SVT Home 19

49 3 0
                                    

Naglalakad si Seungkwan sa hallway para pumunta sa gymnasium. Tinapos lang nila ang first sub at wala na silang klase hanggang mamayang lunch, after lunch na ang sunod nila na klase dahil sa nangyayari sa gymnasium. Bigla naman umakbay sa kaniya at napatingin naman siya roon. 

"Where are you going Boo?" tanong naman ni Vernon. 

"I will goes to gymnasium," nakangiting sabi ni Seungkwan at napailing-iling naman si Vernon sa kaniya. "Huwag ka kasi mag-english kapag kausap mo ko kasi mag-eenglish din ako, best quality pa naman ang english skills ko." 

"Ewan ko sa iyo," sabi naman ni Vernon at tinanggal niya iyong kamay niya sa balikat ni Seungkwan tapos pinindot niya ang ilong ni Seungkwan.

"Psh, lagi mo na lang ginaganoon ang ilong ko." Nagpout naman si Seungkwan at pinindot ulit ni Vernon ang ilong niya.

"Ang cute mo kasi," sabi ni Vernon at nag-iwas naman ng tingin si Seungkwan kasi pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo sa may pisngi niya. 

"S-Saan ka rin ba pupunta?" Patuloy pa rin sila sa paglalakad.

"Sa gymnasium nga. Fifill-up ako ng form," sagot naman ni Vernon.

"Sure ka na talaga sa Journalist club?" tanong ni Seungkwan at lumingon kay Vernon.

Tumango-tango naman si Vernon sa kaniya. "Yes a hundred percent sure." Bigla naman kumunot ang noo ni Vernon. "Hindi ba talaga bagay sa akin ang maging Journalist?" 

"Bagay naman hindi nga lang kasi talaga halata," sagot naman ni Seungkwan. "Pero may alam ka naman siguro sa Journalist?" tanong ulit ni Seungkwan.

"Yep kasi member din ako rati ng Journalist club no'ng highschool ako tapos sasali ako ulit ngayong college," sagot naman ni Vernon at napatango-tango naman si Seungkwan. 

"Anong gagawin mo sa Journalist? I mean 'di ba may mga feature writer, photographer or kung ano-ano pa," tanong naman ni Seungkwan. 

"Feature writer and minsan photographer kapag kailangan na talaga," sagot naman ni Vernon at napatango-tango ulit si Seungkwan. Papasok na sila ng gymnasium pero biglang may tumawag sa kanila kaya hinanap nila ang boses na iyon.

"Vernon!" Lumapit naman sila Woozi at Joshua sa kanila.

"Hyungs," sabi naman nila Vernon at Seungkwan at inintay nilang makalapit iyong dalawa.

"Fifill up din kayo?" tanong naman ni Woozi.

"Ako hindi ko alam kung magfifill up hyung kasi sabi ni Seok-hyung kahapon kahit huwag na lang pero pupuntahan ko sila ngayon sa gymnasium," sagot naman ni Seungkwan.

"What about you, Vernon? I saw that you wanted to join in Journalist club?" tanong naman ni Joshua kay Vernon.

"Yes Joshua-hyung." Ngumiti naman si Vernon at napatango-tango naman iyong dalawang nakakatanda.

"Tara na pasok na tayo," aya naman ni Seungkwan at pumasok na silang apat. Marami-rami ang tao sa gymnasium. Marami-rami ring stalls at pakulo ang mga club para sumali ang mga estudyante. 

"Punta na kami sa music club ah." Paalam ni Woozi at ngumiting tumango-tango naman iyong dalawa. Pagkaalis ng dalawa ay nilingon naman ni Seungkwan si Vernon. 

"Hindi ka pa pupunta sa Journalist club?" takang tanong ni Seungkwan.

"Paano ka?" Kumunot-noo naman si Seungkwan.

"Anong 'paano ka'?" tanong ni Seungkwan.

"Paano ka? Kasi maraming tao baka mawala ka," sagot naman ni Vernon.

Seventeen's homeWhere stories live. Discover now