• • •
"Grant!" Pilit na inis kong sabi ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Sandali lang," he negotiated.
"May makakakita sa 'tin--"
"Ano naman? Nililigawan naman kita." Bugnot niyang sabi ng ilayo ko ang kamay ko sa kaniya.
Napasinghap ako. "Kaya nga! Nanliligaw ka pa lang pero kung umakto ka parang..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Binigyan niya ako ng ngisi na ikinaismid ko. Akala ko ay pupunahin niya ang pagkakatigil ko pero iba ang napansin niya.
"Tanggap mo na na nililigawan kita?" Ngiti niyang sabi.
Busangot ko siyang tinignan. Seryoso? Wala siyang kaalam-alam?
"Para namang magpapapigil ka. Wala ngang 'no' sa binigay mong choices sa 'kin, e," masama ko siyang tinignan ng maramdaman ang kamay niyang dahan-dahang hinahawakan ang kamay ko. "Tumigil ka. Puputulin ko iyan."
Napanguso siya at yumuko para tignan ang kamao niya. "Hinahawakan ko lang naman para mawala iyong sakit."
Napatingin din ako sa kamao niya. Nakaramdam ako ng pag aalala ng makitang may sugat siya.
"Saan galing iyan?" Tanong ko at inangat ang kamay niya. Hindi niya agad ako nasagot, marahil nagulat sa biglaan kong pagkuha sa kamay niya.
"Noong sinuntok ko iyong gagong humalik sa 'yo. Aksidente kong nasuntok iyong sahig noong umiwas siya."
Marahan kong hinaplos iyon. Magaling na naman pero hindi pa tuluyang naghihilom.
Marahan ko iyong pinisil at tinignan siya."Masakit?"
Umiling siya. "Hawakan mo lang para mawala ang sakit."
I 'tsked'. Alam kong nagsisinungaling siya. Nahagip ko ng tingin ang pagngiwi niya ng pisilin ko iyon.
"Talaga?" Tanong ko at pinisil ulit. Hindi ko nilubayan ang mata niya para makita ang reaksyon niya. Nakatingin rin siya sa 'kin.
Natawa ako at nag iwas ng tingin ng makita ang pilit niyang pag inda sa sakit.
"Sinungaling ka talagang kumag ka."
Pinagsalikop niya ang kamay namin habang abala ako sa pagtawa. Natigil ako ng maramdaman iyon. Nakikiusap niya akong tinignan.
"Saglit lang. Pangako."
Umismid ako at pinagbigyan siya. Ayoko nga sana dahil may nararamdaman akong kakaiba tuwing hinahawakan niya ako.
"Naiisip mo pa ba iyong ginawa sa 'yo ng..." hindi niya iyon naituloy, para bang mahirap para sa kaniya na sabihin iyon.
"Minsan," sagot ko kahit na ang totoo ay hindi na. Paano ko maiisip kung tuwing pumapasok sa isip ko iyon, mukha niya ang nakikita ko? Tsk.
"Kulang pa siguro."
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang bulong niyang iyon. Alam ko agad ang tinutukoy niya. Defensive siyang ngumiti ng makita niya ang reaksyon ko.
"Papatayin kita kapag ginawa mo ulit iyon," halos histerikal kong banta sa kaniya.
Bumusangot siya at hindi na nagsalita. Pinagdiskitahan na lang niya ang kamay ko.
"Grant."
Inagaw ko ang kamay ko kay Grant ng marinig ang boses ni Syd.
"Ano na naman?" Iritang baling ni Grant sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...