• • •
"Magpapalit ka na?"
Tanong ko sa tatlo nang makita silang palabas na nang room. Dala dala ni Kent ang jersey niya.
"Oo, una na kami."
"Sandali lang! Hintayin niyo 'ko, sasabay ako." Mabilis kong kinuha ang paperbag na may dalang damit at short.
"Himala," natatawang puna ni Sian ng makalapit ako sa kanila. "Hindi kayo sabay ni Grant?" Panunudyo niya.
Pinaikot ko ang mata ko bago naglakad. Here we go again.
"Kailangan ba lagi kaming magsabay?" Kalmado kong sabi.
Umakto siyang nagulat. "Hindi ba? Akala ko plinano niyong dalawa na dapat lagi kayong magkasama."
Tumahimik ako para wala na siyang masabi. But knowing Sian, kahit siguro estatwa kakausapin pa niya.
"Kayo na ba ah?"
Kinabahan ako sa tanong niya. Bakit bigla siyang magtatanong ng gano'n? Alam ba niyang nanliligaw si Grant?
"Lagi kayong may sariling mundo nitong nakaraang mga araw. Hindi na nga namin kayo masyadong nakikita tuwing break time. Saan kayo pumupunta ah? May tinatago kayo ano?" Naniningkit ang matang tanong niya.
Napaubo ako sa sinabi niya. "Diyan-diyan lang."
"Saang diyan-diyan la--"
"Bakit ka ba nandito Sian? Sasama ka? Hindi ka naman nakasali ah, manonood ka?" Pambibwisit ko para tumigil na siya.
Tinignan niya ako ng masama. "Para sabihin ko sa 'yo. Sinadya ko talagang hindi galingan para makapasok ka! Nag-give way lang ako!" Halos pagmamaktol na sabi niya.
Tinawanan ko siya at binilisan ang lakad para makasabay sina Kent at Gian. Mas gugustuhin ko pang samahan mga iyon kaysa sa bungangerong 'to.
"Talo si Dale," bulong sa 'kin ni Sian ng sundan niya ako. Hindi ba talaga siya matatapos?!
"Ano naman binubulong-bulong mo diyan?" Inis kong sabi.
"Sigurado ka ba talagang gusto mo si Dale? Paano kung feeling mo lang talaga iyon? Sa palagay ko kasi naimpluwensyahan ka lang ng mga panunukso namin."
"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo noon na sigurado ako? Bakit ba tanong ka ng tanong?" Pagod nang sabi ko.
"Para sa 'kin kasi, kung talagang gusto mo si Dale, dapat siya ang kasa-kasama mo ngayon. Hindi si Grant," paliwanag niya.
Inis ko siyang binalingan ng tingin. Bakit ba parang mas marami pa siyang alam kaysa sa 'kin?
"Sinabi ko na sa 'yo, ayaw kong lapitan si Dale dahil ayokong--"
"Ayaw mong masaktan si Grant?" Hibang siyang tumawa. "Bryll, kung talagang gusto mo si Dale, walang makakapigil sa 'yo na lumapit sa kaniya. Hindi ka mapipigilan niyang sinasabi mong mararamdaman ni Grant. Kung talagang gusto mo iyong isa, kahit alam mong may masasaktan, hindi ka hihinto dahil iyon ang gusto mong gawin."
"Anong gusto mong palabasin?!" Inis kong tanong.
Napabaling sa banda namin sila Kent at Gian. Napalakas kasi ang boses ko kaya paniguradong narinig nila.
"Anong meron?"
"Sinasabi ko lang kay Bryll ang napapansin ko," paliwanang ni Sian.
Napatingin sa 'kin ang dalawa. "Ah, iyong tungkol kay Grant?"
Kunot noo ko silang tinignan. Nakita siguro ni Sian ang kalituhan ko sa tanong ni Kent kaya agad siyang nagsalita.
"Sinabi ko sa kanila iyong napag usapan natin sa room."
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...