• • •
"Bakit? Hindi rin naman malabo ah? Iyon lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ka galit sa kaniya. Kung hindi siguro tayo dito nag-aaral, iisipin kong babae ang dahilan ng away niyo pero hindi, malabo 'yon dito," depensa ko ng makita ang reaksyon niya sa sinabi ko.
"I am straight just like you, Bryll. Kaya imposible iyang sinasabi mo."
Napaubo ako ng wala sa oras sa sinabi niya. Oo nga pala, nasabi ko sa kaniya noon na straight ako. Hindi niya alam na medyo tumabingi na ako ngayon dahil sa kaniya.
Tumikhim ako. "Bakit ka galit sa kaniya, kung gano'n?"
"Kapatid siya ng stepmom ko."
Napatanga ako. "Ibig sabihin, tiyuhin mo siya?!" Hindi makapaniwala kong tanong.
Tinanguan niya ako.
"Oh tapos? Bakit galit ka sa kaniya?"
"Ikaw? Bakit parang galit ka rin sa kaniya?" Balik na tanong niya sa 'kin.
"Medyo ano, nababastusan kasi ako sa kaniya," ngiwing amin ko. Takte, para akong babae. "Sigurado naman akong hindi iyon ang dahilan mo."
Marahas siyang bumuga ng hangin. "Hindi lang naman ako sa kaniya galit, pati rin sa kapatid niya, na stepmother ko."
Nangunot ang noo ko. "Bakit ka naman galit sa kanila?"
Umiling siya sa 'kin. "Hindi mo na kailangang malaman. Hindi mo naman ako maiintindihan."
"Try me, then. Hindi mo naman malalamang hindi kita maiintindihan kung hindi mo susubukan," udyok ko.
"I feel like an outcast in our own house because of them."
Hindi ako agad sumagot sa sinabi niya. Naghihintay ako kung may idadagdag pa siya.
"And?" Sabi ko ng hindi na siya nagsalita.
"Iyon lang," maikling sabi niya ng hindi ako nililingon.
"I don't believe you," amin ko.
Tinignan niya ako ng masama. "You think I'm lying?"
"Hindi sa gano'n. Sa palagay ko, hindi lang iyon ang dahilan mo. Mayroon pa maliban do'n."
Napatunayan kong tama ako ng umiwas siya ng tingin at hindi umimik.
"You don't accept them as your new family. More on, hindi mo gustong palitan ng papa mo ang mama mo," hula ko.
"No," tanggi niya. "Walang problema sa 'kin kung mag-asawa ng bago si Papa. Okay lang sa 'kin dahil naiintindihan ko naman na baka hindi niya kayang mag-isa. Alam ko namang hindi ako sapat para maging masaya siya. Iba 'yung saya na nabibigay ko sa kaniya at iba rin sa magiging asawa niya."
Hinayaan ko siyang magsalita. Hindi ako kumibo habang nagk-kuwento siya.
"Ang ayoko lang naman, kaagad siyang nakahanap ng kapalit kay mama kahit na wala pang isang taon noong iniwan niya kami. Ni hindi niya sinabi sa 'kin na may kinikitaan pala siya. Ipinakilala niya na lang iyong babae no'ng mismong araw na pinatira niya siya sa amin. Kahit noong pinatira niya rin sa amin ang kapatid no'ng kinakasama niya ngayon, wala siyang sinabi sa 'kin. Hindi niya man lang ako tinanong kung gusto ko ba silang makasama. Parang walang halaga sa kaniya ang opinyon ko," walang emosyon siyang tumawa.
"Hindi ka ba tinatrato ng maayos ng stepmother mo?" Maingat kong tanong.
"She actually treat me nice. Too nice that I think she's only doing that because she pity me. Pakiramdam ko pinatutunguhan niya lang ako ng maayos dahil naaawa siya sa 'kin o dahil responsibilidad niyang umakto nang gano'n dahil anak ako ni Papa. That's the reason why I can't trust her fully. Naiirita ako sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na dapat sarili kong ama ang gumagawa," ani niya. "Tungkol naman sa Clown na iyon..."
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...