Chapter 13

147 11 0
                                    

• • •

"Bryll, anak. Pwede mo bang bilhin saglit ang mga 'to?"

Napatingin ako kay Manang Tessy. May hawak-hawak siyang isang pirasong papel.

"Ang alin, manang?" Hininaan ko ang pinapanood ko para mas marinig siya. Nasa sala kasi ako at nanonood ng NBA.

"Nagluluto kasi ako para sa tanghalian kaya lang mukhang kulang itong napamili ko, may nakalimutan akong ilang sangkap. Hindi ako makaalis dahil nasimulan ko na ang pagluluto." Paliwanang niya. Nasa kalagitnaan palang siya ay inabot ko na ang papel mula sa kaniya.

"Tsk tsk, kailangan mo na ng memory plus gold, manang" napa-aray ako ng paluin niya ako sa likod. Ngumuso ako at binitiwan ang papel sa sofa. "Ayoko na pala. Nagbago na isip ko, hindi na ako bibili- manang naman!" Daing ko ng paluin ulit niya ako.

"Dalian mo na't bago masunog iyong niluluto ko." Hindi na niya ako hinintay na magprotesta at agad pumunta sa kusina.

Napailing ako at agad nang tumayo. Pinatay ko ang TV sa sala at lumabas ng bahay.

"Uulan pa ata," nasabi ko habang nakatingala, medyo makulimlim ang panahon ngayon.

Pinagsawalang bahala ko iyon at lumabas na. Nilakad ko ang malapit na maliit na Grocery store sa 'min.



"Kangkong," mahinang basa ko. Sunod kong hinanap ang ibang nakasulat ng mahanap iyon. Pagkatapos ay pumunta na ako sa counter para magbayad.

"185 ang lahat," sabi ng kahera. Iniabot ko ang bayad ko at naghintay para sa sukli.

Narinig ko ang biglaang buhos ng malakas na ulan sa labas. Nanlumo agad ako sa isipang hindi ako nagdala ng payong.

"Kung minamalas ka nga naman,"

"Wala ho kayong payong, sir?" Tanong ng kahera sa 'kin habang inaabot ang sukli ko at resibo.

Tipid ko siyang nginitian. "Wala, e."

"Hala. Paano ka makakauwi niyan?" Nag aalalang tanong niya. "Gusto kitang pahiramin ang kaso wala akong maiaalok."

"Okay lang, miss," pagtatapos ko sa usapan.  May napansin kasi akong taong papalapit na sa counter.

"Susugurin niyo ba, sir? Baka magkasakit kayo," pagpapatuloy niya.

May gusto pa ata sa 'kin to, ah.

"Hindi naman ako mabilis magkasakit kaya ayos lang. Salamat sa pag-aalala," nginitian ko siya ng matamis. Pasimple ako nangisi ng makita siyang mamula.

"W-Walang anum--"

"Excuse me, miss? Pwede ko na bang bayaran ang binili ko?"

Napatingin ako sa boses ng nagsalita. I gaped when I saw Dale beside me. Siya pala iyong lalaking naghihintay kanina sa may likuran ko. Agad namang tumalima ang cashier at pinagtuunan siya ng pansin.

Tipid siyang ngumiti ng makita ko siya. Mukhang kanina niya pa alam na nandito ako.

"You live nearby?" Tanong ko.

"Oo. Diyan lang papasok sa may kanto," he pointed at the corner opposite of mine.

"Oh," nasabi ko nalang. Umalis na rin ako ng wala nang matanong. Lumabas ako ng grocery at napahinto habang tinitignan ang ulan. Hindi masyadong malaki ang silungan kaya medyo nababasa ang paa ko dahil sa mga tumatalsik na tubig.

Walang kaso sa 'kin kung magpapabasa ako ng ulan, ang kaso nga lang mababasa rin ang mga pinamili ko. Kung naman maghihintay pa ako dito, matatagalan ako. Kailangan na ni manang ang mga sangkap.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon