• • •
Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga substitute basketball ring na itinabi kanina. May mga gulong 'to kaya pwedeng ilipat. May mga parihabang sementong nakalagay sa likuran na nagsisilbing pabigat para hindi nalang biglang gumulong, iyon ang nagsilbi kong upuan habang nanonood ng practice.
Nilingon ko ang palapit na si Grant. May dala siyang drinks and sandwiches, inilapag niya iyon sa tabi ko bago umupo. Nasa pagitan namin ang mga binili niya.
"Tapos na kayo?" Tanong ko habang tinitignan siyang binubuksan ang isang drinks, binigay niya iyon sa akin at kumuha ng kaniya. Inabot niya rin sa 'kin ang isang sandwich.
"Almost," sagot niya. "Gusto mo na bang umuwi?" Dagdag na tanong niya.
Inilingan ko siya. "Hindi pa naman. Natanong ko lang dahil nandito ka ngayon. Akala ko tapos na."
"I stop for a while to take our break. Kanina pa tayo hindi kumakain."
Napatingin ako sa orasan sa phone ko at nakitang maga-ala una na nang hapon.
"We skipped lunch," puna ko.
"Dumaan muna tayo sa isang fastfood bago umuwi. Malapit na rin naman matapos, bukas na itutuloy ang iba."
"Babalik ka ulit dito bukas?" Gulat na tanong ko. Ang akala ko ay tatapusin nilang lahat sa isang araw lang, hindi ko alam na aabutin sila ng isa pang araw.
"Oo, nag,iiba kasi ang desisyon nila. Papalit-palit ng arrangement and designs. Kailangan ready na ang mga ma-trabahong gagawin bago pa umabot sa monday para kaunting ayos nalang ang gagawin," paliwanag niya.
"Sama ulit ako bukas," bulalas ko.
Matagal niya akong tinignan, sinusuri ang reaksyon ko.
"Bakit?" Tanong ko. Nakatingin lang kasi siya sakin, hindi nagsasalita.
Hindi siya sumagot at nilingon ang mga nasa harapan. Tumingin nalang din ako at nanood. Saktong part na kung saan solo performance ni Dale. Nakaupo ang mga kasama niya habang nakapalibot sa kaniya, siya ang nasa gitna at sumasayaw.
Hindi ko naalis ang mata ko sa kaniya sa buong panahong sumasayaw siya. Ang smooth ng bawat galaw niya. Hindi masyadong maliksi at hindi rin naman matamlay, natural lang. Iyong tipong kahit hindi niya galingan, makikita mo parin yung angas at aura ng pagiging dancer niya.
"Bryll," tawag ni Grant sa tabi ko.
"Hmm," wala sa sariling sabi ko, nanatili ang tingin sa harap.
Naramdaman ko ang mariing hawak ni Grant sa braso ko kaya't napabaling ako sa kaniya ng wala sa oras. Madilim ang mukha niya niya nung una pero napalitan iyon ng pagsusumamo. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Bakit?" Litong tanong ko. "May problema ba?"
Huminga siya ng malalim at ilang ulit sa kumurap. Marahan niya ring hinawakan ang buhok niya at bahagyang ginulo iyon.
"Are you lying when you said that you're not interested with that guy?" Halos pabulong na tanong niya.
Hindi ko kaagad nakuha ang tanong niya. "That... guy? Sino?"
Pinagalaw niya ang dila sa loob ng pisngi niya. "I'm talking about Arcandale."
Pilit akong tumawa. "Grant, straight ako," sa halip na sagot ko. Hoping that it's enough to answer his question.
Tinitigan niya ako, mukhang hindi naniniwala. Pinantayan ko ang titig niya para patunayan sa kaniya... at sa sarili ko mismo, na totoo ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020
Teen FictionHighest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng nakakarelasyon niya dahilan para patalsikin siya sa skwelahang kinabibilangan. Para magtanda at mailayo...