Chapter 3

274 20 0
                                    

• • •

Can I hit on you?

So far, I can say that I'm doing well in my new school. May matatawag na akong kaibigan sa iilang subjects ko. Hindi naman ako nahirapan sa pakikipaglapit dahil maliban sa mababait sila, mabilis rin akong maging komportable sa kanila. Hindi pa ako masyadong nakakapag-adjust pero sa palagay ko naman, masasanay rin ako. Minsan lang talaga ay hindi ko maiwasang ilibot ang tingin ko at umaasang may makikitang babae pero wala talaga. Walang naliligaw.

Napanguso ako sa naisip ko.

"Ayos ka lang?" Si Grant na nasa tabi ko. Tinignan ko siya at tinanguan.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon, bumibili ng makakain. Nakuha na niya ang order niya. Hinihintay na lang niya akong matapos.

Nang makuha ang pagkain ko ay sabay na kaming naglakad papunta sa mga upuan para maghanap ng pwesto.

"Bryll!" Napatingin ako kila Sian ng marinig ang boses niya. Napangisi ako ng makitang may pwesto roon. Tinapunan ko ng tingin si Grant at sinenyasang sumunod sa 'kin patungo kila Sian. Nakatutok ang paningin nila ngayon sa kasama ko.

"Kasama mo pala si President," si Kent na namamanghang nakatingin kay Grant.

Mukhang ngayon pa lang nila akong nakita na kasama si Grant.

"Close kayo?" Masayang tanong ni Sian.

Tinanguan ko siya. "Magkaibigan kami. This is Grant Cabrion," pagpapakilala ko kahit mukhang kilala na nila siya.

Nilingon ko si Grant na tahimik ng kumakain. Bahagya ko siyang siniko para maagaw ang atensiyon niya.

"Sila Sian, Gian at Kent. Kakilala ko sa ibang subjects," pagpapakilala ko.

Walang emosyon niyang tinapunan sila ng tingin isa-isa. Tipid ang ngiting ibinigay nina Kent ng makitang seryoso lang na nakatingin si Grant. Habang si Sian ay nagawa pang kumaway.

"Hello!" Masiglang bati niya. Tinanguan siya ni Grant at bumalik rin sa pag-kain.

"This is amazing! Ang tagal ko na rito pero ngayon pa lang kita nakita ng malapitan at nakausap," excited na sabi niya bago binalingan ako ng tingin. "Matagal na kayong magkaibigan?"

"Yup. Magkababata kami actually," sagot ko.

"Talaga?! Akala ko wala siyang kaibigan. Acquaintance lang kasi ang turing niya sa mga estudyante rito na nakakausap niya. Wala iyang pinapakilala bilang kaibigan niya," amaze na sabi niya na parang wala si Grant sa harapan niya. Kita ko ang pagsiko ni Kent sa kaniya at ang pagtingin nito kay Grant na patuloy lang na kumakain.

"Hindi ko pa kasi siya masyadong nakikipag-usap sa mga estudyante rito. Kapag lang may binabawal at pinagagalitan," dugtong niya habang nagtatakang nakatingin sa ginagawa ni Kent.

"Wala talagang filter iyang bunganga mo," iling nito.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah? Hindi ba takot kayo sa kaniya kasi lagi siyang seryoso at masama ang tingin?" Pagpapatuloy niya kahit pinapahinto siya ng dalawa.

Natawa ako sa reaksiyon nila. Para silang kuting na tahimik na nakaupo habang tinitignan ang reaksiyon ni Grant.

Ganoon sila katakot sa kaniya?

"Siraulo ka talaga," gigil na bulong nila.

"Bakit?"

I'm not really sure if he's just too slow or too innocent. Or both. Natawa ako sa isipang iyon.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon