Chapter 30

215 12 0
                                    

• • •

"Nasa'n siya?" Hinihingal na tanong ko kay Syd ng makita siyang palabas ng bahay ni Grant. Bahagya pa siyang napatalon ng magsalita ako.

"Kausap pa lang kita kanina-" tumigil siya at umiling. "Nasa kwarto, wala pa ring malay. Ginamot ko na ang mga sugat niya--"

Hindi ko tinapos ang sinasabi niya. Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay at nagmamadaling tinungo ang kwarto niya.

Nanghina ako ng makita siyang walang malay habang nakahiga sa kama niya. May ilang sugat siya sa pisngi at hiwa sa labi. May bandage rin malapit sa ulo niya na mukhang nilagay ni Syd.

Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang kamay niya.

"G-grant..." bahagya kong pinisil ang kamay niya habang pinagmamasdan siyang walang malay.

"Hindi siya nakalaban dahil lasing siya. Pauwi na kami nang mangyari ang nangyari. Iniwan ko lang siya saglit sa labas dahil nakalimutan ko ang phone ko. Pagbalik ko, nakita ko na lang siyang pinagtutulungan ng mga siraulong lalaki." Si Syd na mukhang sinundan ako pabalik.

Marahan kong hinaplos ang mga sugat niya sa mukha gamit ang isa kong kamay. Ilang butil ng luha ang umagos sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Palagay ko, iyong mga nakaaway ko noon ang gumawa nito sa kaniya.

"I'm so sorry. This is all my fault!" Hindi ko napigilan ang hikbing kumawala sa bibig ko. "Hindi sana mangyayari 'to kung hindi lang ako nagpakasiraulo noon. Pasensiya ka na, Grant. Sorry kung nalagay ka sa sitwasyong ito dahil sa 'kin. Patawarin mo ako kung napapahamak ka nang dahil sa 'kin."

I hold his hand with my two shaking hands and placed it on my lips. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinaplisan ng marahang halik ang likod ng kamay niya.

"I am here now, Grant. So please, wake up. I'm not planning to leave your side again. I'm so sorry for ignoring you. I'm so sorry if I'm hurting you." Garalgal na sabi ko habang nakapikit, sising-sisi sa mga ginawa at pinakita ko sa mga nagdaang araw.

"Uh. I think I need to go. Bye." Hindi ko pinansin ang nagsalitang si Syd, kahit noong marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Iminulat ko ang mata ko at tinignan si Grant. Para akong sinasaksak habang nakikita siyang maputla at walang malay sa harap ko. Ang sakit na makita siyang ganito nang dahil sa kagaguhang pinanggaga-gawa ko noon. Nadamay siya sa mga gulong napasukan ko.

Iniwan ko ang kamay niya at niyakap siya habang nakaupo sa gilid niya. Isiniksik ko ang mukha ko sa balikat niya.

"I'm so sorry for everything. I'm so sorry for not giving you a chance. I'm so sorry for judging you quickly," Sising-sising sabi ko. "Please... please, wake up now. I promise, I'll treat you better. Hinding-hindi na ako gagawa nang bagay na pwedeng makasakit sa 'yo kaya pakiusap, gumising ka. Hindi ko kaya kapag nawala ka sa 'kin, Grant." Hikbi ko habang yakap siya. I don't want to hide my feelings anymore.

"I don't know if it's already too late but I want you to know that I love you too, Grant. I love you more than a friend too. It takes a while before I realized that but I'm willing to expend my everydays to make you feel how much I love you--"

Napahinto ako sa pagsasalita ng maramdamang gumalaw siya. Mabilis akong lumayo mula sa pagkakayakap ko sa kaniya at tinignan kung gising na ba siya. Nakaramdam ako ng kaginhawaan noong makitang hindi ako nag-iilusyon nang maramdaman siyang gumalaw. I bit my lower lip while letting my tears flow freely down my cheeks.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon