Chapter 24

164 12 0
                                    

• • •

"Hindi ka pa ba nalunod diyan ah?!" Malakas kong bulyaw kay Grant na nasa banyo.

Nasa bahay nila ako ngayon. Balak naming tapusin 'yung project namin sa philosophy bago pumuntang school mamaya. May practice kami kaya kailangan naming magmadali sa pagtapos no'ng project. Hinihintay ko si Grant na matapos sa pagligo niya. Hindi pa naman siya matagal pero naiinip na ako.

"I can breath underwater, don't worry!" Sigaw niya mula sa banyo.


Mahina akong natawa. Medyo nagkakaroon na siya ng sense of humor ngayon. Naisipan kong maglaro na lang muna ng video game ng mahagip ng tingin ko ang controller sa gilid.

Nang matapos kong iset-up, bumalik ako mula sa pagkakaupo sa kama niya at namili ng pwedeng laruin.

Nage-enjoy na 'ko ng marinig kong bumukas ang pinto mula sa banyo.

"Tatapusin ko lang 'to," mabilis kong sabi habang nakatutok sa screen. I want to break the highest score.

"Akala ko ba nagmamadali ka?" Gumalaw ang kama ng maupo siya.

Hindi ko siya sinagot at nagpokus sa paglalaro.

"We need to start now, Bryll. Dalawang oras na lang ang meron tayo, hindi natin 'to matatapos kung maglalaro ka muna."

"Pwedeng mamaya na lang pagkauwi natin," suhestiyon ko.

"No," mabilis niyang sabi na hindi ko pinansin. I want to focus on the game!

"Bryll--"

"Oo, wait lang promise," mabilis kong sabi habang nakatutok sa screen.

Nagbuntong hininga siya mula sa likod ko. "Pause it. Ituloy mo na lang mamayang pag uwi natin."

"Saglit lang 'to promise."

"Bryll" nagbabanta niyang tawag.

"Sandali lang nga kasi. Malapit ko ng ma-beat iyong highest score oh!" Sabi ko, ginaganahan na. "Tumahimik ka nga muna! Kapag ako namatay dito, kasalanan mo!"

Marahas siyang bumuga ng hangin. "Hindi ka talaga titigil?"

Hindi ko siya sinagot. Wala rin naman siyang magagawa kung hindi ang maghintay hanggang matapos ako.

Or so I thought.

Pinilit kong magpokus kahit na naramdaman ko na ang init ng katawan niya sa may likuran ko. Lumubog ang kama sa likuran ko ng umupo siya roon. Bahagya akong natumba patalikod ng mawalan ng balanse. Nalaman kong sobrang lapit niya sa 'kin dahil napasandal ako sa dibdib niya. Pinilit kong umayos ng pagkakaupo at pinanatili ang mata sa screen.

"Doon ka muna Grant," seryoso kong sabi. Hindi siya nakinig. Mas lumapit pa siya sa 'kin.

"Grant!" Natataranta kong sabi nang muntikan na akong mamatay sa game. Paano ba naman kasi, ipinaghiwalay niya ang hita niya dahilan para makulong ako sa gitna.

"Sh*t! Malapit na!" Natataranta kong sabi ng makita ang score.

"Kanina pa iyang malapit mo," bulong niya sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko sa sobrang lapit niya. Pinilit ko pa ring magpokus kahit lumilipad na ang utak ko papunta sa kaniya.

"Okay, fine. Let's stay like this."

Tuluyan na akong na-out ng iniyakap niya ang dalawang braso sa tiyan ko. Gigil kong hinawakan ang braso niyang nakayakap sa 'kin at inalis. Tumayo ako at hinarap siya.

"Nakakairita ka alam mo iyon? Malapit ko nang malagpasan, e!"

"It's okay. Pwede mo pa rin namang subukan. Upo ka ulit," sabi niya at tinapik ang inuupuan ko kanina, sa harap niya.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon