Chapter 20

177 14 0
                                    

• • •

Hindi niya agad ako nalingon. Nang tuluyang makilala ang boses ko, umayos siya mula sa pagkakaupo niya at tumingin sa 'kin. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

"Bryll," gulat niyang sabi. "Why are you here?"

Hindi ko muna siya sinagot. Niluwangan ko ang pagkakabukas ko sa pinto para makapasok ako ng tuluyan. Bahagya ko iyong isinara bago tuluyang lumingon sa kaniya.

"I want us to talk," buong tapang kong sabi at naglakad palapit sa kaniya.

Tumayo siya ng mapansin ang ginagawa kong paglapit. Huminto ako ng makita siyang naglakad palapit sa pinto.

"This is not the right time to talk about that. We need to go to the Gym."

Mabilis akong naglakad palapit sa pinto at sumandal doon para mapigilan siya sa akmang paglabas. He instantly towered over me when he got nearer. Ngayon lang ako na-conscious sa katangkaran niya. Kinailangan ko pang tumingala para makausap siya ng maayos.

"Sa mga pinagsasa-sabi mo kanina, hindi halatang may balak kang pumunta ro'n."

"Nagpahinga lang ako saglit," pagdadahilan niya na ikinaismid ko.

"I am so done with your excuses. Will you stop avoiding me and talk to me instead?" Pakiusap ko sa kaniya. "Ano? Mananatili na lang ba talaga tayong ganito? Mag-iiwasan na lang tayo simula ngayon?"

"I should be the one asking you that," mahinang sabi niya ng hindi nakatingin sa 'kin.

And I should be the one doing the 'avoiding' and 'ignoring'.

Gusto kong sabihin iyon pero pinigilan ko ang sarili. Pumunta ako rito para magkaayos kami, hindi para gumawa pa ng dahilan na maaari pa naming pagtalunan.

"Then why aren't you asking me? Why do you keep avoiding me?"

"I am not avoiding you," kaila niya.

"Really? Kaya pala umalis ka kanina noong lumapit ako sa inyo," nanunuya kong sabi.

Hindi siya sumagot.

"I didn't know you're a coward," pang iinsulto ko. Hindi ko gustong sabihin iyon pero kung iyon ang mag-uudyok sa kaniya para magsalita, sasabihin ko. Ine-expect kong magagalit o maiinis siya pero sa halip, sakit ang nakita ko sa mga mata niya.

"Is it my fault if I can't stay there after seeing you eating and talking with the guy you like? After I finally decided to stay with you just like before, I saw you eating happily with him."

Hindi ako nakakibo. Ibig niyang sabihin hindi siya sumama kanina kila Sian dahil wala ako? Kung hindi dahil balak na niyang makipag ayos?

"You know that I love you, Bryll. You must think that it's hard for me to see you with him," mahina niyang tuloy.

Bigo ko siyang tinignan. "Do you want me to avoid him?"

He gave me a small smile. "My answer doesn't matter," sa halip ay sagot niya. Para na rin niyang sinabing oo.

Napabuntong hininga ako. "Pumunta ako rito para makipag ayos sa 'yo. I don't want to end our friendship so please... cooperate," halos pagmamakaawa ko ng sabi.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon