13 guys
12 tenants
1 cute landlord
6 couples
Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay.
Start: May 24, 2020
Ending: ---- (On going)
"Shua hyung!" Bumaba naman si Seokmin at hinihinap niya si Joshua. "Na saan ba iyon?" takang tanong naman ni Seokmin. Nakita niya sa sala sila Mingyu at Minghao.
"GyuHao nakita niyo ba si Shua-Hyung?" Nagtataka naman tumingin si Mingyu at Minghao sa kaniya.
"GyuHao?" takang tanong ni Mingyu at kumunot-noo naman si Minghao sa kaniya.
"GyuHao, Mingyu at Minghao. Tinatamad akong banggitin ang pangalan niyong dalawa kaya pinagsama ko na lang," sabi naman ni Seokmin at tumango-tango na lang silang dalawa.
"Anong GyuHao?" Napatingin naman sila sa likuran ni Seokmin at tumingin din si Seokmin sa likuran niya. "Anong GyuHao Seokmin?" takang tanong ni Junhui.
Napabuga naman sa hangin si Seokmin. "Ieexplain ko ba ulit? GyuHao, pinagsamang Mingyu at Minghao oks na Junhui-hyung?" tanong naman ni Seokmin.
"Ang pangit naman mas maganda pa rin ang JunHao," nakangiting sabi ni Jun kay Minghao at napakunot-noo naman si Minghao sa kaniya.
"Bakit ka pala nakamask Seok?" takang tanong ni Minghao na para bang nilihis ang usapan tungkol sa JunHao.
"Trip ko lang naman," sagot ni Seok. "Teka nga na saan ba si Shua-hyung?" tanong ulit ni Seokmin at nagkibit-balikat naman ang tatlo. "Walang wenta rin pala ang pakikipag-usap ko sa inyo." Naglakad na si Seokmin sa labas at saktong nakita niya si Joshua na nakaupo sa kahoy na upuan.
"Shua-hyung!" Agad naman kumaripas nang takbo si Seokmin kay Joshua. Nagulat pa no'ng una si Joshua pero nagtaka rin sa pagsigaw ni Seokmin.
"Bakit Seok?" takang tanong ni Joshua at naupo naman sa tabi niya si Seokmin.
"Picture tayo," nakangiting sagot ni Seokmin.
"For. . what? " takang tanong ulit ni Joshua.
"Kasi gusto raw ng mga viewers slash fans ko na makita iyong picture nating dalawa kaya please na Shua-hyung." Pinagdikit naman ni Seokmin ang dalawa niyang palad.
"Okay let's go," nakangiting sabi ni Joshua at napangiti naman lalo si Seokmin.
"Yes! Tingnan mo nga naman pala parehas pa tayo nakamask." Nilabas ni Seokmin ang cellphone niya at nagpicture silang dalawa ni Joshua, dalawang shots lang. "Ayon salamat Shua-hyung," nakangiting sabi ni Seokmin at ngumiti lang din si Joshua sa kaniya.
Pinost naman agad ni Seokmin sa IG account niya iyong picture nilang dalawa ni Joshua at pumasok na ulit siya sa bahay.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
@seokshine18 posted a picture
seokshine18: Oo pogi si @hongjosh -hyung pero mas pogi pa rin ako 'di ba sunnies?
AFTERone hour na sa sala ngayon si Seokmin at kakatapos lang ng mention party niya sa twitter account niya. Napainat si Seokmin kasi para rin siyang naging keyboard warrior para lang maireply halos lahat ng fans niya.
"Seokmin-hyung dumami followers ko sa insta at twitter." Naupo sa tabi niya si Vernon.
"Weh? Ilan na followers mo ngayon?" takang tanong ni Seokmin. Tiningnan naman ni Vernon.
"Dati mga 3k lang tapos ngayon umabot na ng 6K ganoon din sa twitter," sagot naman ni Vernon. "At iyong mga nadagdag ay mga viewers mo," dagdag pa ni Vernon.
"Naks famouser na," nakangiting sabi ni Seokmin at natawa naman si Vernon sa kaniya.
"Seok!" Hinanap naman ni Seokmin ang tumawag sa guwapong pangalan niya. Nakita niya naman na pumasok si Joshua at lumapit sa kaniya.
"Most of your fans are now following me since you posted our selca in your Instagram." Joshua sat down beside Seokmin.
"Weh? Ilan na followers mo?" nakangiting tanong ni Seokmin.
"Nadagdag ng 3K+ ang followers ko," sagot naman ni Joshua.
"Woah nagiging famouser kayo ah," nakangiting sabi ni Seokmin.
Naupo rin sa sala si Jun at naghawak ng cellphone. "Junhui-hyung may nadagdag sa followers mo?" tanong naman ni Seokmin at tumang-tango lang naman si Jun, hindi man lang tumingin sa kanila.
"Bakit parang wala lang sa iyo?" takang tanong ni Joshua. Sasagot na sana si Jun pero nauna na si Vernon.
"Hulaan ko isasagot ni Junhui-hyung 'maliit na bagay lang iyon kasi sa guwapo kong ito ay marami talaga magfofollow sa akin' tama ba Junhui-hyung?" nakangiting tanong ni Vernon kay Junhui.
Nagulat naman si Junhui. "P-Paano mo nalaman?" takang tanong ni Junhui at mas lalong ngumiti si Vernon.
"Kilalang-kilala na kita Junhui-hyung masyado ka kasing mahangin," sabi ni Vernon at nawala na ang ngiti sa labi.
"Ang hangin naman pala talaga," tumango-tangong sabi ni Seokmin at si Joshua naman ay tumango-tango lang din. Binalik na nila iyong mga tingin sa cellphone nila at kinalimutan ang pagiging mahangin ni Junhui.
Bumaba naman si Dino at Seungkwan. "Mga hyung ano date ngayon?" tanong naman ng dalawa.
"Today is May 22," sagot naman ni Joshua. "Why?" tanong naman nito.
"Hala ka Seungkwan-hyung ngayon iyong labas ng test natin," gulat na sabi ni Dino kay Seungkwan at napahawak naman silang dalawa sa mga bibig nila.
"Weh ngayon?" tanong naman ni Jeonghan habang pababa ng hagdan.
"Saang site?" tanong naman ni Minghao.
"Sa site ng SNU Minghao-hyung," sagot naman ni Seungkwan. Agad naman tumabi si Seungkwan at Dino kay Minghao. Nakitingin na rin ang iba kay Minghao.
Sinearch naman agad ni Minghao sa Google iyong site ng SNU. Napapikit naman si Seungkwan at Dino.
"Yakapin niyo na lang kami kung hindi kami pasado," sabi naman ni Dino habang nakapikit.
"Sumigaw kayo kapag pasado kami," sabi naman ni Seungkwan habang nakapikit din.
Nakita naman nila agad at sisigaw na dapat sila pero pinatahimik sila ni Seokmin.
Naggesture si Seokmin na yakapin sila at sumang-ayon naman silang lahat. Pinigilan nila ang matawa at dahan-dahan nilang niyakap si Dino at Seungkwan. Pero si Jun ay pasimpleng yumakap kay Minghao at tinitigan naman siya ni Minghao nang masama kaya tinanggal ni Jun ang yakap kay Minghao.
Agad-agad naman nagmulat si Dino at Seungkwan. Pagkamulat nila ay agad silang sumigaw pero nakayakap pa rin sila kila Dino at Seungkwan.
"T-Teka pasado ba kami o hindi?" takang tanong ni Seungkwan.
"Both?" sabi naman ni Joshua at natawa silang lahat.
"Joke lang pasado kayo," nakangiting sabi ni Jeonghan.
"Weh?!" gulat na tanong ni Dino at Seungkwan. "Patingin!" Kinuha naman ni Seungkwan ang cellphone ni Minghao at nakitingin si Dino kay Seungkwan.
489 points si Seungkwan over 500 at si Dino naman ay 487 points naman si Dino. Ang pasadong points kasi ay 450 at nakapasa si Seungkwan at Dino kaya sure na mag-aaral sila SNU next month.
"Woah daebak!" sigaw ni Dino. "Pasado tayong dalawa Seungkwan-hyung!" Nakangiting sabi ni Dino at ngumiti rin si Seungkwan pabalik.
"Dahil pasado kayo, papadeliver tayo ng pagkain at ako na ang magbabayad," sabi naman ni Jeonghan at napasigaw silang lahat.