• • •
"Nasaan, 'tol?"
Tanong ko kay Coby ng mahanap ko siya kasama ng ilan kong kaklase noon. Tinuro niya agad ang may kalayuang bar counter.
Nakita ko ang lalaking tiyak kong si Grant na nakaupo at lugmok sa counter. May nakita akong babaeng lumapit sa kaniya at nagtangkang makipag-usap. Umalis din ng siguro'y hindi siya sinasagot.
Nagpaalam ako kina Coby at pumunta kay Grant. Wala na akong pakialam sa paligid dahil diretso sa kaniya ang tingin ko. Marahan ko siyang tinapik sa balikat ng tuluyang makalapit.
"Grant..." kuha ko sa atensyon niya. "Tara na. Iuuwi na kita."
He answered with a groan. Hinila ko ang balikat niya para maituwid siya paupo. Pikit ang mata niya ng tuluyan kong maiangat ang ulo niya sa pagkakahiga sa counter.
"Tara na, sasamahan kita pauwi. Bakit ka ba kasi naglasing?" Nag-aalala kong sabi habang tinitignan ang kabuuan niya. He look like a mess right now. Magulo ang buhok niya at ang damit, katulad pa rin iyon ng suot niya kaninang nasa skwelahan.
Bahagya niyang binuksan ang mga mata niya at tinignan ako. Malikot ang mga mata niya habang namumula at namumungay. Mukhang marami na ang nainom niya bago pa ako makarating.
"You," tinuro niya ako gamit ang kaniyang hintuturo. "You look like Bryll. What a loser. Get out of my face, you fucking impostor!"
Napatanga ako sa sinabi niya.
"Huwag mo akong ma-fucking fucking diyan. Baka mauntog ko iyang ulo mo sa pader," banta ko. Lakas din ng loob nitong murahin ako pagkatapos akong baliwalain ng ilang beses!
"I won't fuck you, don't worry. I'm reserving that for Bryll."
Laglag ang panga at nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"H-Hoy gago! Anong pinagsasa-sabi mo ah?!" Gulantang kong tanong at niyugyog ang balikat niya.
Hindi siya sumagot at pumikit lang. Isinandal niya ang ulo niya sa braso kong nakaalalay sa balikat niya.
"Tsk! Ang mabuti pa, umuwi na tayo! Lasing na lasing ka na. Kung anu-ano na ang sinasabi mo!"
Inalalayan ko siya patayo. Iniakbay ko ang isang kamay niya sa 'kin at giniya siya patayo.
"Ang lakas ng loob mong maglasing samantalang wala ka namang kasama! Feeling matatag ka rin e, noh? Sa susunod, sa bahay ka nalang maglasing para kahit mahimatay ka pa, okay lang!" Patuloy kong sermon habang naglalakad palabas. Hindi ko nga lang alam kung naririnig niya dahil laglag na ang ulo niya.
Sa katunayan nga, kulang na lang buhatin ko na siya dahil nasa akin na lahat ng bigat niya. Hindi na nga siya makahakbang man lang!
Pumara ako ng makakita ng Taxi'ng paparating. Una ko siyang isinakay bago tuluyang pumasok sa kabila. Sinabi ko sa driver ang address ng bahay nila Grant. Saglit kong tinignan si Grant na nakasandal sa bintana bago napagpasyahang kuhanin ang phone sa bulsa para i-text si manang. Hindi ako nakapag paalam ng maayos kaninang umalis ako. Tulog na sila mama kaya hindi ko na nasabi sa kanila. Pinadalhan ko sila ng pare-parehong mensahe. Sinabi ko na hindi ako makakauwi dahil sasamahan ko si Grant. Hindi ko sinabi sa kanila ang sitwasyon dahil ayokong mapasama si Grant sa kanila. Ang alam kasi nila, hindi umiinom ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...