• • •
Umuwi ako sa bahay ng hindi kinakausap si Grant. Hindi rin naman siya tumatawag at nagpapakita kaya walang pagkakataon para magkita kami.
Gulong-gulo ang utak ko. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung totoo ba ang mga pinagsasa-sabi ni Sir Clydawn pero naduduwag akong malaman ang totoo. Paano kung tama si Sir? Paano kung si Grant ang gumawa no'n?
Pero magagawa ba iyon sa 'kin ni Grant? Anong nagtulak sa kaniya para gawin niya iyon? Mali ba talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya?
Hindi ako nanatili sa bahay at lumabas para makapag-isip. Inaya ko kanina si Coby pagkauwi ko na pumunta kaming Bar. Alas-sais na at katatapos ko lang magbihis. Nagpaalam ako kay manang na may pupuntahan lang ako saglit, hindi ko sinabi sa kaniyang pupunta ako sa Bar.
"Long time no see, tol!" Malokong sabi ni Coby sa 'kin pagkalapit ko sa pwesto niya. Nginitian ko at umupo. "Musta ang buhay mo sa bago mong school?"
"Okay lang," maikli kong sabi at nagbukas ng isang inumin para makapagsimula na.
"Mukhang nagiging goodboy ka na ngayon. Ngayon nalang kita nakitang pumunta sa mga night club."
Tumango lang ako at hindi sumagot. Napansin niya siguro na wala akong ganang makipag-usap kaya hinayaan niya lang akong uminom. Nagbigay ako ng pera sa kaniya para dagdagan niya ang iniinom namin.
"Pagkatapos ni Grant, ikaw naman ang naglalasing ngayon," sabi niya ng siguro'y hindi na makayanan. Nakatatlong balik na siya sa pwesto namin. Nagpaalam siya kanina na pumunta sa dance floor at inaya ako pero tumanggi ako. Gusto ko lang uminom rito.
"May problema ba kayo, pre?"
"Wala. Ano namang magiging problema namin?" Tanong ko sa kaniya.
Matagal niya akong tinitigan bago nagkibit-balikat. Nanatili na siya sa tabi ko at hindi na ulit umalis. Sinamahan niya akong uminom kahit na tahimik lang kami.
Dinukot ko ang phone na dala nang mag-vibrate iyon mula sa bulsa ng pantalon ko. Nakita ko ang pangalan ni Grant sa home screen na tumatawag. Sandali ko iyong tinitigan bago binaba sa mesa at hindi sinagot. Pilit kong inalis sa utak ko iyon. Ayoko munang makausap ang kahit na sino sa kanila.
Umilaw ulit iyon ng tumawag ulit sa Grant. Hindi ko iyon pinansin at nagbukas ulit ng bote.
"Sigurado ka bang okay lang kayo?" Tanong ni Coby ng siguro'y makita kung sino ang tumatawag. "Kung kailangan niyong mag usap ngayon, pwede mo naman akong iwan dito. Nakita ko iyong mga batchmates natin kanina, sasama ako sa kanila kapag napagpasyahan mong umalis at puntahan siya."
"Wala nga. Wala akong balak makipag usap sa kaniya. Sino ba siya? Kaibigan ko lang naman siya. Kahit bukas o sa makalawa ko pa siya kausapin, okay lang!"
Tumikhim siya sa sinabi ko, pagkatapos ay napakamot sa ulo. "Uh, alam mo Bryll... hindi ako mabait, pero totoo akong kaibigan. Kahit na anong desisyon ang gawin mo sa buhay mo, hindi kita huhusgahan. Kung may gusto ka mang sabihin na hindi mo masabi sa iba, pwede mong sabihin sa 'kin. Pangako, makikinig ako."
Naibaling ko sa kaniya ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Salubong ang kilay ko siyang tinignan. Awkward niya akong nginitian bago iniwas ang tingin.
"U-uh. Kasi... may nakita ako noon. Dito mismo sa, uh... club. Kayong dalawa ni Grant," hirap niyang sabi. "A-alam mo na kung anong tinutukoy... ko."
Mas nagsalubong ang kilay ko dahil wala akong maintindihan sa sinasabi niya. "Alam ang alin?"
Nanlaki ang mata niya. "Huwag mo sabihin hindi mo alam iyon? O hindi mo maalala? Imposible!"
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Fiksi RemajaHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...