PROLOGUE

765 23 0
                                    

• • •

"Bryll."


Itinigil ko ang paghalik sa leeg ng babaeng katabi ko nang marinig ang tawag ng kaibigan kong si Grant. I tilted my head and looked at him. Halata ang pagkadisgusto niya sa lugar na kinalalagyan namin ngayon.

"Buti naman at naisipan mong pumunta? Akala ko aabandunahin mo na 'ko dito, pre," sabi ko habang hinahaplos ang baywang ng katabi ko. Narinig ko itong bumungisngis at bumulong sa may taenga ko.

"Who is he?" Tanong niya habang mapang-akit na tinitignan si Grant, na walang emosyong nakatingin sa 'min.

Nginitian ko siya. "You can leave us now, babe. Thanks for your company."

Kita ko ang pagkadismaya niya sa sinabi ko pero hindi siya nagreklamo at tahimik nalang na umalis.

"Dito ka, pre," tawag ko at inialok ang pwestong inupuan kanina ng babae. Pinakatitigan niya iyon bago umupo sa kabilang banda ko.

"Gross," maikling turan niya na ikinailing ko. "Umuwi na tayo, baka hinahanap ka na sa inyo."

Napangiwi ako. "No way! It's not everyday that I can go here freely. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito para magsaya!"

Inabot ko ang inuming inorder ko kanina pa at nilagok. Kasalukuyan kaming nasa isang bar ngayon. I called him as soon as I get here knowing the fact that he's probably still in his class.

"Kailan ka ba madadala?" Tanong niya na sinagot ko ng tawa.

"Oh come on, don't start. I want to have fun tonight. Hindi mangyayari iyon kung magtatanong ka nang magtatanong," medyo asar na sabi ko. Tinignan niya lamang ako. "Ngayon lang 'to kaya huwag kang kj diyan. Look at our surrounding. Masuwerte tayo dahil maraming magagandang babae ngayon na handang gawin lahat ng ipang-uutos natin." Itinuro ko pa sa kaniya ang dancefloor. Kumindat ako ng namataan ang tingin ng isang babae sa 'kin.

"Shut it. You know I am not into that."

Tinawanan ko siya at binawasan ang inuming hawak ko. Medyo umaalon na ang paningin ko pero ayos pa naman. Hindi ako mabilis malasing pero hindi rin naman ganoon ka-lakas ang alcohol tolerance ko. Kumbaga sakto lang.

"You finished all of this?" Turan niya sa mga boteng nakakalat sa lamesa at walang laman. 

Nginisian ko siya. Pagod ang tinging iginawad niya sa 'kin bago umiling. 

"Tss. No wonder," komento niya at kumuha ng isang inumin na hindi pa nabubuksan.

Kaagad akong naghingi ulit ng inumin ng makita iyon. Tinignan ko ang reaksiyon niya habang sinusubukang uminom.

"Not bad for a first timer," ngising komento ko ng wala siyang ibinigay na reaksiyon.

"This drink sucks. How can you enjoy this piece of shit?" Panlalait niya na tinawanan ko.Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at uminom sa bote.

"Nagsumbong ba si mama sa 'yo?" Tanong ko ilang sandali pagkatapos sumandal.

"Yeah," sagot niya pagkatapos uminom ng kaunti. "Nakick-out ka na naman daw sa school ng dahil sa babae."

"I didn't started it. Kasalanan ko bang masyado akong gwapo at friendly kaya nagkagusto sa 'kin 'yung girlfriend niya?" Ngisi ko.

"Nakipagmake-out ka raw," malamig na sabi niya.

"She initiated it."

"But still, pinatulan mo."

"Woah, woah. Easy there, bro. You sounds like my mother. It's disgusting," sabi ko.

Ilang saglit siyang natahimik. "Hindi naman sila mag aalala kung kaya mong ipagtanggol ang sarili mo."

"Hey! I know how to handle myself well. What are you talking about?" Apila ko sa sinabi niya. 

Tamad niya akong nginisian. "Really? Kaya pala nahimatay ka kaagad ng masuntok ka nung lalaki," nanunuyang sabi niya.

Hindi ko siya sinagot at uminom na lang. Pahiya ako roon, pre. Nang makitang ubos na ang iniinom ko ay kumuha ulit ako ng panibago.

"Anong plano mo ngayon? Saan ka lilipat ng school?" Tanong niya na ikinangisi ko.

"Sa school kung saan hindi mo ako mami-miss," biro ko. Ilang minuto siyang tumitig sa 'kin habang nakakunot ang noo. "Papasok ako sa school niyo."

"What?! Why?!" Gulantang na tanong niya.

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Ayaw mo no'n? Magkasama na tayo." Sabi ko. "At isa pa, si mama ang pumili ng school."

Grant was enrolled in an all boys school reason why my mother wants me to study there. Para daw makaiwas sa babae. Like what she'd said and I quoted 'No Girls, No Trouble'.

"You can't go there, Brent. Tell auntie to choose other school," mariin niyang sabi.

"I don't want it at first, but looking at your reaction right now, it makes me curious."

Mabilisan siyang lumagok sa inumin. "That school is not for you."

"You're offending me. What do you mean by that?" Hindi siya sumagot. Sa halip ay bumuga ng marahas na hangin. "You know what. Let's drop the topic. Ang mabuti pa, makisaya tayo sa mga taong naroon" turo ko sa mga tao sa dancefloor at agarang tumayo.

Seems like the alcohol only affects me by now. Umikot kaagad ang paningin ko pagkatayo ko. Grant immediately hold my arm and back when he saw it.

"Are you okay?" 

Hinilot ko ang sentido ko para maibsan ng kaunti ang sakit na nararamdaman.

"Para akong lumulutang," sabi ko habang tumatawa.

"Let's just stay here." 


Umiling ako sa sinabi niya kaya mas lalo akong nahilo, pero hindi nagpatigil sa gusto. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa 'kin at dumiretso sa dancefloor kahit hirap na sa paglalakad. Grant is on my back, guiding me.

I started banging my head when we reached the dancefloor, following the beat of the music. Ilang babae ang lumapit at nakipagsayaw sa akin. We tried to talk even when the music is too loud. Magtatawanan sa tuwing hindi kami nagkakarinigan.

I am talking with someone when the other girl grabbed me by my nape and kissed me on the lips. Instead of stopping her, I returned the kiss.

Yet a sudden force stopped me. Napahawak ako sa ulo sa labis na pagkakahilo ng may marahas na humila sa 'kin. I laughed when I saw Grant's angry yet blurred face.

"Shit. Too Much alcohol," natatawang sabi ko. Hindi ko ma-pokus ang paningin ko kaya ipinikit ko iyon saglit.


I am trying to gain my consciousness when someone pulled me again. But this time, something soft was pressed on my lips.


------

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT :)

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon