• • •
"What happened?" Nag-aalala niyang sabi. Hindi ako nakasagot. Nanginginig ang labi ko, maging ang mga tuhod ko. Pinunasan ko ang mata ko ng manlabo iyon dahil sa luha.
Marahan akong inalis ni Grant palayo sa pinto. Kita ko ang pagbaling niya sa loob. Bumalik ang panlilisik sa mata niya ng makita si Russel na nakatayo malapit sa pinto. Pilit nitong itinatago ang kaba kahit na halata iyon sa mata niya.
Walang sabi-sabing naglakad si Grant papasok, palapit sa kaniya. Hinigit niya ang damit ni Russel bago tuluyang sinuntok ng malakas.
"What did you fucking do huh?!" Galit na sigaw niya habang patuloy niyang sinusuntok si Russel na napaupo na ngayon sa sahig.
Hindi ko siya nagawang pigilan, walang salitang lumalabas sa bibig ko. Isa pang dahilan, wala rin akong balak na pigilan siya. Kung hindi lang ako nanlalambot ngayon, baka ako ang nasa posisyon ni Grant. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o ano noong dumating si Syd at pinigilan si Grant.
"Tama na, pre-- shit! Baka mapatay mo siya!" Kabadong sabi ni Syd na makita ang hitsura ni Russel. Pilit niyang inilayo si Grant kay Russel at pumagitna sa dalawa.
Habol ni Grant ang hininga niya habang galit na pinupukulan ng tingin si Russel. Lumapit siya sa 'kin ng makita akong tahimik na nakatingin sa kanila. Iniyakap niya ang isa niyang braso sa balikat ko at iginiya palayo sa lugar na iyon.
"Let's go home."
Tahimik kaming dalawa habang pauwi. Ramdam ko pa rin ang galit niya hanggang ngayon. Umiigting ang ugat niya sa braso sa sorbrang pagpipigil ng galit. Ramdam ko iyon dahil nakaakbay ang isa niyang kamay sa balikat ko. Nakatulong iyon dahil gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ako nagsalita noong mapansing papunta kami sa bahay nila.
"Kaya mo bang pumunta sa banyo at magbihis?" Marahan niyang tanong sa 'kin na tinanguan ko. Iyan ang pinakaunang gusto kong gawin sa ngayon.
Naligo ako sa banyo niya. Nagtagal ako dahil ilang beses kong sinabunan ang parte kung saan ako hinalikan ni Russel kanina. Maging ang labi ko ay hindi ko pinalagpas. Halos mamanhid na iyon sa ilang beses kong pagkuskos gamit ang kamay ko.
Lumabas na rin ako pagkatapos. Suot ang short at damit na ipinahiram sa 'kin ni Grant. Nakita ko siyang tulalang nakatingin sa sahig at nakaupo sa bandang ilalim ng kama niya. Tinignan niya ako ng marinig ang paglabas ko mula sa banyo. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Naglakad ako papunta sa gilid ng kama niya at doon naupo. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Nananantya ang mata niya habang nakatingin sa 'kin.
"Are you okay?" Marahang tanong niya, tunog naninimbang.
"I feel awful... and disgusting," napamura ako sa utak ko ng maramdaman ang pag iinit ulit ng mata ko. Ayoko nang balikan ang kung ano pa mang nagyari kanina. Masyado nang nakaka-trauma.
Nakita ko ang paghigpit ng kamay niya na nakahawak sa kama. Nagtatagis din ang bagang niya noong tinignan ko siya sa mukha.
"What did he do?" Mahina at mariing tanong niya.
Inilingan ko siya at umiwas ng tingin. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang nangyari. Maliban sa nandidiri ako, nahihiya rin ako sa kaniya.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko, pinaharap niya ako sa kaniya. Mataman niyang tinitigan ang mukha ko. Nagbuntong hininga rin kalaunan.
"I don't like the idea of you, feeling disgusted on yourself. It is not your fault, Bryll. You don't want that to happen," marahan niyang sabi. "Please, do not pity yourself."
"Hindi ko alam kung magagawa kong kalimutan iyon ng ganoon kadali. I already felt traumatic the first time it happened. Pinaalala ng nangyari ngayon ang naramdaman ko noon."

BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Fiksi RemajaHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...