na nga ako 'di ba?
Ilang minuto lang din ay nakarating na sila sa Pyeong-on restaurant. Agad na nagtagal ng seatbelt si Junhui para mapagbuksan niya ng pinto si Minghao. Nagulat naman si Minghao sa pagbukas sa kaniya ni Junhui. "S-Salamat." Ngumiti lang si Junhui sa kaniya.

YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)