Pagkabigay ni Dino ng pera at pagkabigay ni Mingyu ng listahan ay agad umalis sila Vernon at Seungkwan. Sumakay na si Seungkwan sa passenger seat at sumakay na rin si Vernon sa passenger seat. Ito ang kauna-unahang beses na lalabas sila na silang dalawa lang.
Pero naisip ni Seungkwan na ito na rin ang time para maging close sila ni Vernon. Kaya tumingin siya rito at mukhang napansin ni Vernon na tumingin sa kaniya si Seungkwan kaya sinulyapan niya ito saglit, tumingin ulit sa daan.
"Why?" tanong naman ni Vernon habang nakatingins a daan.
"Ano birthmonth mo?" tanong naman ni Seungkwan at nanatiling nakatingin kay Vernon.
"February bakit?' tanong ulit ni Vernon. "Hindi ba magkasing edad lang tayo?" Sinulyapan niya ulit si Seungkwan.
"Yep pero mas matanda lang naman ako sa iyo ng isang buwan," sagot naman ni Seungkwan.
"Should I call you hyung?" takang tanong ni Vernon.
"Hindi na magkasing-edad lang naman tayo," sagot naman ni Seungkwan at tumingin din siya sa daan.
"Matanong ko lang bakit pala magfifirst year ka pa lang?" tanong naman ni Vernon.
"Hmm dahil nalate ako ng isang taon mag-aral," sagot naman ni Seungkwan. "Bakit mo pala natanong?" tanong ni Seungkwan.
"Wala naman akala ko katulad din kita," sagot naman ni Vernon.
"Na?" Tumingin naman ulit si Seungkwan kay Vernon.
"Na mahilig magcutting classes kaya hindi nakapasa last year," sabi naman ni Vernon.
"Ano? Mahilig magcutting classes?" tanong ni Seungkwan pero may halong konting gulat.
"Ah yep?" sabi naman ni Vernon. Napasimagot naman si Seungkwan at tumingin ulit sa daan. Sinulyapan naman ni Vernon si Seungkwan at nakita niya na nakasimagot ito. Kaya pinindot ni Vernon iyong ilong ni Seungkan na kinagulat ni Seungkwan.
"Bakit mo ginawa iyon?" gulat na tanong ni Seungkwan. Hindi niya na ineexpect na gagawin iyon ni Vernon kasi ngayon pa lang silang dalawa nakapag-usap ni Vernon pero wala naman kaso iyon, nakakagulat lang talaga.
"I'd always do that when someone is frowning, pouting or sometimes, I just feel that I want to do that," sagot naman ni Vernon.
"Kahit hindi mo kilala?" takang tanong ni Seungkwan.
"Hindi naman," sagot naman ni Vernon. "Bakit ka ba nakasimagot?" takang tanong naman ni Vernon.
"Hindi ko lang inaasahan na mahilig ka magcutting classes at hindi ka nakapasa last year dahil doon," sagot naman ni Seungkwan.
"Bakit naman?" tanong ulit ni Vernon.
"Hindi kasi, hindi ko lang inaasahan akala ko pa naman mala-anghel ka tapos mahilig ka pala magcutting classes," sagot naman ni Seungkwan at natawa naman si Vernon.
"Thank you for your compliment that I'm like an angel but no I'm not an angel." Ngumiti naman nang nakakaloko si Vernon.
"Aish, gagawin mo pa rin ba iyon ngayonng school year?" tanong ni Seungkwan at nagkibit-balikat naman si Vernon.
"Maybe?" Tumingin na lang si Seungkwan sa daan. Hindi niya alam bakit pero hindi niya pa rin malubos maisip na ganito pala si Vernon akala niya matalino ito at walang katarantaduhan pero mayroon pala.
Matapos ang ilang minuto ay pinark ni Vernon ang kotse niya sa may tapat ng supermarket at pagkatapos ay lumabas na silang dalawa ni Seungkwan.
Pagkapasok nila ay kumuha ng trolley si Seungkwan. Nakita niya naman na kumuha rin si Vernon ng trolley at basket.
"Bakit ka pa kumuha ng trolley?" takang tanong ni Seungkwan at pinakita naman ni Vernon ang listahan. Mula ulo hanggang balikat nito ang listahan na kinagulat naman ni Seungkwan.
"Ang dami naman niyan." Lumapit naman si Seungkwan kay Vernon para tingnan ang listahan.
"Ilan ba tayo sa bahay?" tanong naman ni Vernon.
"Thirteen," sagot naman ni Seungkwan.
"Kaya ganiyan karami." Kinuha na ni Vernon kay Seungkwan ang listahan at tinulak na nila ang mga trolley nila.
Si Vernon ang may hawak ng listahan kaya panay lagay lang siya sa trolley ni Seungkwan. Walang ginagawa si Seungkwan kasi panay tulak lang siya ng trolley. Kung minsan ay sinasalo niya pa ang mga binabato ni Vernon.
Aminin niya man o hindi pero naiirita siya sa ginagawa ni Vernon, puwede niya naman kasi ilagay nang maayos sa trolley pero kasi nga itong si Vernon ay hindi tumitingin sa kaniya, nakatingin lang ito sa listahan. Hindi man lang tinitingnan si Seungkwan na hirap na hirap sa pagsalo at paghabol ng mga binabato ni Vernon.
May binato na naman si Vernon sa kaniya muntik na sumapol sa mukha niya buti na lang at nasalo niya agad, padabog niya naman ito nilagay sa trolley niya. Aambahan niya dapat si Vernon pero biglang lumingon sa kaniya si Vernon at napahawak naman siya bigla sa batok niya.
"Sa tingin mo ilang tissues kailangan natin?" tanong naman ni Vernon sa kaniya. Simula kanina ay ngayon pa lang ulit siya nilingunan ni Vernon.
"Ah mga isang pack o dalawang pack," sagot naman ni Seungkan at napatango-tango sa kaniya si Vernon. Muling binalik ni Vernon ang tingin sa mga listahan at muling bumasangot si Seungkawan. Wala siyang magagawa kaya nagtulak na lang siya ulit ng trolley at sumalo ulit ng mga binabato ni Vernon.
Matapos naman ng halos isang oras na pagbibili ay na sa counter na sila na nagbabayad. Buti na lang at marami ang binigay na pera ni Dino kay Vernon kasi muntik ng kulangin sa dami ng mga binili nila.
Nagpatulong sila na ilagay iyong mga binili nila sa kotse. Pagkatapos ay sumakay na silang dalawa para umuwi.
"Kapagod ah," sabi naman ni Seungkwan at mas lalong sumandal.
Nakakapagod magsalo at magtulak.
"Oo nga," sabi naman ni Vernon at pinaandar na iyong kotse. Tahimik lang sila sa loob ng kotse na biglang may nakita sa labas si Seungkwan.
"Teka magpark ka roon!" Turo ni Seungkwan sa tapat ng isang ice cream parlor. Nagtataka man si Vernon ay pinark niya pa rin ang kotse sa tapat ng Baskin robbins.
"Bibili ka?" takang tanong ni Vernon.
"Hindi magshoshop lifting lang," sagot naman ni Seungkwan. "Malamang bibili ako." Lumabas naman siya ng kotse at sinilip si Vernon sa bintana.
"Gusto mo ba?" tanong naman ni Seungkwan.
"Libre ba?" tanong ni Vernon.
"Hindi puwede mo naman bayarin sa akin mamaya sa bahay," sagot ni Seungkwan.
"Huwag na lang," sagot naman ni Vernon at sumandal.
"Joke lang oo na libre ko na," sabi naman ni Seungkwan.
Kahit pinagod mo ako kanina kakasalo ng mga binabato mo.
"Talaga?" Bigla naman nagliwanang ang mukha ni Vernon.
"Oo ng kulit nito." Agad naman bumaba si Vernon ng kotse at pumasok na sila ni Seungkwan. Pumunta naman sila sa counter.
"Ano gusto mo?" tanong naman ni Seungkwan.
"French Vanilla," nakangiting sagot ni Vernon.
"Bilhan din kaya natin sila?" tanong ni Seungkwan.
"Sila? Iyong 11 lalaki na sa bahay?" takang tanong ni Vernon.
"Oo," tipid na sagot ni Seungkwan.
"Bahala ka pera mo naman iyan," sagot ni Vernon.
"Sige na nga bilhan na natin pero tanungin natin sa gc mga gusto nila," sabi ni Seungkwan at naupo muna sila ni Vernon. Magkatapat naman sila ni Vernon at nagchat naman si Seungkwan sa gc nila.

YOU ARE READING
Seventeen's home
Fanfiction13 guys 12 tenants 1 cute landlord 6 couples Dahil sa pagtira nila sa iisang bahay, hindi nila ineexpect na roon nila makikita iyong makakatuluyan nila habang buhay. Start: May 24, 2020 Ending: ---- (On going)