• • •
Hindi ako nakagalaw. Naestatwa ako habang blankong nakatingin sa mukha niyang sobrang lapit sa akin. Ilang saglit pa bago ako nakalayo. Napahakbang ako ng ilang beses paatras. Nanatili naman siya sa pwesto niya habang tulala. Gulat din siya at hindi inasahan ang nangyari.
"W-What..."
Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko. Sa parte kung nasaan ang puso ko. Rinig ko ang paghaharumento no'n, halos lumabas na sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok.
"Bryll--"
"Let's go home," natataranta kong sabi bago siya tinalikuran at naunang naglakad paalis.
Naguguluhan ako at hindi pa masyadong nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari. Tahimik kaming dalawa habang nasa byahe. Alam kong gusto niya akong kausapin dahil napapansin ko ang palagian niyang pagsulyap sa 'kin.
Hindi ko siya nilingon at inabala ang paningin sa ibang bagay, kahit noong naglalakad na kami sa kanto. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
"Una na ako," paalam ko ng mapansing nasa kanto na ako papunta sa 'min.
"Hatid na kita."
Agad akong umiling ng hindi siya tinitignan. Gusto kong umuwi mag isa ngayon!
"Huwag na--"
"Ihahatid kita," mariin niyang sabi. Hindi ako nakaangal lalo na noong narinig ko ang pinalidad sa boses niya.
Hindi na ako kumontra at hinayaan siya. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa 'min. Rinig ko ang mabigat niyang pagbuntong hininga. Gusto ko siyang lingunin pero pinigilan ko ang sarili ko.
Why am I so affected by that? Aksidente lang naman ang nangyari!
"Did we, uh... passed?" Nagdadalawang isip niyang tanong. I know he knows the answer. Gusto niya lang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
Tinanguan ko siya ng hindi lumilingon sa kaniya. Tumahimik ulit kami pagkatapos no'n. Hindi na ulit nag usap hanggang sa makarating ako sa bahay namin.
Doon lang ako nagkalakas ng loob para tignan siya. Nananantya ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. Tinakpan niya iyon sa pamamagitan ng pagngiti ng nilingon ko siya.
"Pasok na ako," paalam ko. Nakita ko pa ang pagpawi ng ngiti sa labi niya bago tuluyang tumalikod.
Narinig ko ang pagsinghap niya.
"Bryll, wait. About the--"
"It's okay. Wala lang sa 'kin iyon-- aksidente lang iyon. Don't take it seriously," mabilis kong pigil sa sasabihin niya, pilit kinukumbinsi ang sarili.
"No, it's not," napaharap ako sa kaniya ng higitin niya ako. "I will court you."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Seryoso siya habang nakatingin sa 'kin.
Kabado akong tumawa. "You don't need to do that. It's just nothing... for me," bumagal ang pagsasalita ko ng makita ang sakit sa mga mata niya. "I mean, it's just an accident. Kung gagawin mo iyan dahil lang sa nangyari kanina, hindi na kailangan."
Inilingan niya ako. "I admit it has something to do with that accidental kiss, but it's not what you think it is. It made me realized that I don't want to be just your friend. I want more than that. Ayokong manahimik at hintayin kang mahulog sa lalaking iyon kung alam kong may pag asa pa rin ako kahit paano. So please... give me a chance."
Hindi ako nakasagot. Wala sa sarili kong nakagat ang ibabang labi ko. Itinigil ko iyon ng maalala ang nangyari kanina. Nakaramdam ako ng panibagong kaba ng humakbang siya palapit sa 'kin. I can feel his body heat because he is too near. Awang ang labi ko siyang tiningala.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
किशोर उपन्यासHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...