• • •
Interested
Kagat-kagat ko ang straw ng gatas na iniinom ko habang tinutungo ang susunod kong klase. Recess pa namin kaya sumaglit muna ako sa cafeteria para bumili. Wala akong ganang kumain kaya't naisipan kong bumili nalang ng gatas. Wala na rin naman akong gagawin kaya napagpasyahan kong dumiretso na sa classroom. Nagbabalak rin kasi akong magreview dahil may quiz kami sa subject namin after recess.
Nasa corridor na ako ng floor building na kinalalagyan ng room ko ng makarinig ako ng tugtog. Mahina iyon nung una pero habang papalapit ako sa room ko, mas lumalakas iyon. Kung hindi malapit doon, mukhang sa mismong room namin nagmumula ang tugtog.
Napag-alaman kong tama ako ng tumapat ako sa pinto ng silid namin. Napahinto ako sa akmang pagpasok ng makita kung anong meron. Sa bandang likuran ng classroom, nakapwesto si Dale habang sumasayaw at sinusundan ang beat ng music na pinatutugtog niya. Nakatalikod siya sa'kin pero alam kong siya iyon dahil siya lang naman ang may buhok na katulad ng kaniya.
Tanaw na tanaw ko ang walang hirap niyang pagsunod sa ritmo ng musika. Para akong nakapanood ng live na sayaw ng mga hinahangaan kong dancer. Manghang mangha ako habang nakatingin sa kaniya.
Ang galing niya!
Sa palagay ko nga'y kulang pa ang salitang 'magaling' para ihayag ang galing niya sa pagsayaw. Marami na akong nakitang sumayaw pero siya pa lang siguro ang nagpamangha sakin ng sobra. Tama ang sinabi ni Gian. He's not exaggerating it when he says that Dale is a good dancer. Ito siguro ang dahilan kaya niya siya nagustuhan.
Taranta kong inayos ang postura ko ng umikot siya paharap sakin ng marating ang dulo ng kanta, mukhang kasama iyon sa step niya.
Sinulyapan niya ako ng tingin bago lumapit sa upuang malapit sa kaniya. Kinuha niya roon ang cellphone niya at pinahintong tumugtog ang susunod na kanta.
"Kanina ka pa?" Medyo hingal na tanong niya.
Hindi kaagad ako nakakibo. Bigla akong na-intimidate sa kaniya.
"Ang galing mong sumayaw," wala sa sariling puri ko.
Nilingon niya ulit ako. Saglit siyang may kinuha sa bag bago pinagsalikop ang buhok niya at itinali iyon. Kumuha rin siya ng panyo at marahang pinunasan ang pawis niya.
"Crush mo na 'ko?" nakangising tanong niya.
"H-huh?" Litong sabi ko. Nanatili ang ngisi sa labi niya.
Nakaramdam ako nang kaba. Hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-angal. Siguro dahil masyado pang okupado ang utak ko. Hindi ko siya maiwasang hindi siya puriin ng paulit-ulit sa utak ko. Nakakainggit masyado ang galing niya.
"Paano ka natutong sumayaw?" Subok kong tanong para maalis ang pagkaka-intimidate ko sa kaniya.
Dahan dahan akong naglakad papasok at pumili ng upuan.
"Videos," maikling tugon niya. "Nasanay nalang ako ng tumagal."
Umupo siya sa upuan niya at uminom. Inilabas ko naman ang notes ko at sinubukang mag review. Pero malas lang dahil walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko kayang mag-focus. Sa huli ay sumuko rin. Inis kong sinara ang notes at sumandal sa upuan. Pasimple akong tumingin kay Dale. Nakita ko siyang komportableng nagbabasa ng notes habang may nakasaksak na heaphone sa taenga.
Nang mapagtantong hindi ako makakapag review, napagpasyahan kong lumabas saglit at bumaba. Hindi pa naman tapos ang recess kaya may oras pa ako. Nagsisi rin agad ako sa naging desisyon ng maabutan ko si Sir Clydawn na dumadaan.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Dla nastolatkówHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...