Chapter 16

145 13 0
                                    

• • •

Huminto ako sa pagtawa ng makita si Grant na papalapit sa 'min. Inabala ko ang sarili sa pagkalikot sa phone ko para kunwaring busy ako. Talagang paninindigan ko ang sinabi kong hindi ko siya papansinin.

Tsk. Akala niya siya lang marunong mam-baliwala? Think twice.

"Palapit si Grant," pasimpleng bulong ni Sian sa tabi.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Nag-away ata," pagbibigay-alam niya sa kung sino.

"Ano ba iyang sine-senyas mo diyan ah, Santol?" Tanong ni Syd kay Sian. Rinig ko ang agarang pag-apila ni Sian sa itinawag sa kaniya ni Syd.

SEA namin ngayon. Kasama namin siyang nagpapalipas oras sa mga benches. Huminto siya at lumapit sa 'min ng makita kaming nakatambay, vacant din siguro nila kaya nakakalabas siya.

Pasimple kong itinaas ang paningin ko para makita kung nakalapit na ba si Grant. Bumaling ulit ako sa phone ko nang makitang malapit na siya.

Pagkatapos mo 'kong iwanan kahapon, lalapit ka ngayon?

Napairap ako sa hangin. Asa pa siyang kakausapin ko siya at papansinin. Pinanatili ko ang malamig kong reaksiyon ng lumapit siya sa 'kin. Nabitin sa ere ang akma kong pagtalikod ng upo sa kaniya ng nilagpasan niya ako at dumiretso kay Syd.

"We have a meeting," imporma niya kay Syd.

"Huh? 'Di ba kaka-meeting pa lang natin no'ng isang araw? Para saan naman?"

"It's not starting yet so I don't know the reason. Ask me again when it's done," nanunuya niyang sabi. "Let's go."

"Sungit," bulong ni Syd bago sumunod sa papalayong si Grant.

Bumaba ang balikat ko sa pagkadismaya. Kusang naalis ang inis na nararamdaman ko para sa kaniya habang tinitignan siyang naglalakad palayo. Gano'n na lang ba ka-tindi ang galit niya sa 'kin para hindi ako pansinin? Parang may mabigat na bagay na dumagan sa akin habang inaalala ang tungo niya.

"Nag-away kayo?" Tanong ni Sian sa 'kin.

Tamad ko siyang tinapunan ng tingin. Kanina pa sila nagbubulungan nila Kent. Mukhang napansin din nila ang nangyaring hindi pagpansin sa 'kin no'ng isa. 

"Hindi naman. Pero mukhang nagalit siya nung sinabi kong may gusto ako kay Dale."

"Sinabi mo sa kaniya?!" Gulat na tanong ni Sian.

Tumango ako at sumandal sa sandalan. "Na-guilty kasi ako. Hindi ako sanay na nagtatago ng sikreto sa kaniya. Hindi ko lang naman agad nasabi dahil alam kong magagalit siya," dahilan ko.

Ayaw kong sabihin sa kanila na galit si Grant kay Dale. Sa palagay ko wala akong karapatan para do'n.

"Alam mo na magagalit siya?" Tanong ulit niya. "Ibig mong sabihin alam mo na?"

Nangunot ang tingin ko sa kaniya. "Alam ang alin? Na magagalit siya? Oo nga, alam ko. Basta hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang dahilan."

"Alam mo ang dahilan kung bakit nagagalit siya?" Tanong ulit niya.

Bakit ba paulit ulit siya? Minsan talaga nakakaasar pagkama-usyoso ng isang 'to.

"Oo nga."

"Edi alam mo na nga," sabi niya ulit.

Asar ko siyang tinignan. "Ang alin ba? Ang gulo mo!"

Nagkatinginan silang tatlo. Napakamot ng ulo si Sian, mukhang naiinis na rin sa 'kin.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon