• • •
"We will start after 10 minutes!" Sigaw ng kung sino sa loob ng basketball court ng paaralang kinaroroonan namin ngayon.
"Shit. Kinakabahan ako," kabado kong sabi sa katabing si Grant.
"Don't be. I know you can do well," sabi niya.
Ngayon na ang laban namin. Kasalukuyan kaming nasa basketball court ng paaralang kalaban namin. Unang magpe-perform ang mga cheering squad bago tuluyang magsimula ang laro.
"You can also hold my hand, if you want," alok ni Grant sa tabi ko. At dahil nga kabado ako, walang pag-aalinlangan kong hinawakan ang kamay niya.
"What?" Tanong ko nang makita siyang natulala sa kamay naming magkahawak.
Natauhan siya. "No--nothing. Nagulat lang ako. Binibiro lang kita, akala ko hindi mo gagawin."
Hindi ko alam kung may nakakabigla talaga roon. Maiintindihan ko sana kung una kong beses na ginawa iyon pero hindi. Pagkatapos no'ng nangyari sa kaniya. Sinubukan ko nang iparamdam sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko pa iyon nasasabi pero gusto ko iyong iparamdam sa kaniya.
Inalis ko ang pagkakahawak sa kamay niya. "Edi huwag-"
Lihim akong napangiti nang mabilis niya iyong kinuha at ipinatong ulit sa kamay niya. He intertwined our hands.
"Kinakabahan rin ako. Kailangan kong hawakan ang kamay mo para matanggal ang kaba ko," maloko niyang sabi na ikinatawa ko.
"Sus. Magdadahilan ka lang para hawakan ang kamay ko," panunukso ko.
Tinaasan niya ako ng isang kilay at nginisian. "Ako talaga? Sino bang unang humawak ng kamay?"
"'Di ba inalis ko na? Bakit mo binalik?" Tanong ko pabalik. Naghahamon kong nilabanan ang tingin niya. We're looking at each other's eyes while talking.
"Alangan naman payagan kong alisin mo na lang ng basta pagkatapos mong hawakan?"
"Hinawakan ko dahil sinabi mo."
"I'm only suggesting. I didn't force you to hold it."
"So? Ibig mong sabihin kasalanan ko pa na hinawakan ko?" Naiinis ng sabi ko habang nakikipaglaban pa rin ng titigan sa kaniya. Mas lalo akong nainis ng makitang nagpipigil siya ng ngiti.
"No. I actually like it. Kaya nga ibinalik ko noong inalis mo. Hindi mo pwedeng basta na lang bitawan pagkatapos mong hawakan. When you hold it, you also gave me permission to hold it too. I have the rights to get it back because you already gave me permission."
"Buang ka ba?" Nasabi ko na lang. Kung anu-ano na lang ang pinagsasa-sabi niya. Talagang nag-imbento pa. Tinitigan niya lang ako at bahagyang pinagtaasan ng kilay. Pasimple kong iniwasan ang titig niya ng hindi na makayanan.
Nakatingin na ako sa cheering squad namin na nagre-ready na para sa sayaw nila ng hawakan ni Grant ang baba ko at iniharap ako sa kaniya. Mataman siyang nakatingin sa 'kin nang balingan ko.
"What?" Awkward kong tanong.
"Can I have your attention? Kahit ilang minuto lang. Ang sarap lang sa pakiramdam habang tinititigan mo ako pabalik," banayad niyang sabi. "I want you to lock your eyes with mine. Kahit ngayon lang."
Nahihiya man, pinagbigyan ko ang hiling niya. Tinignan ko siya diretso sa mata. He didn't asked me to look at him with so much affection, but I did. I want him to see that I love him. That what he's feeling towards me is not one sided love. Na hindi lang siya ang nagmamahal dito, kung hindi ako rin.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...